Linggo, Nobyembre 15, 2015

SAN PABLO, ISRAELITA NGA BA?


Courtesy of Google Images
PAUNANG SALITA:

Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, sirain, ni gibain man ang pinaninindiganang doktrinang pangrelihiyon ng sinoman. Gayon din namang nais naming liwanagin na wala kaming anomang laban o paghihimagsik sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. 

Kung siya man ang hayagang sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral (evangelio ng di-pagtutuli) ay may lantarang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios (Katuruang Cristo) na ipinangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal. 

Sa halos hindi mabilang na denominasyon nitong Cristianismo ni Pablo ay ganap ang pagkilala sa kaniya bilang isang tunay na Israelita. Ito’y dahil sa may diin niyang pahayag sa ilang sulat na kaniyang ipinaabot sa mga taga Roma at Corinto.

Na sinasabi,

Lunes, Nobyembre 2, 2015

Sino si JAH, YAH


Courtesy of Google Images
Sa King James Version (KJV) ng bibliya, ang יהּ (YH) na mula sa saling “LORD *H3050  ay binanggit ng 28 ulit sa 24 na talata nito. 

Samantalang sa Awit 68:4 ay binanggit ang **JAH” na kuha sa silanganin (eastern) tradisyon, na ang ibig sabihin sa kalakarang Tanakh ay יה (YH).

Kung babasahin iyan ay “YAH” mula sa kanluraning (Western) transliterasyon sa wikang Ingles na pinahikling ****YHWH (Yahweh). 

Kabilang ang Awit 68:4 ay nasa 29 na ulit natala ang Strong’s Number H3050 sa 25 talata ng Tanakh. Ibig sabihin niyan ay 29 na ulit na binanggit ng mga banal ng Dios ang mga letrang יה (YH) na siyang unang dalawang letra (YH) ng tetragramaton (יהוה ***YHVH).

Sa pagtatapos ng akdang ito ay mauunawaang mabuti, kung totoo nga ba, o hindi, na sa balumbon ng mga sagradong kasulatang nabanggit ay iisa lamang ang pangalan na ibinigay ng Dios sa kaniyang mga banal.