Huwebes, Nobyembre 16, 2017

ESPIRITISMO NG KATURUANG CRISTO

Layunin ng abot-sabi na ito ng banal na Espiritu, na ipakita ng maliwanag ang Espiritismo alinsunod sa mga balumbon nitong Tanakh ng kaisaisang Dios ng langit. Iyan ay upang maunawaan ang lubhang malaking kaibahan nito sa espiritismo, o espiritualismo na nakalapat sa samo’t saring lokal na kaugalian at personal na interpretasyon ni Allan Kardec. 


Hindi upang gibain, o lansagin ang matibay na paninindigan ng sinoman na naniniwala sa kaniya. Kundi sa layuning ipakita ng maliwanag sa lahat ang kaisaisang dako, na kung saan ay masusumpungan ang perpektong kaayusan at dakilang balanse ng Dios, iyan sa makatuwid ang ESPIRITISMO NG KATURUANG CRISTO.

Mula sa sariling bibig ng Cristo ay masigla niyang ipinahayag ang mga sumusunod na salita, na sinasabi,

Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

BUGTONG NA ANAK NG DIOS

Mula sa tradisyonal, o yaong nakaugaliang laganap na katuruan hinggil sa tinatawag na “Bugtong na Anak ng Dios.” Iyan ay hindi pinag-aalinlangan ng sinoman na direktang tukuyin sa gayong kabanal na kalagayan itong si Jesus ng Nazaret. Siya nga ang ayon sa nakasanayang aral pangkabanalan ay ang kaisaisang Anak ng Dios.

Sa tila katiwatiwalang pahayag at personal na turo ng sariling bibig ni apostol Juan.  Walang pag-aalinlangan, na ang kaisa-isang itinuturo ng kaniyang daliri, ay ito ngang si Jesus na nagtataglay ng titulong Cristo ang siyang bugtong na Anak ng Dios. Bagay na maliwanag ang pagkakatala ni apostol Juan sa tinatawag na sagradong kasulatan (NT)

Alinsunod sa maliwanag niyang pahayag hinggil sa paksang ito ay gaya ng mababasa sa ilang talata sa ibaba ang madiin niyang wika,

JUAN 1 :
18  Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang BUGTONG NA ANAK, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

JUAN 3 :
16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang BUGTONG NA ANAK, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

JUAN 3 :
18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng BUGTONG NA ANAK NG DIOS.

1JUAN 4 :
Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng Dios ang kaniyang BUGTONG NA ANAK sa sanglibutan upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

Mula sa ilang talatang iyan sa itaas ay tiyakan na tutukuyin ng sinoman, na ang bugtong na Anak ng Dios ay wala na ngang iba pa, kundi ang Cristo Jesus. Kaugnay niyan, sa pagsusuri ng kasulatan ay makikita din ng napakaliwanag, na ang pahayag na iyon ay hindi nagmula sa sariling bibig ng Cristo, kundi galing lamang sa matibay na paniniwala ni apostol Juan sa likas na kalagayan ni Jesus.