Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katuwiran ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katuwiran ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hulyo 16, 2018

ANAK NG DIOS



Sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) nitong sangbahayan ni Israel ay hindi kakaunting ulit na tinukoy ang tungkol sa mga anak ng Dios. Bagay na maaaring gawing matibay na katunayan sa pagpapatotoo sa mga tema na may kinalaman sa usaping ito. Gayon ngang maliwanag na binibigyang diin ng mga nabanggit na kasulatan, na ang lahat ng tao ay anak. Dangan nga lamang ay mayroong anak ng pagsunod (tupa) at anak ng pagsuway (kambing)

Sa dalawang hanay nga lamang na iyan maaaring kilalanin ang anak. Kaugnay niyan, tiyak ngang anak ng Dios ang sinomang tao sa mundo, nguni’t ang tanong ay ito. Siya ba’y masiglang dumadako sa pagsunod, o nahuhumaling sa karumaldumal na pagsuway sa natatanging kalooban (kautusan) ng sarili niyang Ama na nasa langit?


Sa pagpalaot natin sa kalawakan ng usaping ito’y sulyapan nga muna natin ang ilang patotoong biblikal, hinggil sa pagbibigay diin ng mga lumang kasulatan (Torah), na sa simula pa nga lamang ay masigla ng umiiral ang eksistensiya ng mga anak ng Dios.

Sabado, Disyembre 16, 2017

PAANO NALALABAG ANG PANGALAWANG UTOS


Una sa lahat ay hindi kailan man namin nilayon na sirain ang kredibilidad ng sinoman sa aming mga kapatid, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang sa amin ay paglalahad lamang ng mga sumusunod na pahayag, kung paano nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) utos ng Ama nating nasa langit. Yamang mayroon mga nangaral hinggil sa kinikilala nilang doktrinang pangrelihiyon. Matuwid nila’y walang masama sa paggamit ng mga larawang inanyuan. 

Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.

Ang kaisaisang Dios na siyang Ama nating lahat ay nagbaba ng mga kautusan (10 utos) sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ito’y sa layuning itaas ang kalagayan nila mula sa pagiging karaniwan (ordinary) hanggang sa masiglang antas ng tunay na kabanalan (holy). Ano pa’t may mga anak na sadyang ang nalalaman ay paghimagsikan ang sarili nilang Ama, at sa gayo’y pinipilipit nila ang lubhang maliwanag Niyang mga salita na tumutukoy sa kautusan.

Tampok na usapin sa atin ngayo’y ang tungkol sa pangalawang (2) kautusan, gaya ng nasusulat,

Linggo, Enero 1, 2017

HANAPIN ANG KAHARIAN AT KATUWIRAN NG DIOS

Sa talata 33 nitong kabanata 6 ng evangelio ni Mateo ay sinabing, 

“Hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”  

Sa gayo’y ano nga ba ang kaharian ng langit na hahanapin natin? Ano nga rin ba ang tinatawag na katuwiran ng kaisaisang Dios na kailangang hanapin ng mga tao sa kalupaan?

Hinggil sa usaping ito’y ayon sa mga sumusunod na pahayag ang mapapalad na nagsitalima sa katuwiran ng Dios at nakasumpong nitong kaharian ng langit.

Lunes, Hunyo 3, 2013

KAUTUSAN NG DIOS IBINASURA NI LUCAS AT PABLO

Ang mga kautusan ayon sa hindi kakaunting balumbon ng mga banal ng kasulatan (Tanakh) ay mahigpit na pinaiiral ng Ama nating nasa langit. Bagay na una sa lahat ay karapatdapat pag-ukulan ng hustong pansin, upang ang mga iyon ay matutunang sundin at masiglang isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Gayon ma’y pilit itong itinatakuwil at niwawalang kabuluhan ng marami mula pa nang ito’y simulang isulat ng kaisaisang Dios sa tapyas ng mga bato sa taluktok ng bundok Sinai.

