Sa umiiral na
kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga
mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya)
sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik
ng labingdalawang (12) apostol. Sa
bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat
ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng
emperiong Roma na matatandang
kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang
Romano.
Sino man nga’y
mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay
kasusumpungan ng mga salita ng Dios
na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus.
Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga
pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o
kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng
paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.
Ngayon nga,
batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus)
ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din
naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.