AYUNO, KAILANGAN BA NATIN ITO?
Sa larangan
ng tunay na kabanalan ay isa sa mga bagay ng Dios na nararapat bigyan ng kaukulang pansin ay ang pag-aayuno. Ang
gawaing tumutukoy diyan ay lubos na sinasang-ayunan ng mga balumbon ng mga banal
na kasulatan (Tanakh). Diyan ay makikita na ang AYUNO ay isang kautusan sa sinomang TAO na nagnanais na
makipag-isa sa natatanging kalooban ng
Dios.
Sa panahon
nating ito, kung masusing sisiyasatin ang kaalaman ng marami ay makikita ng
napakaliwanag na ang pagka-unawa sa gawaing iyan ay wala sa kahustuhan. Dahil
diyan ay niloob ng Espiritu ang
maalab na pagnanais na bigyan ng kaukulang tanglaw ang usaping may ganap na
kinalaman sa salitang iyan.