Sa paglipas ng lubhang malayong kapanahunan ay hindi kailan man naging makatuwiran ang mga nabanggit na kautusan sa unawa ng marami. Bagkus ay natutunan nilang tangkilikin ng buong puso ang mga di-makatotohanang likhang doktrinang pangrelihiyon ng tao, na malabis ang paghihimagsik sa buong katuwiran ng Dios. Dahilan upang sila’y maging matutol at malabagin sa Kaniyang kalooban. Sila’y tila bulag na nagsiyapos sa kahangalan at mga nilubidlubid na kabulaanan ng mga taong ang tanging layunin ay kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaawa-awang kaluluwa ng kanilang kapuwa.

Lalo na ngang sa marami ay nagtumibay ang gayong kasuklamsuklam na kaugalian, nang ituro ni Saulo ng Tarsus (Pablo) na ang kautusan ng Ama ay inutil sa layuning maghatid ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit. Ano pa’t sa kakulangan ng higit na nakakarami ng hustong kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan – ang kahinaan nilang iyon ay sinamantala ng taong nabanggit at ang lubhang marami ay napaniwala niya sa mga likhang taong doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) at pinilipit na aral pangkabanalan.

Linggo, Marso 31, 2013

PAGBUHAY SA MGA PATAY


Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ay may ilang pangyayari, na ang isang propeta, o alagad ng tunay na kabanalan ay bumuhay ng patay. Gayon ma’y kailangan nating maunawaang mabuti, na ang Espiritu ng Dios ay namamahay at naghahari sa Kaniyang mga sisidlang hirang. Kung tawagin sila’y mga banal at karamihan sa kanila ay mga pinahiran (anointed), gaya ng mga propeta ng limang (5) aklat ni Moses.

Maituturing na isang napakalaking pagkakamali, na sabihing ang isang propeta tulad halimbawa ni Elija at Elisha ay bumuhay ng mga patay. Sapagka’t mariing isinaysay ng mga nabanggit na aklat, na sila’y mga lingkod ng Dios lamang. Kaya isang katotohanan na mahalagang maunawaan ng lahat na sila bilang mga sisidlang hirang ay kasangkapan lamang ng banal na Espiritu. Dahil doo’y napakaliwanag na ang siyang bumubuhay ng litreral na patay ay hindi ang mga propeta, kundi ang Espiritu ng Dios na sa kabuoan nila ay masiglang namamahay at makapangharihang naghahari.

Gaya halimbawa ng isang kopa (cup) na ang natatanging layunin ay maging sisidlan ng inumin. Kung ito’y lalagyan ng tubig ay tiyak na mapapatid ang nararamdamang uhaw ng sinoman na iinom ng laman nito. Maliwanag kung gayon na tubig ang bumabasa sa natutuyong lalamunan at pumapawi ng uhaw. Samantalang ang kopa ay kinasangkapan lamang upang ang tubig ay maihatid ng kamay sa bibig upang pawiin ang uhaw ninoman.

Linggo, Pebrero 17, 2013

MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS


Mula sa lubhang malayong kapanahunan hanggang sa kasalukuyang henerasyon na ating kinabibilangan, ay laganap ang mga tao na nagsasabing sila’y kasama sa munting kalipunan ng mga tunay na lingkod ng Dios. Gayon ma’y malabis ang pag-aangkin ng bawa’t isa sa banal na kalagayang iyon. Dahil diyan ay hindi nila maiwasang maging gaya  ng mga mababangis na hayop sa ilang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t isa. Yan ay tanda na tila hindi nila nauunawaan ang totoong kahulugan ng kalagayang malabis nilang inaangkin, pinag-aagawan, at pinag-aawayan sa lahat ng oras.

Ano nga ba ang malinaw na kahulugan ng mga salitang, “Lingkod ng Dios?”

Ang ibig sabihin ng katagang, “Lingkod” ay utusan, o maninilbihan, at sa higit na malinaw na pananaw ay “tagasunod.” Kung lalapatan ng husto at angkop na paliwanag ay isang indibiduwal o kalipunan iyan na nakatalagang tumanggap at tumupad ng utos. Yan lamang ang kaisaisang layunin at tungkulin ng isang "lingkod."

