![]() |
Courtesy of Google Images |
Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang misyon ng paghahanap ng katotohanan na itinatag upang ipahayag ang dalisay at orihinal na mga turo ni Cristo, batay lamang sa patotoo ng mga tunay na saksi at ng mga Kasulatang Hebreo. Tinatanggihan nito ang mga sumunod na pagbaluktot, at layuning ibalik ang mga kaluluwa sa liwanag ng kabanalan ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at Espiritu ng Dios na nanahan kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Cristo ay tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Cristo ay tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Sabado, Enero 16, 2016
Ang Ama na nasa Langit
Mga etiketa:
Aking Ama,
Ama namin,
Anak ng tao,
Ang Cristo ay tao,
Inyong Ama,
Katuruang Cristo,
Mesias,
Messiah,
Rayos ng Liwanag,
Si Jesus ay tao
Linggo, Abril 14, 2013
ANG TAO AY MAY KALULUWA
Sa panahon nating ito'y maituturing na higit ang bilang ng mga tao na hindi pa nauunawaan ng lubusan ang pinakamahahalagang bahagi na bumubuo sa kaniyang pagkatao. Madalas ay napapagkamalian ng marami na ang kaluluwa at Espiritu ay iisa lamang at walang anumang pagkakaiba sa kalikasan ng isa't isa. Ang ilan nga ay nagsasabi na sila ay physical body lang dahil sa hindi naman daw nila nakikita at nadarama ang pagkakaroon nila ng kaluluwa (soul) at espiritu (spirit.) Kaya naman mahalaga sa sinoman na higit sa lahat ay magkaroon ng sapat na pagkakilala sa mga prinsipal na bahagi ng kaniyang sarili bilang isang tao. Iyan ang sa ngayon ay lalapatan namin ng kaukulang tanglaw ayon sa matuwid ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.
Nasusulat, na ang kalagayang tao ay isang kabuoan na sinasangkapan ng tatlong (3) bahagi – ang katawang lupa (physical body), ang kaluluwa (soul), at ang Espiritu ng buhay (spirit of life). Ang kaluluwa sa kabuoang ito ay buhay (living), palibhasa’y taglay niya ang Espiritu ng buhay. Sila ay hindi magkakatulad sa likas nilang kalagayan, gayon ma’y nabibilang sa isang napakahalagang layunin ng nabanggit na kabuoan.
Nasusulat, na ang kalagayang tao ay isang kabuoan na sinasangkapan ng tatlong (3) bahagi – ang katawang lupa (physical body), ang kaluluwa (soul), at ang Espiritu ng buhay (spirit of life). Ang kaluluwa sa kabuoang ito ay buhay (living), palibhasa’y taglay niya ang Espiritu ng buhay. Sila ay hindi magkakatulad sa likas nilang kalagayan, gayon ma’y nabibilang sa isang napakahalagang layunin ng nabanggit na kabuoan.
Linggo, Setyembre 2, 2012
CRISTIANO NG DIOS
![]() |
Jesus preaching the Gospel of the Kingdom |
Mashiyach
sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus
sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang
ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at
katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang
katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.
Ang
sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan
na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo
ay maaaring matawag na isang Cristiano.
Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong
natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon
sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang
(Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.
Mga etiketa:
Ang Cristo ay tao,
Christ,
Christus,
Cristo,
Huwad na Cristiano,
Iisang Dios,
Katotohanan,
Katuwiran ng Dios,
Kautusan,
Khristos,
Mashiyach,
Masyak,
Masyanismo,
Masyano,
Masyano.,
Messiah,
Tunay na Cristiano
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)