Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kautusan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kautusan. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Abril 11, 2025

Ang Apat na Haligi ng Tunay na Katuruan ni Cristo: Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao


Tuklasin ang di-natitinag na pundasyon ng orihinal na ebanghelyo ng Mesiyas—walang halong tradisyon, at hindi nadungisan ng mga huling doktrina. Magbalik sa tunay na mga salita ni Jesus, na nakaugat sa Kautusan, pinalakas ng Pananampalataya, tinupad sa Bautismo, at inihayag sa Kaniyang likas na kalagayan bilang tao.



Ang Apat na Haligi ng Tunay na Katuruan ni Cristo: Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao

Panimula

Ang mga katuruan ng historical na Jesus ay nabalot ng mga patong ng tradisyong gawa ng tao, pilosopiya, at mga huling pagpapakahulugan sa paglipas ng mga salinlahi. Ngunit paano kung tayo'y bumalik sa pinagmulan? Sa pinakapundasyon ng Kaniyang aral? Doon natin matatagpuan ang apat na di-nagbabagong katotohanan—mga haliging nagtataguyod ng tunay na ebanghelyo ni Cristo: Ang Kautusan, Pananampalataya, Bautismo, at Ang Kaniyang Tunay na Pagkatao. Hindi ito mga imbensiyong teolohikal—ito'y mga katotohanang namutawi sa sariling bibig ni Jesus, pinagtibay ng Tanakh, at pinatotohanan ng mga saksi.

Sabado, Disyembre 16, 2017

PAANO NALALABAG ANG PANGALAWANG UTOS


Una sa lahat ay hindi kailan man namin nilayon na sirain ang kredibilidad ng sinoman sa aming mga kapatid, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa. Bagkus, ang sa amin ay paglalahad lamang ng mga sumusunod na pahayag, kung paano nalalabag ng mga tao ang pangalawang (2) utos ng Ama nating nasa langit. Yamang mayroon mga nangaral hinggil sa kinikilala nilang doktrinang pangrelihiyon. Matuwid nila’y walang masama sa paggamit ng mga larawang inanyuan. 

Taliwas sa paniniwalang ito’y bayaan ninyong saliwan namin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ang mga sumusunod na paliwanag.

Ang kaisaisang Dios na siyang Ama nating lahat ay nagbaba ng mga kautusan (10 utos) sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ito’y sa layuning itaas ang kalagayan nila mula sa pagiging karaniwan (ordinary) hanggang sa masiglang antas ng tunay na kabanalan (holy). Ano pa’t may mga anak na sadyang ang nalalaman ay paghimagsikan ang sarili nilang Ama, at sa gayo’y pinipilipit nila ang lubhang maliwanag Niyang mga salita na tumutukoy sa kautusan.

Tampok na usapin sa atin ngayo’y ang tungkol sa pangalawang (2) kautusan, gaya ng nasusulat,

Lunes, Mayo 1, 2017

HINDI NABAGO KAILAN MAN ANG KAUTUSAN

Mula sa sali't saling sabi, o nitong tradisyonal na doktrinang pangrelihiyon ay tahasang winiwika ng marami, na ang sampung (10) utos ng Dios ay binago na ni Jesus ng Nazaret. Bagay na naging bukang bibig ng karamihan, na tila baga isang may kahustohang paglalahad na lubos ang pagsang-ayon ng katotohanan na sumasa Dios.

Totoo nga kaya ang nakasanayan ng paglalahad na iyan ng marami? Na ang kautusan, kahi man ang mga iyon ay madiing winika ng kaisaisang Dios na nangatatatag magpakailankailan man ay nangyaring nabago at nahalinhan ng dalawang (2) utos na lamang?


Sa akdang ito ay lalapatan ang usaping iyan ng mga nagtutumibay na katunayang biblikal, na saan man at kailan man ay hindi maaaring itanggi, ni pasinungalingan man ng kahit sino sa kalupaan. Mula sa mga katunayang biblikal na iyan ay tatanglawan ang mga dako na kay laon ng nalalambungan ng sukdulang kadiliman. Sa gayo'y lalabas ang tanawin, na binibigyang diin ng katuwirang sumasa Dios. Na ang usaping may kinalaman sa pagbabago ng kautusan ay hindi kailan man sinang-ayunan ng katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh).

Martes, Disyembre 1, 2015

Tagapamagitan sa Dios at sa Tao

Courtesy of Google Images
Tayong nangabubuhay sa kalupaan ay nararapat na umasa ng kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala mula sa kaisaisang Dios na nasa langit. 

