Lunes, Hunyo 27, 2011

ANG KATOTOHANAN

   
S
tao ay likas ang maghanap ng katotohanan, palibhasa’y maliwanag na ito ay wala sa kaniya. Sapagka’t kung ito’y taglay na ng kaniyang kamalayan ay wala na ngang kabuluhan pa ang maghanap nito. Bagay na kapag hindi nabigyan ng kaukulang liwanag ay tulad sa isang malaking batong katitisuran. Kaya’t bayaan ninyong ito’y lapatan namin ng katuwirang ayon sa evangelio ng kaharian, na siyang ginawang patibayang aral nilang mga naging tunay na banal ng ating Ama na nasa langit.

1 JUAN 2 : 
4 Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING, at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.

2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.

5 At ngayo’y ipinamamanhik ko sa iyo, Ginang, na hindi waring sinulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo’y mangagibigan sa isa’t isa.


6 At ito ang pagibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa KANIYANG MGA UTOS, Ito ang UTOS, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.

Sabado, Hunyo 25, 2011

PANGALAN NG DIOS. HINDI MAHALAGA?


EXO 20 :
7 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

EXO 9 :
16 Datapuwa’t totoong totoo, na dahil dito ay pinatatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking pangalan, at upang ang aking pangalan ay mahayag sa buong lupa.

BILANG 6 :
27 Gayon nila ilalagay ang aking pangalan sa mga anak ni Israel, at aking pagpapalain sila.

Huwebes, Hunyo 23, 2011

WALANG HANGGANG KAUTUSAN

Everlasting Law

Biyernes, Hunyo 17, 2011

Huwebes, Hunyo 16, 2011

JESUCRISTO, DIOS NG MGA GENTIL

Ang Tagapagtayo ng Iglesia

Linggo, Hunyo 12, 2011

ANG KAUKULANG PANANAMPALATAYA KAY JESUS

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Miyerkules, Hunyo 8, 2011

KARUMALDUMAL NG MGA EGIPCIO at (Pag-asa ng masama sa kaligtasan)

Ang tanging layunin ng ating Ama ay ilagay sa wastong pamumuhay ang lahat niyang mga anak, kaya nga nang alisin niya sa pagkaalipin ng Egipto ang boong sangbahayan ni Israel ay nagbigay siya ng mga kautusan, at mga palatuntunan. Sapagka’t sila’y nangahawang lahat sa hindi kakaunting karumaldumal na kinawiwilihan ng mga Egipcio, na sa kanila’y umalipin ng lubhang mahabang mga panahon.

Na kung iisaisahin ay ayon sa mga sumusunod,


1. Ang pagkakaroon ng ibang mga dios.
2. Ang pagsamba sa mga likhang larawan (idulo/rebulto) ng mga diosdiosan.
3. Ang pagbanggit sa pangalan ng Dios sa walang kapararakan.
4. Ang pagpapawalang kabuluhan sa mga kapanahunan ng Sabbath.
5. Ang paglapastangan sa Ama at Ina.
6. Ang pagpaslang (pagpatay) ng kapuwa.
7. Ang pangangalunya (pakikiapid).
8. Ang pagnanakaw.
9. Ang pagsaksi ng kasinungalingan laban sa kapuwa.
10. Ang pagiimbot sa asawa ng iba at anomang pagaari ng kapuwa.

Martes, Hunyo 7, 2011

ANG VERBO

 S
i Jesus gaya ng iba pang banal na nabuhay sa kanikanilang kapanahunan, palibhasa’y pinamahayan at pinagharian ng Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban at kabuoan ay lumarawan sa kaniyang mga salita at gawa ang wangis at anyo ng ating Ama. Ang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan, paglikha, karunugang may unawa, at buhay na walang hanggan, na siyang kaanyuan ng Dios sa bawa’t banal na nabuhay sa kalupaan.

Nang pasimula nga ay ang verbo (salita), at ang verbo ay sumasa Dios at ang verbo ay Dios. Gayon nga na nang pasimula ay salita na siyang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan (lakas), paglikha (paggawa), karunungan, at buhay.


Ang salita ngang lumalapat sa mga ito’y sumasa Dios, at Dios sa kaniyang anyo at likas na kalagayan. Sa gayo’y nagkatawang tao ang verbo (salita) at tumahan sa gitna ng mga tao. Sa makatuwid baga ay ang taong si Jesus? 

Hindi nga ang gayon, kundi ito’y nagkatawang tao o namahay at naghari sa kalooban at kabuoan ng sinomang kinilala ng ating Ama sa larangan ng tunay na kabanalan

Lunes, Hunyo 6, 2011

AKO’Y ALIPIN AT APOSTOL NI JESUCRISTO

Saul of Tarsus aka Paul
Roma 1 :
Si Pablo na ALIPIN NI JESUCRISTO, na TINAWAG NA MAGING APOSTOL, ibinukod sa EVANGELIO NG DIOS,

1 Cor 1 :
Si Pablo, na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Sostenes na ating kapatid.

2 Cor 1 :
Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa bayan ng Acaya.
Gal 1 :
Si PABLO, na APOSTOL (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya’y muling bumuhay),

Linggo, Hunyo 5, 2011

SIMBOLISMO NG TUPA AT NG KAMBING Kilalanin ang mga Anti-Cristo?

A
ng tupa ayon sa banal na kasulatan ay tumutukoy ng maliwanag sa mga tao na nakikinig sa tinig (kautusan) ng Dios na siya nilang Pastor. Pinagpala ang mga tupa palibhasa’y nakikilala Niya sila at sa kanila’y inilalaan ang walang hanggang buhay sa kaharian ng langit, at yao'y sumisimbulo sa gawing kanan ng Dios, gaya mg nasusulat,

EZE 34
31 At kayong mga TUPA ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

JUAN 10 :
27  Dinidinig ng aking mga TUPA ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.