Sa mundong ito ay isang nilalang, tao man o hayop na tagapaglingkod sa kaniyang panginoon ang tinutumbok na kahulugan niyan. Kung umiiral ang tagapaglingkod ay maliwanag din namang kaagapay niya ang kaniyang amo o panginoon na isang taga-utos. Sa mundo kung gayon ay dalawa ang kategoriya ng tao – ang una ay ang nag-uutos, at ang pangalawa ay ang inuutusan. Dahil nga diyan ay masiglang umiinog ang mundo ng bawa’t tao sa kalupaang ito, at sapat upang maunawaan ng bawa’t isa ang ginagampanang layunin sa kani-kaniyang itinataguyod na buhay.

Lunes, Oktubre 8, 2012

PANALANGIN SA MGA BANAL


Sa umiiral na kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya) sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik ng labingdalawang (12) apostol. Sa bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng emperiong Roma na matatandang kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang Romano.

Sino man nga’y mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay kasusumpungan ng mga salita ng Dios na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus. Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.

Ngayon nga, batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus) ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.

Linggo, Setyembre 2, 2012

CRISTIANO NG DIOS


Jesus preaching the Gospel of the Kingdom
Ang usapin bang tumutukoy dito ay kailangan pang pag-aksayahan ng ating panahon, gayong talastas ng marami na ang katawagang Cristiano ay inaari ng hindi kakaunting samahang pangrelihiyon sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Gayon pa man ay ilan kaya sa lubhang karamihan ang nakaka-unawa sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, at gaano karami ang bilang ng mga may ganap na pagkabatid sa tunay na aral at katuruang nilalaman ng Cristianismo?

Mashiyach sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Ang sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo ay maaaring matawag na isang Cristiano. Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang (Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.

Lunes, Agosto 13, 2012

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 1 of 2)

Narito, at kung nais ng sinoman na pumalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay matuwid sa kaniya bilang unang hakban, na ariing katotohanan ang mga salita ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula mismo sa bibig nitong si Jesus. Gaya ng mga aral (evangelio ng kaharian) ng tunay na kabanalan na masiglang sinalita ng kaniyang dila sa buong sangbahayan ni Israel. Ano pa’t kung ang sinoma’y nagsasabing siya’y kay Jesus, gayon ma’y aral ng iba (evangelio ng di pagtutuli) ang isinasabuhay ay maipasisiyang sinungaling at magdaraya ang taong iyon. Siya sa makatuwid ay hindi kinaroroonan ng Dios, sapagka’t tungkol sa bagay na ito’y mariing winika,

2 JUAN 1 :
9  ANG SINOMANG NAGPAPATULOY AT HINDI NANANAHAN SA ARAL NI CRISTO, AY HINDI KINAROROONAN NG DIOS: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak.

Gayon ngang napakaliwanag na siyang hindi nananahan sa aral (evangelio ng kaharian) na mismong iniluwal ng sariling bibig ni Jesus ay walang alinlangan na hindi kinaroroonan ng Dios. Siya rin naman na nagsasabing nakikilala niya ang Dios, nguni’t hindi tumutupad sa mga kautusan (sampung utos), ayon sa kasulatan ay isang sinungaling at ang katotohanan ay wala sa taong iyon. Na sinasabi,

EVANGELIO NG KAHARIAN (Part 2 of 2)

Ang evangelio na may kinalaman sa pananampataya kay Jesus

JUAN 14 :
10  HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? Ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

11  MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN: o kundi kaya’y MAGSISAMPALATAYA KAYO SA AKIN DAHIL SA MGA GAWA RIN.

12  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYANG ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.

Maliwanag ngang sinasabi ng talata (Juan14:10), na si Jesus ay nasa Ama at ang Espiritu ng Ama ay nasa kaniya. Niliwanag din naman niya, na ang mga salita na kaniyang binibigkas sa mga alagad ay hindi niya sinasalita sa kaniyang sarili. Kundi ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa at nagsasalita ng kaniyang mga salita.

