Ang יְהֹ (YAH) sa pangkalahatang unawa ay ang
pinahikling anyo ng YHVH. Ang salitang nabanggit ay karaniwang binibigyang diin.
Iyan ay makikita sa binuong salitang “hallelu-YAH,” na may kahulugang “Purihin
ninyo si YAH (Praise ye YAH),” May 49 na ulit mababasa ang יְהֹ (YAH) sa 45 talata ng
KJV. Karagdagan pa diyan ay 4 na ulit namang natala ang salitang “Halleluyah”
sa Apocalipsis ni Juan. Patunay na ang tinatawag na una at huling Dios sa buong
sulat niyang iyon ay walang iba, kundi si יְהֹוָה (YHVH [YEHOVAH]) Siya din naman sa palayaw na יְהֹ (YAH) ang una at huling kaisaisang Dios na pinaglingkuran, itinaguyod,
ipinagtanggol, at sinamba ni Moses, ni Isaias, at ni David.
Narito,
at sa Apocalipsis ni Juan ay makikita ng napakaliwanag, kung paano
binabanggit ang salitang “Halleluyah” sa mga talata na
mababasa sa ibaba, na sinasabi,