Miyerkules, Agosto 17, 2016

TULAD SA DAMI NG BUHANGIN

Dimensiyon ng Materiya sa mga kamay ng Lumikha
Ayon sa abot-sabi ng Banal na Espiritu.

Sa pagdaraan ng mga kapanahunan ay patuloy na dumadami ang populasyon ng sangkatauhan, gaya ng isang masiglang kaganapan na tila hindi na magkakaroon pa ng takdang katapusan. Sa una nga ay isang tao lamang, na sinundan pa ng isa at nagsimulang magpakarami na maihahalintulad sa bilang ng buhangin sa baybayin ng dagat.

Narito at ating tunghayan,



ANG TATLONG MAGKAKAIBANG KAPARAANAN NG DIOS SA PAGLALANG NG TAO

1. Mula sa unang paglalang ng kaisaisang Dios ng langit ay naitala ang kasaysayan, na Siya ay kumapal ng alabok upang anyuan ang unang lalake na tinawag niyang Adan. 

Gen 2 :
7  At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.

Lunes, Agosto 8, 2016

Elohim (God, gods, god)

Katotohanan na noon pa mang una, hanggang sa panahon nating ito ay lubhang marami ang may malaking kakulangan ng kaalaman hinggil sa orihinal na salita ng teksto (Tanakh). Mula sa kadahilanang iyan ay hindi sinasadyang silay makalikha ng mga hidwang katuruang pangrelihiyon. Ang mga iyon sa makatuwid ay malabis ang paghihimagsik sa katotohanan na masusumpungan sa balumbon ng mga nabanggit na kasulatan (Tanakh). Mayroon din namang ilan, na kahi man nalalaman ang matuwid hinggil sa usaping may kinalaman sa nabanggit na balumbon ng mga banal na kasulatan, sila'y nagpatuloy pa rin sa pagpapairal ng mga likha nilang pilipit na katuruang pangrelihiyon.

Halimbawa niyan ay ang tungkol sa aral ng Trinidad, na ang salitang Hebreo na tumutukoy sa אלהים ('ĕlôhîym) di umano ang isa sa pinakamatibay na katunayang biblikal, na nagpapatotoo sa maraming persona ng Dios. Iyan nga ang itinuturing ng marami na kongkreto nilang katibayan, na nagbibigay diin sa tatlong (3) persona, na ayon sa kanila ay kalagayang nilalapatan ng Dios.

Giit ng ilan, ang salitang אֱלוֹהַּ ('ĕlôahh) ay ang anyong pang-isahan (singular form) ng Dios, at kung may gayon Siyang anyo ay matuwid lamang na wikaing mayroon ding anyong pangmaramihan (plural form) ang Dios. Iyan ay wala ngang iba, kundi ang salitang אלהים ('ĕlôhîym). Sa kanila ay naging sapat na nga ang katibayang iyan, upang mapatunayan mula sa salita mismo ng Dios, na ang Kaniyang persona ay higit sa bilang na isa.

Gayon ma’y hindi nagpabaya ang mga tunay na tagapagtaguyod at tagapagtanggol nitong balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh). Sapagka’t sa artikulong ito ay gaya ng kadiliman na sinikatan ng liwanag ng araw ang usaping ganap na may kanalaman sa salitang  אלהים ('ĕlôhîym). Ang gabi sa makatuwid ay hinalinhan ng araw, upang ang ultimo kailiit-liitan bahagi ng mga bagay at kasuluksulukan ng mga dako ay hindi makubli sa paningin at pang-unawa ng mga kinauukulan.

Hinggil sa napakahalagang usapin na may ganap na kinalaman sa salitang iyan ay gaya nga ng mga sumusunod na paliwanag.

Sabado, Agosto 6, 2016

SABBATH NG CRISTIANO, PAGLABAG SA PANG-APAT (4) NA KAUTUSAN

Napakaliwanag at hindi maaaring pasinungalingan ng sinoman, na ang Ama (Dios) na umano'y sinasamba ng mga Judio at ng mga Cristiano ni Pablo ay iisa. Sa pahayag na ito'y dito lamang ang dalawa (2) nagkakaroon ng pagkakaunawaan, na hindi pinagsimulan ng anomang pagtatalo. Gayon man, sa isa't isa ay lubhang malaki ang pagkakaiba ng katuruan na tumutukoy sa larangan ng tunay na kabanalan. Halimbawa ay ang usapin na sa inyo ngayo'y bibigyan ng kaukulang tanglaw.

Hinggil nga dito ay nalalaman ng lahat na ang unang araw ng isang linggo ay linggo (Sunday), gayon din naman ang ikapitong-araw ay sabado (Saturday). Kaugnay nito'y malinaw na nasasaad sa balumbon ng mga banal na kasulatan ng mga anak ni Israel ang tungkol sa banal na araw (Sabbath) sa paningin ng kaisaisang Dios ng langit.

Lunes, Agosto 1, 2016

PERSONAL NA TAGAPAGLIGTAS


Una sa lahat, ang marami ay laging inaala-ala ang pangsarili nilang kaligtasan mula sa iba't ibang nakaakmang kaganapan na nakapagdudulot ng sarisaring kapahamakan. Dahil diyan ay kanikaniya ang ginagawang kaparaanan ng pag-iingat, maiwasan lamang ang mga bagay na kadalasan ay nagiging sanhi ng kasawian.

Gayon din naman sa personal na kaligtasan ng ating kaluluwa, ang marami ay inilalagak ang kanilang lubos na tiwala sa Dios, na kung saan ay pinaniniwalaan na may ganap at hustong kakayahan na pangalagaan at ipagsanggalang ang sinoman sa anomang uri ng masamang kapalaran.

Kaugnay niyan ay isa ng relihiyosong kaugalian, na palagiang itinuturo ng hindi kakaunting tagapangaral ang pagkakaloob ng hindi matatawarang tiwala kay Jesucristo bilang personal na tagapagligtas ng lahat. Anila, iyan ay mula sa kadahilanang siya ayon sa kasulatan ang nag-iisang tagapaglitas ng kaluluwa at tagapagpatawad ng kasalanan.

May katotohanan nga kaya ang nakaugaliang aral na iyan na natutunan ng marami, o baka naman mula sa personal na opinion lamang nila ang gayong katuruan. Hinggil sa mga kapanipaniwala at katiwatiwalang katunayang biblikal ay malugod naming tatanglawan ng kaukulang rayos ng liwanag ang may kalabuan na usaping iyan.