He descended into hell; on the third day He rose again from the dead;
(Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.)
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.
Ano pa't kung gayong mayroong Dako ng kamatayan, ay maliwanag din naman na mayroon itong mahigpit na karibal sa kaniyang sarili, na kung tawagin ay ang Dako ng buhay.
Ang salitang Hebreo na, SHAMAYIM, sa saling Griego ay "OURANOS," Ang maliwanag na kahulugan nito sa wikang Ingles ay "HEAVEN." Na kung saan ay kumakatawan sa "BUHAY NA WALANG HANGGAN" o "DAKO NG WALANG HANGGANG BUHAY.