Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Judge. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Judge. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Setyembre 2, 2013

ANG MGA HUKOM

Noon pa mang una, sa kapanahunan pa lamang ng mga matatandang sibilisasyon ng mga tao ay hindi kailan man nawala sa bawa't panahon ang mga hukom. Layunin nito na pairalin ang patas na kahatulan, sa ikapagtatamo ng katarungan na sinasang-ayunan ng katotohanang maka-Dios. 

Sila sa madaling salita ang mga kinatawan ng katuwiran, na siyang emisaryo ng katarungan sa sangkatauhan. Diyan napapagkilala ang pagkakapantaypantay ng lahat sa paningin ng Ama nating nasa langit. Sapagka't ang lahat ay may pagkakataong makamit ang hustisya alinsunod sa batas ng Dios.