Paunawa:
Ang mga sumusunod na pahayag ay pawang mga komentaryo lamang na walang lakip na katunayang biblikal, ni suporta man ng relihiyosong pananaw. Ang lahat ng iyan ay nabuo mula sa isang kamanghamanghang tanawin, na kung saan ay kasusumpungan ng dakilang balanse at perpektong kaayunsan ng kaisaisang dakilang lumikha. Ang akdang ito'y hindi pahayag ng panghihikayat sa sinoman, kundi isang magandang paksa na kiwiliwiling pag-usapan.
Ang paksang ito'y makatutulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating kaunawaan sa kapayakan ng isang natatanging larangan sa kalupaan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.
Ang paksang ito'y makatutulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating kaunawaan sa kapayakan ng isang natatanging larangan sa kalupaan na tumutukoy ng ganap sa tunay na kabanalan.
Iyan ang isa sa tatlong daigdig, na kung saan ay kabilang ang bawa't isa sa
sangkatauhan. Ang dimension na kung saan ay nananahan ang pysical body (pisikal na katawan) ay ang mundo ng materiya (material world). Diyan ay masiglang umiiral ang unang mata (first eye) na may
kakayanan lamang na makita ang materiya at maliban doon ay wala ng iba pang kakaibang mundo na maaaring masaksihan ang matang iyan. Ang pisikal na mata o first eye bagaman dalawa sa bilang ay iisa ang nakikita, kaya iyan ay katotohanan na bilang lamang sa isa, unang mata, o first eye.