Kaugnay niyan, sa,"Sa mga Hebreo" ay madiing sinabi,



Heb 7 :
25  Dahil dito naman siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa'y laging nabubuhay siya upang MAMAGITAN sa kanila.

Na itong si Jesus ay nakapagliligtas ng lubos sa mga nagsisilapit sa Dios, palibhasa aniya’y laging nabubuhay si Jesus, upang magsilbing tagapamagitan ng Dios sa mga tao.

Biyernes, Nobyembre 1, 2013

DAGDAG-BAWAS SA KAUTUSAN

Ang pagpalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay may mahigpit na pangangailangan ng matapat at masiglang pagtalima sa mga natatanging kalooban ng Ama nating nasa langit. Layon nito na ilagay sa kahustuhan ang kamalayang pangkabanalan ng sinoman sa kalupaan. Bagay na sa kanino man ay nagpapaging ganap sa banal na kalagayan at nagpapatibay sa pagkilala bilang isang totoong kopa ng kabanalan (Holy grail).

Sa usapin na may kinalaman sa mga bagay na ikinalulugod ng Dios ay napakahalaga ang pagsunod na walang labis at walang kulang sa Kaniyang mga kautusan. Sapagka’t nais Niya’y kung ano ang utos ay gayon din ang nararapat na gawing pagsunod ng kaniyang mga anak. Halimbawa’y nang iutos niyang ang kaniyang mga salita ay huwag dagdagan, ni bawasan man. Ibig sabihin nito'y nais ng ating Ama na manatili sa orihinal na kalagayan ang Kaniyang mga salita, at sa gayo'y napakaliwanag na paglabag sa kaniyang kalooban na magdagdag at magbawas ni kudlit man sa mga iyon.

Dahil diyan ay lalabas na isang napakalaking kasiraan sa sinoman, kung ang mga salita ng Ama niyang nasa langit ay lalakipan niya ng mga pangsariling pilipit na dagdag na pagmamatuwid, at babawasan niya upang ang kahustuhan ng katuwiran nito ay magkulang.

Gaya nga ng katuwirang nagtutumibay hinggil sa usaping ito ay mariing sinabi,

KAW 30 :
6  HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.

DEUT 12 :
32  Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.

JER 26 :
2  ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.

Gayon ngang napakahigpit ang tagubilin o kautusan hinggil sa salita ng kaisaisang Dios,  na ang mga iyon ay huwag na huwag dadagdagan, ni babawasan man. Sapagka’t may ganap na kahustuhan ang katuwiran ng Dios na nararapat mapag-unawa ng lahat. Ano pa’t kung ang salita Niya’y madadagdagan, o mabawasan man ay hindi na nga magiging husto, o sapat ang makakarating na kaalamang pangkabanalan sa mga kinauukulan. Hindi kakaunti sa ating mga kapatid ang nakakaladkad ng ganitong uri ng katampalasanan sa tiyak na kapahamakan ng kanilang kaluluwa.

Lunes, Hunyo 3, 2013

KAUTUSAN NG DIOS IBINASURA NI LUCAS AT PABLO

Ang mga kautusan ayon sa hindi kakaunting balumbon ng mga banal ng kasulatan (Tanakh) ay mahigpit na pinaiiral ng Ama nating nasa langit. Bagay na una sa lahat ay karapatdapat pag-ukulan ng hustong pansin, upang ang mga iyon ay matutunang sundin at masiglang isabuhay ng sinoman sa kalupaan. Gayon ma’y pilit itong itinatakuwil at niwawalang kabuluhan ng marami mula pa nang ito’y simulang isulat ng kaisaisang Dios sa tapyas ng mga bato sa taluktok ng bundok Sinai.

Sa paglipas ng lubhang malayong kapanahunan ay hindi kailan man naging makatuwiran ang mga nabanggit na kautusan sa unawa ng marami. Bagkus ay natutunan nilang tangkilikin ng buong puso ang mga di-makatotohanang likhang doktrinang pangrelihiyon ng tao, na malabis ang paghihimagsik sa buong katuwiran ng Dios. Dahilan upang sila’y maging matutol at malabagin sa Kaniyang kalooban. Sila’y tila bulag na nagsiyapos sa kahangalan at mga nilubidlubid na kabulaanan ng mga taong ang tanging layunin ay kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaawa-awang kaluluwa ng kanilang kapuwa.

