Ipinapakita ang mga post na may etiketa na YHVH. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na YHVH. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Mayo 14, 2017

UNA AT HULI (Alpha at Omega)

Ang tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya ay hango sa Tanakh, na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ng Israel sa wikang Hebreo. Bahagi niyan ang Torah, na naglalaman ng limang (5) aklat ni Moses. Sa mga antigong kasulatan na iyan ay hayagan at tuwirang binanggit ang pangalan ng kaisaisang Dios (YHVH). Gayon man, sa pagsasalin sa wikang Griego ng 70 iskolar na Hebreo sa panahon ng Paraon ng Egipto na si Ptolomy II. Taong 132 BC ay natapos ang pagsasalin ng bibliyang Hebreo sa wikang Griego (koine) sa siyudad ng Alexandria. Sa pagsasalin ng mga nabanggit na iskolar ay ipinasiya nila na huwag ilagay sa saling Griego (Septuagint) ang YHVH. Ito’y dahil sa ito’y hindi nila kayang bigkasin mga Griego, at sa halip ay minabuti nilang palitan na lamang ng salitang  “KURIOS,” na sa wikang Ingles ay, “LORD,” o kaya naman ay “Lord” ang ibig sabihin. Iyan ay upang makatiyak na ang nabanggit na pangalan ay hindi malapastangan, at maiwasan na malabag ng marami ang pangatlo (3rd) sa sampung (10) utos ng Dios.

Kaugnay niyan, sa isang artikulo nitong Rayos ng Liwanag ay nilinaw ang usapin na may direktang kinalaman dito. Na sinasabi,

PANGINOON (LORD)
Ang salitang Hebreo na  יְהֹוָה (YHVH) ay tumutukoy lamang sa walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios na natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ng bansang Israel. Tetragramaton ang tanyag na bansag nito at kilala sa transliterasyong Yahovah,  o,  Yehovah.
 
Ang יְהֹוָה(YHVH) ay 6519 na ulit binanggit sa 5521 talata nitong Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng bibliya. IEUS ang transliterasyon sa wikang Griego. YHVH ang baybay sa ingles ng Inglatiera at America. H3068 ang nakatalagang numero nito (יְהֹוָה) sa Strong’s concordance.

Bilang tugon ng mga iskolar ng bibliya sa pangatlong (3) utos, na sinasabi,

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng PANGINOON na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)

Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”

Ang pangalang nabanggit ay minabuti nilang palitan ng salitang “LORD,” na may malalaking letra. “KURIOS” ang itinapat na salita ng mga Griego sa salitang ito. “Panginoon” na may malaking letrang “P” sa unahan ang naging katumbas na salita sa ating wika.
Ang kinalabasang anyo sa makatuwid nitong יְהֹוָה (YHVH) sa saling ingles ng Masoretic Texts sa KJV ay walang iba, kundi ang salitang, “LORD.” Ito nama”y mababasa sa Hebrew concordance sa hindi kakaunting bilang na nalalahad sa itaas.

Martes, Nobyembre 13, 2012

Adonai (LORD, GOD)


Sa mga balumbon ng Tanakh, ang YHVH (Yod, Hey, Vav, at Hey) ay ang walang hanggang pangalan (Exo 3:15) ng kaisaisang Dios na Ama nating nasa langit. Nang Kaniyang atasan si Moises bilang sugo ng pagpapalaya sa sangbahayan ni Israel mula sa pagka-alipin nitong Paraon ng Egipto – niliwanag at tiniyak ni YEHOVAH (YHVH) na siya na nga at wala ng iba pa ang sa kaniya (Moises) ay nakikipag-usap. Ito ay sa pamamagitan ng mga katagang, “ehyeh-asher-ehyeh” (I am who I am). Ang kahulugan nito sa atin ay “Ako yaong Ako nga,” na tuwirang nagsasabing Siya, na kausap ni Moises ay walang iba, kundi si YEHOVAH (YHVH).

Ang salitang “ehyeh-asher-ehye” ay napakaliwanag na hindi kailan man tumukoy sa pangalan ng Dios at katotohanan na iyan ay hindi pangalan, kundi mga salita na mariing nagsasabing si YEHOVAH ang kausap ni Moises sa mga sandaling iyon sa taluktok ng bundok Sinai. Ito’y para na rin niyang sinabi “Moises, Ako yaong Ako nga, Ako nga si YEHOVAH na ngayo’y nakikipag-usap sa iyo, na Dios ng iyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob.” Sa makatuwid ay lubos niyang ipina-uunawa na, "Ang pangalan ko (YEHOVAH) ay katunayan na ako ay umiiral (My name [YEHOVAH] is the fact that I exist.)"

Huwebes, Nobyembre 8, 2012

TETRAGRAMATON (YHVH)


Hayag sa balumbon ng mga banal na kasulatan ang likas na kalagayan ng Dios, at doo’y mapapag-unawa ang lubos na pagkakakilanlan sa kaniya bilang Ama ng lahat ng kaluluwa. Kabilang diyan ang mga kautusan na ayon sa Kaniya ay umiiral na magpasa walang hanggan. Gayon din ang Kaniyang pangalan na higit sa anim na libong (6,000) ulit binanggit ng mga banal ng Dios (Mashiyach) na nabibilang sa buong sangbahayan ng mga anak ni Israel.

Masoretic Texts ang mapapagkatiwalaang (authoritative) matandang manuskrito na siyang ginamit na mapapanghawakang batayan ng mga Israelita sa paggawa nila ng Bibliyang Hebreo. Gayon ma’y hindi nailahad sa nabanggit na aklat, kahi man dalawa o isang ulit ang tama at hustong pangalan ng Dios na natatala sa orihinal na teksto. Ang dahilan ay ang pangamba ng mga nagsipagsalin na malabag ang pangatlong (3) utos ng Dios, na sinasabi,

DEU 5 :
11  HUWAG MONG BABANGGITIN ANG PANGALAN NG PANGINOON MONG DIOS SA WALANG KABULUHAN; sapagka't hindi aariin ng Panginoon na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.

Katuwiran nila’y mabuti ng malihim sa kaalaman ng marami ang pangalan ng Dios, kaysa naman ito’y magamit lamang ng mga hangal sa walang kabuluhang bagay. Sa gayong kalakaran, ito nga'y totoong nalingid sa kaalaman ng marami, subali’t nagbunga naman ng kaawa-awang kalagayan sa kaluluwa ng mga tao. Dahil sa hindi naging malinaw ang tama at wastong pangalan ng Dios na nararapat bigkasin, kapag ang sinoma’y idinadalangin sa Kaniya ang mga hinaing ng kanilang kaisipan at damdamin.