Sa kasunod na talata (Juan 14:11) ay ipinamamanhikan nitong si Jesus sa lahat, na siya ay sampalatayanan  bilang isang sisidlang hirang ng Dios (buhay na templo ng Dios). Palibhasa’y napakaliwanag na siya sa kapanahunang iyon ay pinamamahayan at pinaghaharian ng nabanggit na Espiritu. Ano pa’t kaniyang sinabi sa Juan 14:12, na ang sinomang sa kaniya ay sumasampalataya sa gayong kabanal na kalagayan ay gagawin din naman niya  ang mga gawa ni Jesus, at lalong mga dakilang mga gawa kay sa doon ang gagawin niya. Dagdag pa niya’y paroroon siya sa Ama (Juan 20:17).

Kaugnay ng mga pahayag na nangagsilabas mula sa sarili niyang bibig ay siyasating natin, kung anu-ano ang kaniyang mga gawa. Gaya ng nasusulat,

Miyerkules, Hulyo 25, 2012

JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 1 of 2)


S
a tinagaltagal ng panahon ay patuloy pa rin ang tila yata wala ng katapusang pagtatalo, kung ito nga bang si Jesus ng Nazaret ay lumalapat sa kalagayang Dios, o isang di pangkaraniwang tao na nahahanay sa kalipunan ng mga tunay na banal (propeta). Halos lahat ng relihiyon sa mundo ay hindi kinilala ang panganay ni Maria bilang Dios, kundi sa kalagayan ng isang tao lamang. Datapuwa’t tanging ang Greco-Roman na Cristianismo ni Pablo (Paulinian Christianity) ang nagsasabi na itong si Jesus ay Dios. Gayon ma’y hati pa rin ang pinaninindiganan na paniniwala ng marami sa nabanggit na doktrinang pangrelihiyon.

Hindi kakaunti ang nananalig partikular ang mga kasapi ng simabahang Katoliko sa kaniyang pagka Dios, palibhasa'y tinatangkilik ng relihiyong ito ang Cristianismo ni Pablo. Marami din naman ang bumabatay sa mga katunayang biblikal gaya nitong relihiyon na kung tawagin ay Iglesia ni Cristo (INC) at marami pang iba, na siya ay tao lamang at umano’y kaisaisang pinili ng Dios na tagapagligtas nitong sala ng sanglibutan.

Mula sa masusi at malalim na pagsisiyasat ng mga iskolar ng biblia (dalubhasa), gayon din naman sa lubhang malawak na pananaliksik ng marami hinggil sa usaping ito ay wala silang natuklasan, o napatunayan man na anomang kadahilanan, upang itong si Jesus na siyang panganay ni Maria ay kilalanin bilang isang totoong Dios. Kung paano ngang sila’y dumating sa gayong tila bias na konklusyon ay siya naming sa inyo ngayon ay lalapatan ng kaukulang tanglaw.

JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 2 of 2)


Si Jesus ay tinawag na Cristo

A
ng literal na kahulugan ng salitang Hebreo na, “MASHIYACH” (Messiah) ay “pinahiran ng langis” (anointed), at ito’y tumutukoy sa seremonyang Hebreo ng pagpapabanal sa sinoman at mga bagay sa pamamagitan ng pagpapahid ng langis sa mga ito. Ginamit ang rituwal na nabanggit sa kabuoan ng bibliang Hebreo bilang pagkilala sa ilang tao at bagay. Gaya halimbawa ng sa Judiong Hari (1kings 1:39), sa mga paring Judio (Lev 4:3), sa mga propeta (Isa 61:1), ang sa templo ng mga Judio at mga kagamitan nito (Ex40:9-11), sa tinapay na walang lebadura (Num 6:15), at kay Cyrus na hari ng Persia (Isa 45:1).

Ang lahat ng ito ay ganap na tumutukoy sa katawagang messias o pinahiran ng langis (anointed), na itinatalaga lamang ng mga Hebreo sa mga piling kalagayan ng tao at bagay. Sa ibang dako, Cristo ang popular na kahulugan nito sa wikang Griego, at ito’y limang daan at pitongput isang (571) ulit na binanggit sa limang daan at tatlongput dalawang (532) talata ng bagong tipan (NT). Kaya maliwanag at hindi mahirap maunawaan, na kapag tinawag na Cristo, o Messias ay mariing tumutukoy lamang sa tao, o bagay, datapuwa’t hindi kailan man maaaring ipagkamali sa kalagayan ng Dios. Tulad nitong si Cyrus na hari ng Persia na isang messias, o cristo, na tinawag na Cyrucristo. Gayon din naman itong si Jesus na isa ring messias, ay tinawag na Jesucristo.