Lalo na ngang sa marami ay nagtumibay ang gayong kasuklamsuklam na kaugalian, nang ituro ni Saulo ng Tarsus (Pablo) na ang kautusan ng Ama ay inutil sa layuning maghatid ng kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit. Ano pa’t sa kakulangan ng higit na nakakarami ng hustong kamalayan sa larangan ng tunay na kabanalan – ang kahinaan nilang iyon ay sinamantala ng taong nabanggit at ang lubhang marami ay napaniwala niya sa mga likhang taong doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) at pinilipit na aral pangkabanalan.

Huwebes, Enero 10, 2013

ANG NAGLILINIS NG KASALANAN



Si Juan ay nangaral ng mga katuwiran ng Dios sa ilang. Ang marami sa nangakarinig ng salita ay napagkilala ang mga nagawa nilang paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios. Sapat upang sila’y taos pusong magsipagsisi ng kanilang mga kasalanan. Dahil dito ay iginawad ni Juan sa kanila ang simbulo ng pagsisising iyon, na dili iba kundi ang saglit na paglulubog ng kanilang buong katawan at ulo sa tubig ng ilog Jordan.

Tubig ang elemento na naglilinis sa dungis ng mga nilalang sa mumunting bahaging ito ng demensiyong materiya. Ano pa’t ang masigla at may galak sa pusong pagtalima sa natatanging kalooban ng Dios (kautusan) ang siyang naglilinis ng mga kasalanan. Ang tubig pagdating sa kasalanan ay isang simbulo lamang at katotohanan na hindi ito ang lumilinis sa dungis ninoman, kundi ang pakikipag-isa sa mga salita (kautusan) ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Tinawag ni Juan na bautismo sa pagsisisi ng kasalanan ang gawaing nabanggit sa kapanahunan niyang iyon. Bagaman ang buong katawan at ulo ang inilubog sa tubig ay hindi nito nilinis ang kasalanan, bagkus ay ang labas ng katawan lamang. Gayon man, ito’y nagpakita ng isang napakatibay na tanda, na ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi ay nahugasan at nalinis ng mga salita ng Dios na tumimo sa puso at tumatak sa kaisipan ninoman. Bakit? Sapagka’t pinatatawad ng ating Ama ang sinoman na taos sa puso ang pagsisisi sa kaniyang kasalanan.

Lunes, Oktubre 8, 2012

PANALANGIN SA MGA BANAL


Sa umiiral na kasalukuyang kapanahunan ay tila mahihirapan tayong bilangin ang mga tao na hindi lubos ang pagka-unawa sa umiiral na katuruang pangkabanalan. Iyan ay tanyag sa mga mambabasa ng banal na kasulatan (bibliya) sa tawag na, “Evangelio ng kaharian.” Ganap itong tumutukoy sa mga salita na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesucristo, na isinatinig at isinatitik ng labingdalawang (12) apostol. Sa bilang nila ay nagkapalad na mailahok ang aklat ni Mateo at Juan sa mga sinipi ng emperiong Roma na matatandang kasulatan, upang maging kapakipakinabang na bahagi nitong Bagong Tipan ng Bibliyang Romano.

Sino man nga’y mapapa-oo at mapapasang-ayon sa inihahaing banal na katuruan, kung ito ay kasusumpungan ng mga salita ng Dios na sinalita mismo ng sariling bibig ni Jesus. Dahil dito, sa marami ay katiwatiwala at inaaring katotohanan ang kaniyang mga pahayag. Kaya nga, alin mang katuruang pangkabanalan ay itinuturing na huwad, o kaya’y pilipit na aral - kapag ito’y kinakitaan ng anomang uri ng paghihimagsik, o pagsalungat sa mga nagtutumibay na salita ng kaniyang bibig.

Ngayon nga, batay at alinsunod sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal (mga aral na binigkas ng bibig ni Jesus) ay mabibigyan ng kaukulang tanglaw ang usapin na ganap ang kinalaman sa “panalangin sa mga banal.” Gayon din naman na may magaganap na paglalahad sa ilang sitas ng lumang tipan - sa layuning pagtibayin ang mga salita (Evangelio ng kaharian) bilang pagsang-ayon ng katotohanan.

