Lunes, Oktubre 16, 2017

Mga Isiningit (insertion) na Salita sa Bibliya ng mga Tagapagsaling-wika

Isang napakahalagang kaalamang biblikal na maunawaan mula sa orihinal na kasulatang Hebreo (Old Testament [Tanakh]) at sa tekstong Griego (New Testament), na sa mga kasulatang iyan ay walang mga panaklong (parentheses o bracket), tuldok (period), kuwit (commas), mga panipi (quotation) o tandang pananong (interrogation marks).

Gayon man, nang ang orihinal na textong Hebreo at orihinal na textong Griego ay isalin sa Ingles ay minabuti ng mga tagapagsaling-wika (translator), na ang kanilang salin (translation) ay lagyan ng mga bantas (punctuation marks).

ANG PANAKLONG (PARENTHESIS)
Gaya halimbawa ng panaklong (parenthesis). Ito ay ginamit ng mga tagapagsaling-wika ng bibliya sa layuning bigyan ng akmang sintido o kapanipaniwala na kahulugan at unawa ang teksto (Hebrew/Greek) sa saling Ingles. Ang salitang "parenthesis" ay nagmula sa wikang Griego, na ang ibig sabihin ay "pagpapasok, pagsisingit, o paglalakip (insertion)".

Linggo, Oktubre 1, 2017

TIPAN KAY MOSES NANANATILING BAGO

Ang kaisaisang Dios (YHVH) ay hindi miminsan na nakipagtipan sa kaniyang mga banal. Iyan ay isang napakaliwanag na katunayang Siya ay umiral sa lubhang malayong nakaraan, at nananatili sa kasalukuyan, hanggang sa mga darating pang iba't ibang kapanahunan. Ang tipan niya ay tunay, tapat, at totoong makapayarihan sa pagpapatupad ng mga pangako sa kaakibat nitong mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan.

Gayon ngang sa natatanging kapanahunan ni Moses ay nakipatipan sa kaniya ang kaisaisang Dios sa taluktok ng bundok Sinai. Doon ay natamo niya ang sampung (10) kautusan na nasusulat sa tapiyas ng mga bato. Sa paglipas ng mga panahon ay ipinabatid ng ating Ama sa banal niyang si Jeremias, na Siya ay maglulunsad muli ng isa pang tipan sa sangbahayan ni Israel at ni Juda, na sinasabi,


JER 31:
31  Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na AKO’Y MAKIKIPAGTIPAN NG PANIBAGO sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.

32  Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang siniraBAGAMAN AKO’Y ASAWA NILASABI NG PANGINOON.