Martes, Hunyo 26, 2012

ANG TUNAY NA CRISTO AT ANTICRISTO


Ang “ANTI,” at "VICAR" ay mga katagang Griego na ang pangunahing kahulugan ay “sa halip na” (instead of), o, “kahalili ng” (in place of). Kadalasan, ang ANTI ay ikinakabit sa titulo (Anticristo) nitong si Jesus. Karaniwan tawag sa sinoman na kinakikitaan ng mga huwad na katuruang pangkabanalan, VICAR naman ang gamit na salita ng mga tao na nagsasabing sila'y kahalili ni Jesus (vicar of Christ) dito sa lupa. Gayon ma'y maaari din naman silang lumapat sa ilang sumusunod na pagkakakilanlan.  

    1.      Maaaring siya yaong  nagtataglay ng pangalang “Anticristo.” (666)
    2.      Maaaring siya yaong tao na inaari ang pagiging Cristo (false Christ).
   3.     Maaaring huwad na Cristo, na itinatanyag ng marami, bilang kapalit, o kahalili ng tunay na Jesus (vicar of Christ).
 4.      Maaaring siya yaong nagsasabing angkin niya ang kapangyarihan (awtoridad) na mangaral at isagawa ang gawain ng tunay na Cristo.
5.      Maaaring siya  yaong pinasisinungalingan at pinipilipit ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus.
6.   Maaari ding tumukoy sa isang relihiyon na may pilipit na anyo ng katuruang pangkabanalan. Gumagamit ng Biblia at pangalan ni Jesus sa layuning ipakilala ang mga aral na laban sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig ni Jesus.

Martes, Mayo 22, 2012

ANG LUMA AT BAGONG TIPAN


Jer 31:
31  Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.

32  Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon.

33  Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan;

Martes, Mayo 1, 2012

AMBAGAN SA MGA BANAL


Narito, at ayon sa panig ng mga Gentil ay mahigpit na pinaiiral ang ambagan sa mga banal. Gayon ma'y nagtutumibay ang katiwatiwalang katunayang biblikal, na nagbibigay diin sa pagsasabuhay nitong ikapu (10 %). Ito'y hindi isang kaugalian lamang, o nag-ugat mula sa sali't saling sabi ng mga tao. Bagkus ay isa sa palatuntunan na nabibilang sa mga minor na kautusan ng Dios, na sinasabi,  

MAL 3 :
8  NANANAKAWAN BAGA NG TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at sa mga handog.

9  Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.

10  Dalhin ninyo ang boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Datapuwa’t ang pinairal na paraan nitong si Pablo ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Mula sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya. 

Biyernes, Abril 13, 2012

BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS


Sister Faustina

Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron nitong kaganapan ng Cristiano (Christian perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.

Diin ng Vatican, ang Panginoong Jesus ay hinirang si Sister Mary Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe. 

Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.

“In the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful Heart….(Diary 1588)

Miyerkules, Abril 11, 2012

TAKOT SA DIOS


Giit ng marami ay hindi natin kailangang matakot sa Dios, nang dahil sa Siya'y puspos ng pag-ibig at kaawaan sa kaniyang kabuoan. Ang dapat katakutan anila ay ang masasamang nilalang, sapagka't sila ay mga walang awa at nahahandang ilagay sa kalunoslunos na kalagayan ang sinoman anomang sandali nila ibigin.

Ang Dios ay pag-ibig at dahil dito ay taglay Niya ang kaamuan, na hindi katatakutan ng sinoman. Samantalang itong si Satanas ay taglay umano ang may kabagsikang mukha at kalupitan sa mga kaluluwa na nasisilo ng matatamis at bubulaklak niyang kasinungalingan. Kaya matuwid sa hindi kakaunting mga tao, na lalo't higit sa lahat ay ang nabanggit na entidad ng kasamaan ang karapatdapat na katakutan, at hindi kailan man ang maamo at maawaing Dios.