Linggo, Setyembre 2, 2012

CRISTIANO NG DIOS


Jesus preaching the Gospel of the Kingdom
Ang usapin bang tumutukoy dito ay kailangan pang pag-aksayahan ng ating panahon, gayong talastas ng marami na ang katawagang Cristiano ay inaari ng hindi kakaunting samahang pangrelihiyon sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Gayon pa man ay ilan kaya sa lubhang karamihan ang nakaka-unawa sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, at gaano karami ang bilang ng mga may ganap na pagkabatid sa tunay na aral at katuruang nilalaman ng Cristianismo?

Mashiyach sa wikang Hebreo ang katagang Cristo. Christ o Messiah sa Ingles, Christus sa Italya, Khristos sa Griego, at Cristo sa ating wika. Ang nag-iisang ibig sabihin nito ay “pinahiran,” at katagang nagpapahayag ng banal na kalagayang lubos na kinikilala ng Dios. Mabibigyang diin na ito’y isang katawagan na naglalahad ng pagiging masunurin ng isang tao sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.

Ang sinoman sa makatuwid na masigla at bukal sa puso na nagsasabuhay ng kabanalan na masusumpungan sa isang itinuturing na Cristo ay maaaring matawag na isang Cristiano. Ginagawa niya ang mga bagay na isinasabuhay ng nagtataglay ng gayong natatanging sagradong kalagayan. Ang pagkilala sa estado niyang iyan ay naaayon sa mga katunayan na binibigyang diin ng sina-unang (Masoteric Texts) balumbon ng mga banal na kasulatan.

Miyerkules, Hunyo 6, 2012

KAUTUSAN NG IKAPU


A widow giving tithe
MAL 3 :
NANANAKAWAN BAGA NG TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at sa mga handog.

Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.

10  Dalhin ninyo ang boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Datapuwa’t ang pinairal na paraan nitong mga Pauliniano ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Mula sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya.

Martes, Mayo 22, 2012

ANG LUMA AT BAGONG TIPAN


Jer 31:
31  Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda.

32  Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon.

33  Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan;

Martes, Mayo 1, 2012

AMBAGAN SA MGA BANAL


Narito, at ayon sa panig ng mga Gentil ay mahigpit na pinaiiral ang ambagan sa mga banal. Gayon ma'y nagtutumibay ang katiwatiwalang katunayang biblikal, na nagbibigay diin sa pagsasabuhay nitong ikapu (10 %). Ito'y hindi isang kaugalian lamang, o nag-ugat mula sa sali't saling sabi ng mga tao. Bagkus ay isa sa palatuntunan na nabibilang sa mga minor na kautusan ng Dios, na sinasabi,  

MAL 3 :
8  NANANAKAWAN BAGA NG TAO ANG DIOS? Gayon ma’y ninanakawan ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga IKASAMPUNG BAHAGI at sa mga handog.

9  Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong boong bansa.

10  Dalhin ninyo ang boong IKASAMPUNG BAHAGI sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang ISANG PAGPAPALA, na walang sapat na silid na kalalagyan.

Datapuwa’t ang pinairal na paraan nitong si Pablo ay taliwas sa itinadhana ng Dios sa kaniyang mga anak sa kalupaan. Ang ikapu ay nagtatalaga ng ikasampung bahagi (10 %) sa anomang tinatangkilik ng sinoman na ipagkaloob sa mga hinirang niyang manggagawa. Mula sa katuwiran ng Dios ay nalalaman niyang may kasapatan ito upang tugunan ang lahat ng maaaring maging pangangailangan nila na mga lingkod niya. 

Lunes, Enero 2, 2012

HINDI KO KAYO NAKIKILALA


Sa natatanging kapanahunan ni Jesus bilang isang saro ng kabanalan (sisidlang hirang ng Espiritu ng Dios) ay isinatinig niya ang salita nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan. 

Na sinabi,

Mateo 24 :
5  Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.

Mateo 7 :
21  Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin. Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit: kundi ang gumaganap ng kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.

22  Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?

23  At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

Napakaliwanag na ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay binigyang diin na tanging mga tao lamang na gumagawa ng kalooban (kautusan) ng Ama ang siya lamang papasok sa kaharian ng langit (Mat 23:23). 

