![]() |
Jesus is praying to our father in heaven |
“Si Jesus ang Ama ng langit, at ang Ama ng langit ay
si Jesus.”
Giit nila ay tunay na Dios
itong si Jesus at hindi lamang sa pagiging Dios siya dapat kilalanin, kundi sa
pagiging Dios Ama, na siyang lumikha ng dimensiyon ng materiya at dimensiyon ng
Espiritu, at lahat ng mga nangaroroon.
Sa mga sumusunod na bahagi
ng akda ay ilalapat namin ang kaukulang kongkretong katunayang biblikal, na may direktang kaugnayan sa makontrobersiyal na usaping ito. Nang sa gayon ay maunawaan natin ng lubos, kung ang bago at kakaibang aral na
iyan ay sinasang-ayunan ba ng katotohanan, o hindi. Kung paano nila nabigyang diin
ang gayong kakaibang katuruan ay siya naming sa inyo ngayon ay ipaglilingkod.