Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katuruang Gentil. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katuruang Gentil. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 16, 2015

ANG DALAWANG KATURUAN SA BAGONG TIPAN

Mula sa kabuoan ng tinatawag na bagong tipan ng bibliya ay kinukuha ng mga mangangaral ng salita ang kani-kanilang patibayang aral. Iyan ay sa layuning mapatotohanan ang minamatuwid nilang katuruang pangkabanalan. 

Nakakapagtaka, na kahi man iisang aklat ang pinagkukunan ng mga katunayang pangkabanalan ay hindi kailan man nagkaroon ng pagkaka-isa ang marami sa kanila. Nagkani-kaniya sila ng ipinangaral na katuruang pangkabanalan na nagpapahayag ng di pagsang-ayon sa tinitindigang biblikal na aral ng bawa’t isa.

Gayon ngang mula sa nag-iisang aklat (bibliya) ay hindi na yata halos mabilang ang naitatag na samahang pangrelihiyon na nagututuro ng iba’t ibang katuruang pangkabanalan. Dahil diyan, mula noon at hanggang sa ngayon ay hindi kakaunting tao sa kalupaan ang nakaranas ng malabis na pagkalito. Tanong nga ng iba,

“Sa dinamidami ng mga relihiyon na gumagamit ng bibliya ay alin ba sa kanila ang kasusumpungan ng katuruang pangkabanalan, na makapaglalahad sa sino man ng katotohanan na sinasang-ayunan ng kaisaisang Dios ng langit.”

Tiyak na may maling unawa ang karamihan na sukat ikatisod, at bunga niyan ay hindi sinasadyang makapagpahayag ng mga aral, na hindi umaayon sa katuwiran na binibigyang diin ng banal na kasulatan. O kaya naman ay may malaking kakulangan ang marami sa hinihinging masusing pagsasaliksik sa mga antigo at banal na kasulatan (Tanakh). Ano pa’t iyon ay naging kadahilanan upang ganap na ikatisod ng hindi kakaunting tao sa kalupaan.

May nag-iisa ngang dahilan, kung bakit saan man at kailan man ay hindi kinasumpungan ng pagkaka-isa ang mga mangangaral ng salita. Mula sa hindi matapostapos na tuligsaan at maaanghan ng palitan ng mga pilipit na pahayag, ay gaya nila ang mga mababangis na pangil sa parang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa.

Marami ang hindi nakaka-alam, na sa kabuoan ng Bagong Tipan ng bibliya ay may dalawang (2) dako ng kamalayan, o katuruan na nagpapahayag ng kanikaniyang matuwid. Iyan ang tampok na usapin sa artikulong ito na lalapatan namin ng kaukulang paglilinaw. Ano nga ba ang dalawang katuruan na nararapat maunawaan ng lahat sa bagong tipan ng bibliya?

Miyerkules, Oktubre 15, 2014

PAG-IBIG SA DIOS

Mula sa maningning na alapaap ay sinalita ng Dios ang mga sumusunod,

MAT 17 :
5  .... ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.

Isang napakaliwanag na katotohanan, na ang pagpapayahayag ng  pag-ibig sa Dios ay ang maluwalhating pakikinig sa mga turo at utos na nagmula mismo sa sariling bibig ng Cristo. Palibhasa'y sa Espiritu ng Dios ang salita (turo at utos), samantalang ang tinig ay mula sa sariling bibig ng kaniyang mga banal.

Sa ikapagtatamo ng matuwid hinggil sa larangan ng tunay na kabanalan ay walang anomang nararapat na gawin ang sinoman, kundi ang pakikinig at pagsasabuhay sa mga UTOS at KATURUANG PANGKABANALAN, na sa natatanging kapanahunan ay may katapangang ipinangaral ng sariling bibig ni Jesucristo

Gayon ma’y hindi maaari na makasunod ang marami sa utos at turo ng Dios na isinatinig ng Cristo, sapagka’t hindi kakaunti ang mga tao na walang nadaramang pag-ibig sa Dios. Kahi man sila’y nagsasabing mga alagad at mangangaral ni Jesus ay hindi naman nakikita sa kanila ang mga tanda ng pag-ibig na nararapat nilang iukol sa Dios. Lumalabas ngang sila’y mga sinungaling at palalo, dahil sa taliwas ang kanilang ginagawa sa kanilang ipinangangaral na salita.

Sa gayo’y anu-ano nga ba ang maaring gawin ng sinoman, upang sa kaniya ay masumpungan ang pag-ibig na nararapat ituon ng sinoman sa Panginoong Dios.

Hinggil sa usaping ito ay madiing sinabi, gaya ng nasusulat,

JUAN 14 :
21  ANG MAYROON NG AKING MGA UTOS, AT TINUTUPAD ANG MGA YAON, AY SIYANG UMIIBIG SA AKIN: at ANG UMIIBIG SA AKIN AY IIBIGIN NG AKING AMA, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.