Sabado, Setyembre 24, 2011

IPAMAHAGI NA WALANG BAYAD


Sa kasalukuyang kalakaran ng mga bagay na may kinalaman sa pagpapaabot ng mga katuruang pangkabanalan, tila yata ang marami ay hindi na binibigyang halaga pa ang mahihigpit na tagubilin, na nasusulat sa matatandang kasulatan (Biblia) hinggil sa usaping ito. Sapagka’t ang marami ay lumikha ng kanikaniyang paraan, kung paano lalapatan ng kaukulang halaga ang anoman nilang gawang tumutukoy sa kabanalan.

      Nariyang idahilan, na sila’y nabibigkis sa seryosong pagtulong sa mga maralita, at dahil dito ay kailangan nilang mangalap ng halagang panustos sa banal na gawain nilang ito. Kaya naman lumilikha ang marami ng umano’y mga bagay na pangkabanalan, gaya ng mga aklat, mahikling babasahin, medalyon, larawan at rebulto ng mga dios at santo, at marami pang iba. Anila’y gugugulin ang maiipong halaga mula sa pinagbentahan ng mga bagay na nabanggit sa umano’y banal na layunin nilang yaon.

Sabado, Setyembre 17, 2011

IDOLATRIYA

(Pagsamba sa mga larawang inanyuan ng mga kamay, at karumaldumal na tinatangkilik ng marami dahil sa kawalan nila ng malay sa larangan ng tunay na kabanalan)


Sa kabila ng mga kautusan hinggil dito ay gayon pa ring nananatili ang marami sa pagsamba sa mga larawang inanyuan ng mga kamay ng tao. Palibhasa ang gayong karumaldumal na gawain sa paningin ng kaisaisang Dios ay inari na ng tradisyon nitong iba’t ibang kultura ng mga tao sa apat (4) na direksiyon ng ating mundo. Nakagisnan ang kalakarang ito ng lubhang malaking bilang ng mga tao at sa kaisipan nila ay katotohanan na nga itong maituturing. Kaya naman gaya sila ng mga alipin na mahigpit na nagagapos ng tanikala, at tila ba imposible na ang sinoman ay matakasan pa ang gayong kaawa-awang kalagayan.

Lunes, Setyembre 12, 2011

LABINGDALAWANG PINTUAN NG LANGIT

Sa nilalamang katuruan nitong evangelio ng kaharian ay binibigyang diin, na sa kalooban ni Jesus ay may namahay at nagharing Espiritu ng Dios. Sa gayo’y ang Espiritung yaon ang nag-uutos, kung ano ang mga salitang marapat wikain ni Jesus sa mga kinauukulan sa kapanahunang yaon, gaya ng nasusulat.

JUAN 8 :
26  Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

MAHALAGANG LIHAM KAY BETTY



Minamahal kong Betty,


Tungkol doon sa ilang aralin na ipinadala ko sa iyo ay napakaliwanag ang mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus, na siya ay hindi kailan man naging Dios at sa halip ay isang taong puspos ng kabanalan sa kaniyang kabuoan. Palibhasa'y nananahan at naghahari sa kaniya ang Espiritu ng Dios na lumukob sa kaniya matapos na siya'y bautismuhan ni Juan sa ilog Jordan.


Muli ay sasariwain ko sa iyong ala-ala ang ilang sitas, na kung saa'y mariing sinalita ng bibig ni Jesus ang likas niyang kalagayan sa kapanahunang yaon. Na sinasabi,