Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pastor ng Israel. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pastor ng Israel. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Pebrero 5, 2015

MGA HARI, PRINSIPE, AT PASTOR NG ISRAEL

Hari ng Israel
Mula sa malawakang pagkakawatakwatak ng mga lahing kabilang sa labingdalawang (12) lipi ng Israel ay minabuti at ipinasya ng kaisaisang Dios, na sila’y pagkalooban ng isang makapangyarihang hari na sa kanila ay makapagbubuklod na muli. Gaya ng isang kawan na walang pastor ang Israel sa kapanahunang iyon, at dahil diyan ay marami ang nahihiwalay sa kanilang pastulan tungo sa di kailan man nila ninais na kapahamakan.

Ang kalakarang iyan ay hindi pinayagan ng ating Ama na tuluyang lumawig at patuloy na maghatid ng maraming kaluluwa sa malabis na kapighatian. Kaya sa sangbahayan ni Israel ay naghalal Siya at nagtalaga ng mga hari mula sa kanikanilang natatanging kapanahunan. Ito’y sa layuning bawiin ang marami sa iba’t ibang dako na kanilang kinaligawan, at sila’y pamunuan na tulad sa isang pastor na masiglang kinakalinga at inaaruga na gaya ng sa mga anak ang pag-aari niyang kawan ng mga tupa. Sila’y mga hari na itinalaga ng kaisaisang Dios bilang tagapagligtas ng buong sangbahayan ng Israel.


ANG UNA SA KANILA AY SI SAUL

SI SAUL AY PINAHIRAN NG LANGIS (ANOINTED, MASYACH, MESSIAH, CHRIST)

1 SAM 10 :
1  Nang magkagayo'y KINUHA NI SAMUEL ANG SISIDLAN NG LANGIS, AT IBINUHOS SA ULO NIYA, at hinagkan niya siya, at sinabi, Hindi ba ang Panginoon ang nagpahid sa iyo ng langis upang maging PRINSIPE ka sa kaniyang mana?
(Then Samuel took a vial of oil, and poured it upon his head, and kissed him, and said, Is it not because the Lord hath anointed thee to be captain over his inheritance?)

1 SAM 15 :
17  At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At PINAHIRAN KA NG LANGIS NG PANGINOON NA MAGING HARI SA ISRAEL;
(And Samuel said, When thou wast little in thine own sight,wast thou not made the head of the tribes of Israel, and the LORD anointed thee king over Israel?)

Huwebes, Enero 2, 2014

MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, NA HINDI SA KULUNGANG ITO.


Sa isang artikulo nitong "Rayos ng Liwanag" hinggil sa simbulo ng mga tupa at kambing ay pinatotohanan ng mga salita na ipinangaral ng sariling bibig ni Jesus ang ilang pangungusap na sumusunod, 

"Sa kalupaan ay mayroong mga tao na dumadako sa larangan ng totoong kabanalan. Masigla at masayang isinasabuhay nila ang mga kautusan, na siyang kalooban ng kaisaisang Dios na ninanais Niyang sundin ng lahat. Anak ng pagsunod (son of obedience) ang matuwid na tawag, o taguri sa sinomang lumalapat sa banal na kalagayang iyan. Ang simbolismo na iniangkop ng Dios sa sinoman na gaya ng katayuang nabanggit ay “Tupa,” na kung lilinawin ay ang sinoman na tagasunod, tagapagtaguyod, at tagapagtanggol ng mga salita ng Dios (kautusan).

Hinggil nga sa simbolismo na tumutukoy sa mga tupa ng pastulan ay maliwanag na sinabi ng Ama nating nasa langit,


EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.
(And ye my flock, the flock of my pasture, are men, and I am your God, saith the Lord God.)


Gayon din naman sa kalupaan ay marami ang nasasadlak sa kasuklamsuklam na kapangahasan at katampalasanan. Ikinatutuwa nila ang pagpilipit sa mga salita ng Dios. Ang utos Niya’y hindi nila kinikilala at sinasadya nilang gawin ang kabaligtaran ng mga iyon. Hindi nila ginagawa ang kaisaisang paraan (kautusan) ng pagpapakabanal na ibinaba ng Dios sa lupa upang sundin at isabuhay ng lahat. Bagkus ay ang sariling likhang daan ng kahangalan ang binibigyan nila ang higit na timbang. Dahil diyan ay nalalabag ang mga utos ng Dios at nagiging makasalanan ang marami sa paningin ng Ama nating nasa langit.