Huwebes, Oktubre 15, 2015

ANG UNA AT PANGALAWANG PAGSILANG

Courtesy of Google Images
Sa larangan ng tunay na kabanalan ay isang sagradong kalakaran, na ang sinoman ay matamo sa kaniyang kabuoan ang tinatawag na muling pagsilang. Iyan ay hindi gaya ng pagsilang mula sa sinapupunan ng isang ina, kundi simbolismo, na kung saan ay inaalis ng sinoman sa kaniyang sarili ang lahat ng nilalaman nito. 

Ibig sabihin ay ang paglalagay ng iyong sarili sa estado, na gaya ng bagong silang na bata. Na walang anomang kaalaman sa kaisipan, at walang anomang damdaming makalupa na natatala sa kaniyang kamalayan.

Gaya nga ng isang bata ay kailangan na muli ay masumpungan ng sinoman ang kaniyang sarili sa banal na kalagayang iyan. Sapagka’t iyan ang dahilan, kung bakit ang panginoong Jesucristo ay nagsabing,

Biyernes, Oktubre 2, 2015

NAG-IISANG PERSONA (YHVH) SA KALAGAYANG DIOS

Ahtanasius of Alexandria was traditionaly
thought to be the author of the
Athanasian Creed, and gives his name
to its common title.
Sa bilang na 4 hanggang 6 nitong Kredo ni Athanasius ay ipinahayag ang pangunahing doktrinang pangrelihiyon ng simbahang katoliko na tumutukoy sa Trinidad, na sinasabi,


KREDO NI ATHANASIUS
(bilang 4 hanggang 6)

   4. Ni hindi pinag-iisa ang mga Persona o pinaghihiwa-hiwalay ang kalikasan.

   5. Sapagkat mayroong isang Persona ng Ama, isa ng Anak, at isa pa ng Espiritu Santo.

   6. Ngunit ang pagka-Diyos ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo ay iisa lahat, ang kaluwalhatian ay pantay, at ang kamahalan ay magkakasing walang hanggan.