Ang salitang Hebreo na tumtukoy sa “מָשִׁיחַ
(mashiyach)” ay “anointed (pinahiran)” ang pinakamalapit at maituturing na
pinakahustong kahulugan sa wikang Ingles. Kung lilinawin ay isang rituwal pangkabanalan ng
Dios na kumikilala sa sinoman, o sa anomang bagay bilang isang tunay na banal. Sa
paglipas ng mga kapanahunan ay naisalin ang salitang iyan sa wikang Griego, na
kapag binasa ay, “Μεσσίας, (Messias)” at ang kahulugan naman ng titulong “Mashiyach
(pinahiran)” sa wika nila ay, “Χριστός (Khristós).”
(Paalala: Ang letrang “s” sa hulihan ng
Messia[s] at Kristo[s] ay pagsasalarawan sa maskulinidad (masculinity) ng
salita, titulo, o pangalan.)
Ang salitang “messiah” ay titulong
hinango ng mga Ingles sa wikang “Μεσσίας, (Messias)” ng mga Griego. Gayon din ang titulong “Christ” ay mula
naman sa “Χριστός (Khristós)”sa wika ding ito. Gayon man sa tagalog ay “pinahiran”
lamang ang nag-iisang kahulugan ng mga salitang salin na nabanggit sa itaas.
(Sa Septuagint ng mga Griego na bersiyon
nila ng Lumang Tipan (OT) ay tatlongpu’t siyam (39) na ulit binanggit ang
salitang “pinahiran” bilang Χριστός (Khristós). Sa Bagong Tipan (NT) sa saling
Griego ay dalawang (2) ulit na binanggit ang salitang Messias [Juan 1:41 at
Juan 4:25.])