Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Naibigay na sa akin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Naibigay na sa akin. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 28, 2015

NAIBIGAY NA SA AKIN

Mula sa hindi matapostapos na usapang pangrelihiyon na tumutukoy sa kapamahalaan umano ni Jesus sa ibabaw ng lupa at sa langit. Ang dalawang panig na ayaw magpatalo sa isa’t isa ay lumikha ng malaking kaguluhan sa mga mananampalataya sa kalupaan. 

Hanggang sa kasalukuyan ngang panahon ay isa ang paksang iyan na kadalasa'y mitsa ng magulong usapan sa larangang nabanggit.

Ano pa’t kung pagmamasdan ang tanawing iyan ay tila mga mababangis na hayop na nagsasakmalan araw at gabi ang mga tao na pumapaloob sa ganyan uri ng walang katapusang mainit at maanghang na pagtatalo. Bunga iyan ng kawalang pagka-unawa sa katotohanan na binibigyang diin ng hindi kakaunting balumbon nitong mga banal na kasulatan (Tanakh/NT).

May umiiral na likhang doktrinang pangrelihiyon ang bawa’t samahan na kumakatawan sa larangan ng kabanalan sa bawa’t bansa ng mundo na ating tinatahanan. Ang mga iyon ay batay nga lamang sa kanilang unawa sa nilalaman ng kasulatan (Bibliya). Gayon man, marami sa mga iyon ay napatunayang hindi sinasang-ayunan ng mga katuruang pangkabanalan na nilalaman ng bibliya.