Gayon ma'y sinasang-ayunan kaya ng katotohanan ang minamatuwid ng marami hinggil sa usaping ito? O, ito'y lihis sa katuwiran na binibigyang diin nitong mga salita ng Dios na masusumpungan sa balumbon ng mga matatandang kasulatan (Torah) na iniingatan at tinatangkilik ng mga anak ni Israel at ng mga Masyano ng Dios. Sa pagpapatuloy ay paka-unawain nga nating mabuti ang ilang talata ng Biblia na nagsasaad ng katunayang nagbibigay diin sa hindi maitatangging katotohanan hinggil sa usaping ito. Na sinasabi,

Lunes, Enero 2, 2012

HINDI KO KAYO NAKIKILALA


Sa natatanging kapanahunan ni Jesus bilang isang saro ng kabanalan (sisidlang hirang ng Espiritu ng Dios) ay isinatinig niya ang salita nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan. 

Na sinabi,

Mateo 24 :
5  Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Mateo 7 :
21  Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.

22  Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

23  At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

Napakaliwanag na ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay binigyang diin na tanging mga tao lamang na gumagawa ng kalooban (kautusan) ng Ama ang siya lamang papasok sa kaharian ng langit (Mat 23:23). 

Ito’y isang napakatibay na katunayan, na nagsasabing ang pagtalima lamang sa mga mayor at minor na kautusan ang tanging makapagliligtas ng kaluluwa, at makapagbibigay ng karapatan sa sinoman na makapasok sa kaharian ng langit (Juan 12:50)

Sabado, Disyembre 24, 2011

ORASYON (spell, incantation)


The Occult and Spells
Paunang salita
Hindi namin layunin na dungisan ang karangalan, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang iba ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninirang puri, o panghuhusga, ni pag-atake man sa aming kapuwa. Inaasahan namin ang lawak ng inyong unawa sa mga may kalabuang usapin na ngayo'y lalapatan namin ng kaukulang tanglaw.

Ang salitang “Orasyon” ay hanay ng mga salita na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang mahika. Ito umano’y isang uri ng kapangyarihan na nilikha gamit ang mga salita sa wikang Latin, Sanskrit, Hebrew, Aramaic, at iba pang semitic na lengguwahe sa gitnang silangan (middle east), at mula sa iba’t ibang wika ng kalakhang Europa, America, at Asia.

Ang Orasyon (incantation) ay karaniwang inere-recite na padasal o paawit bilang pangtawag ng pansin, o pagbibigay puri sa pinaniniwalaang dios ng mga pagano. Sa ocultismo (magic, witchcraft/Sorcery) ay ginagamit ito sa layuning ituon (ipukol) sa isang bagay o sa tao. Karaniwan ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng proteksiyon at magandang kapalaran (suwerte) sa sinomang may taglay nito, at sinasabing nakakakontrol at nakapangyayari ang kakaibang lakas nito sa kalikasan, sa tao, at sa mga hayop.


Martes, Disyembre 13, 2011

OCCULT


OCCULT SHRINE
Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, o panghuhusga sa aming kapuwa.

Alingawngaw lamang kami ng mga katotohanan na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling likha, kundi katotohanang nananatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan. 

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.

Amulet
Ang salitang “OCCULT” ay may ganap na kaugnayan sa lihim na karunungan at ito’y mga gawa na tumutukoy sa supernatural o psychic phenomena, na kadalasa’y pinagsisikapang matutunan ng ilan sa layuning magkamit ng pangsariling kapangyarihan. Karamihan sa ganitong uri ng kaugalian ay mula sa pagtataguyod ng mga demonio, o masasamang espiritu. Kung bakit namin nawika ang gayon ay siya namin ngayong ipaglilingkod sa inyo, at ito’y sa pamamagitan ng masiglang saliw nitong mga katiwatiwalang katunayang biblikal.