Hanggang sa kasalukuyan ngang panahon ay isa ang paksang iyan na kadalasa'y mitsa ng magulong usapan sa larangang nabanggit.
Ano pa’t kung pagmamasdan ang tanawing
iyan ay tila mga mababangis na hayop na nagsasakmalan araw at gabi ang mga tao na
pumapaloob sa ganyan uri ng walang katapusang mainit at maanghang na pagtatalo.
Bunga iyan ng kawalang pagka-unawa sa katotohanan na binibigyang diin ng hindi kakaunting balumbon nitong mga banal na kasulatan (Tanakh/NT).
May umiiral na likhang doktrinang
pangrelihiyon ang bawa’t samahan na kumakatawan sa larangan ng kabanalan sa
bawa’t bansa ng mundo na ating tinatahanan. Ang mga iyon ay batay nga lamang sa
kanilang unawa sa nilalaman ng kasulatan (Bibliya). Gayon man, marami sa mga
iyon ay napatunayang hindi sinasang-ayunan ng mga katuruang pangkabanalan na
nilalaman ng bibliya.