King David |
Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway (Awit 110:1).
A
|
ng Lumang Tipan ng Biblia ay hindi maikakaila na kinikilala sa apat (4) na direksiyon ng mundo bilang isang kongretong patibayang aral sa larangan ng totoong kabanalan. Isang balumbon ng mga sagradong kasulatan, na nagpapahayag ng mga katuruang sinalita nitong Espiritu ng Dios, sa pamamagitan ng mga nangabuhay na banal (propeta) sa iba’t ibang lubhang malayong kapanahunan. Gayon ma’y isang katotohanan din naman na nararapat tanggapin ng lahat, na iilan lamang sa dinamidami ng tao sa ating daigdig ang lubos na nakatatanaw sa tunay na anyo ng nabanggit na kasulatan.
Bunga nito’y laganap sa kalupaan ang kamangmangan at kawalang malay ng marami sa katuwiran ng Dios na binibigyang diin sa iba’t ibang aklat pangkabanalan na nilalaman nito. Ito’y isa sa pangunahing dahilan, kung bakit hindi kakaunti ang mga tao na lihis sa matuwid na landas ng buhay sa kalupaan.