![]() |
May basbas ng Dios |
Mga paunang salita:
Bago ang lahat ay ipina-uunawa namin na ang mga katuwiran na laman ng mga banal na kasulatan ang siyang humuhusga ng kamalian sa marami, at kailan man ay hindi naging kami. Ang kasulatan din naman ang madiing nagwiwika, na ang gawang taliwas sa kalooban ng kaisaisang Dios ay kasuklamsuklam at karumaldumal sa Kaniyang paningin.
Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga totoong banal ng Dios. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang sinoman sa aming kapuwa.
Hangad namin ang ibayo ninyong pang-unawa sa paksang usapin na nilalaman ng akdang ito, maraming salamat.
Sa aklat ng Genesis ay madiing winika,
na ang lalake ay iiwanan ang kaniyang ama at ina, upang siya ay pumisan at
makisama sa babae na kaniyang asawa (Gen2:24). Diyan ay lumalabas na ang nilalang lamang ng Dios
sa kalupaan ay ang dalawang kasarian na kumakatawan sa lalake at babae. Bukod
doon ay wala ng iba o karagdagang kasarian na inilakip ang lumikha sa nauna na
niyang ipinahayag at ipinakilalang dalawang (2) uri ng tao sa kalupaan.Matuwid na layunin naming ilahad lamang sa mga kinauukulan ang mga salita (evangelio ng kaharian) na ipinangaral ng sariling bibig ng mga totoong banal ng Dios. Mga katiwatiwalang katunayang biblikal lamang ang tangi naming pinagbatayan sa pagbabalangkas at pagbuo ng akdang ito. Hindi namin kailan man hinangad, o ninais na atakihin, ni husgahan man ang sinoman sa aming kapuwa.
Hangad namin ang ibayo ninyong pang-unawa sa paksang usapin na nilalaman ng akdang ito, maraming salamat.
Nakikilala ang bawa’t isa mula sa taglay
nilang kalikasang maskulino at femenine na pinagtitibay ng kanikaniyang
kaariang seksuwal. Ito ay isang perpektong tambalan na masiglang umiiral noon
pa mang unang kapanahunan. Taglay
ng bawa’t isa ang banal na basbas (Gen5:2) ng sa kanila ay lumikha. Dahilan upang ang tao ay maluwalhating
makasunod sa kautusan ng pagpaparami (Gen 1:28) na gaya ng buhangin sa dalampasigan. Ang
mga hayop ayon sa padron ng dalawang kasariang nabanggit ay patuloy din namang dumami
alinsunod sa kani-kanilang itinakdang layunin sa kalupaan.