Ito’y isang napakatibay na katunayan, na nagsasabing ang pagtalima lamang sa mga mayor at minor na kautusan ang tanging makapagliligtas ng kaluluwa, at makapagbibigay ng karapatan sa sinoman na makapasok sa kaharian ng langit (Juan 12:50)

Sabado, Disyembre 24, 2011

ORASYON (spell, incantation)


The Occult and Spells
Paunang salita
Hindi namin layunin na dungisan ang karangalan, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang iba ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninirang puri, o panghuhusga, ni pag-atake man sa aming kapuwa. Inaasahan namin ang lawak ng inyong unawa sa mga may kalabuang usapin na ngayo'y lalapatan namin ng kaukulang tanglaw.

Ang salitang “Orasyon” ay hanay ng mga salita na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang mahika. Ito umano’y isang uri ng kapangyarihan na nilikha gamit ang mga salita sa wikang Latin, Sanskrit, Hebrew, Aramaic, at iba pang semitic na lengguwahe sa gitnang silangan (middle east), at mula sa iba’t ibang wika ng kalakhang Europa, America, at Asia.

Ang Orasyon (incantation) ay karaniwang inere-recite na padasal o paawit bilang pangtawag ng pansin, o pagbibigay puri sa pinaniniwalaang dios ng mga pagano. Sa ocultismo (magic, witchcraft/Sorcery) ay ginagamit ito sa layuning ituon (ipukol) sa isang bagay o sa tao. Karaniwan ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng proteksiyon at magandang kapalaran (suwerte) sa sinomang may taglay nito, at sinasabing nakakakontrol at nakapangyayari ang kakaibang lakas nito sa kalikasan, sa tao, at sa mga hayop.


Martes, Disyembre 13, 2011

OCCULT


OCCULT SHRINE
Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, o panghuhusga sa aming kapuwa.

Alingawngaw lamang kami ng mga katotohanan na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling likha, kundi katotohanang nananatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan. 

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.

Amulet
Ang salitang “OCCULT” ay may ganap na kaugnayan sa lihim na karunungan at ito’y mga gawa na tumutukoy sa supernatural o psychic phenomena, na kadalasa’y pinagsisikapang matutunan ng ilan sa layuning magkamit ng pangsariling kapangyarihan. Karamihan sa ganitong uri ng kaugalian ay mula sa pagtataguyod ng mga demonio, o masasamang espiritu. Kung bakit namin nawika ang gayon ay siya namin ngayong ipaglilingkod sa inyo, at ito’y sa pamamagitan ng masiglang saliw nitong mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Martes, Disyembre 6, 2011

ANAK NG PAGSUNOD AT ANAK NG PAGSUWAY


Narito, at sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay mariing isinatinig ng sarili niyang bibig, na ikaw, ako, at tayong lahat na mga tao mula sa apat (4) na direksiyon ng daigdig ay pawang mga anak ng Dios (Juan 20:17). Ito’y isang katotohanan na nararapat panghawakan ng lahat, palibhasa’y katuwiran na sinalita nitong Espiritu ng Dios na sa panahong yao’y masiglang namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban. Gayon ma’y higit na marami ang sumasalungat sa bagay na ito, dahil iisa lamang ang kinikilala nilang anak ng Dios at siya’y walang iba kundi si Jesucristo. Ito'y nang ipikit nila ang kanilang mga mata sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal na naghahayag ng tunay na kaugnayan ng mga tao sa Dios.

Sa balumbon ng mga kasulatan na isinatitik ng mga totoong banal ay may sinalita hinggil sa Espiritu ng Dios na umano’y gumagawa ng kaniyang mga gawa, gamit ang katawang pisikal nitong si Jesus, at tungkol dito ay masiglang winika ang mga sumusunod na katuwiran.

Linggo, Nobyembre 20, 2011

NAKAKAUSAP NGA BA NG MGA BUHAY ANG MGA YUMAO

Batay sa pangsariling pahayag ng ilan ay pinatototohanan at binibigyang diin, na ang kaluluwa ng isang yumao ay maaaring gambalain mula sa daigdig ng mga patay. Ang gumagawa ng gayong bagay ay tinatawag na Espiritista, at ang taong yaon umano’y may katangitangi at likas na kakayanang makausap ang mga yumao. Sinoman sa makatuwid na nagnanais makaugnayan ang kaluluwa ng kaanak na namatay ay ang taong tulad nito ang siyang tumutugon sa pangangailangang nabanggit.

Ang gayong kalakaran sa malayo at malapit na nakaraan, kahi man sa panahon nating ito ay hindi kakaunti ang nagsapalarang makaugnay ang kaluluwa ng mga namaalam nilang mahal sa buhay. Katapat ng kaukulang halaga ay isinasagawa ng isang espiritista ang ritual, na kung saan umano ay lulukob sa isang medium ang kaluluwa na kaniyang tinawag mula sa daigdig ng mga patay. Gaya ng inaasahan ay magkakaroon ng ugnayan at makakausap ng buhay ang kaluluwa ng isang yumao.

Datapuwa’t kung ang katuwiran na ipinatutupad sa mga balumbon ng mga banal na kasulatan ang kukunan ng patotoo at pagpapatibay hinggil sa usaping ito. Katotohanan nga kayang maituturing ang umano’y pakikipag-ugnayan ng tao sa kaluluwa ng mga patay?  Ang gawain bang ito’y sinasang-ayunan at pinagtitibay ng mga salita ng Dios na nangagsilabas mula sa bibig ng mga totoong banal?

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

SINO ANG TUNAY NA CRISTIANO


Sa larangan ng pagrerelihiyon sa iba’t ibang dako ng mundo ay may lubhang malaking bilang ng mga tao, na naglagak ng buo nilang tiwala at lubos na pananampalataya sa pinaiiral na doktrinang pangrelihiyon ng simbahan. Yaon umano’y naghahayag ng mga lehitimong katuruang Cristiano. Gayon ma’y hindi tumanggap ang marami ng totoong aral na masusumpungan sa nabanggit na uri ng pamumuhay. Palibhasa’y ginamit lamang ng ilan ang salita (Cristianismo) na pang-akit at ang itinurong mga aral nitong kaparian ng simbahan ay ang iba’t ibang likhang doktrinang pangrelihiyon ng mga tao.

Kaugnay nito, para naman kami’y hindi maturingan na tila naglulubidlubid lamang ng mga kasinungalingan ay ihahayag namin sa maliwanag ang ilang usaping pangkabanalan sa banayad na saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal.

Sinoman nga na nabibilang sa umano’y relihiyon na naglalahad ng mga katuruang Cristiano ay matibay na tinitindigan ang kalagayang niyang yaon. Sapagka’t gaya ng tradisyon, sa mura pa lamang na kaisipan, ang nabanggit na doktrinang pangrelihiyon ay nauna ng naisilid sa kamalayan. Sa madaling salita ay mga katuruan na kinamulatan, o kinagisnan, at dahil doo’y inakalang ang mga yao’y matibay na sandigan ng katotohanan. Kaya naman, marami sa kanila ay tila may lubos na katiyakan sa katotohanan, kapag tungkol sa mga aral pangkabanalan ang pinag-usapan. Pakitaan mo man ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal na nagbibigay diin sa katotohanan ay hindi pakikinggan, at sa halip ay higit na mamagalingin ang pilipit na katuruang kinagisnan.

Lunes, Oktubre 10, 2011

KAHALAGAHAN NG KAUTUSAN KAY JESUS

Sa kasagsagan ng mga kapanahunang nagsipagdaan sa kasaysayan ng mga anak ni Israel ay tiniyak ng kaisaisang Dios ang kaligtasan nila na naging masunurin sa natatangi niyang kalooban. Kaya sa kahustuhan ng kapanahunan ay ibinaba niya sa pamamagitan ni Moises ang mga kautusan ng pagibig sa Dios, at ang mga kautusan ng pagibig sa kapawa, na walang iba kundi ang sampung (10) utos na nasusulat sa tapyas ng mga bato.

Ang buong sangbahayan ni Israel na noo’y lubos na sumasa-ilalim sa pagkaalipin nitong Paraon ng Egipto ay idinaing sa kaisaisang Dios ang kaawa-awa nilang kalagayan sa panahon nilang yaon. Kaya naman sila ay pinaparoonan kay Moises at Aaron, upang sila’y palayain mula sa malaon na nilang pagkaalipin. Sa madaling salita ay nangyari ang pagpapalaya sa kanila sa kabila ng hindi kakaunting ulit na pagmamatigas ng puso ng Paraon.

Ayon nga sa kalooban ng kaisaisang Dios ay naganap ang pangkalahatang paglayang yaon ng mga anak ni Israel mula sa malaong pagkaalipin. Ano pa’t hindi nagtapos doon ang nabanggit na pagsagip, sapagka’t muli ay nakamit nila ang isa pang pagpapalaya sa pangalawang pagkakataon. Ito’y nang pagkalooban sila ng sampung (10) kautusan na tinanggap ni Moises sa taluktok ng bundok Sinai.