Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Una at Huli. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Una at Huli. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Mayo 14, 2017

UNA AT HULI (Alpha at Omega)

Ang tinatawag na Lumang Tipan ng Bibliya ay hango sa Tanakh, na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ng Israel sa wikang Hebreo. Bahagi niyan ang Torah, na naglalaman ng limang (5) aklat ni Moses. Sa mga antigong kasulatan na iyan ay hayagan at tuwirang binanggit ang pangalan ng kaisaisang Dios (YHVH). Gayon man, sa pagsasalin sa wikang Griego ng 70 iskolar na Hebreo sa panahon ng Paraon ng Egipto na si Ptolomy II. Taong 132 BC ay natapos ang pagsasalin ng bibliyang Hebreo sa wikang Griego (koine) sa siyudad ng Alexandria. Sa pagsasalin ng mga nabanggit na iskolar ay ipinasiya nila na huwag ilagay sa saling Griego (Septuagint) ang YHVH. Ito’y dahil sa ito’y hindi nila kayang bigkasin mga Griego, at sa halip ay minabuti nilang palitan na lamang ng salitang  “KURIOS,” na sa wikang Ingles ay, “LORD,” o kaya naman ay “Lord” ang ibig sabihin. Iyan ay upang makatiyak na ang nabanggit na pangalan ay hindi malapastangan, at maiwasan na malabag ng marami ang pangatlo (3rd) sa sampung (10) utos ng Dios.

Kaugnay niyan, sa isang artikulo nitong Rayos ng Liwanag ay nilinaw ang usapin na may direktang kinalaman dito. Na sinasabi,

PANGINOON (LORD)
Ang salitang Hebreo na  יְהֹוָה (YHVH) ay tumutukoy lamang sa walang hanggang pangalan ng kaisaisang Dios na natatala sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ng bansang Israel. Tetragramaton ang tanyag na bansag nito at kilala sa transliterasyong Yahovah,  o,  Yehovah.
 
Ang יְהֹוָה(YHVH) ay 6519 na ulit binanggit sa 5521 talata nitong Hebrew concordance ng King James Version (KJV) ng bibliya. IEUS ang transliterasyon sa wikang Griego. YHVH ang baybay sa ingles ng Inglatiera at America. H3068 ang nakatalagang numero nito (יְהֹוָה) sa Strong’s concordance.

Bilang tugon ng mga iskolar ng bibliya sa pangatlong (3) utos, na sinasabi,

Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka’t hindi aariin ng PANGINOON na walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan. (Exd 20:7)

Thou shalt not take the name of the LORD thy God in vain; for the LORD will not hold him guiltless that taketh his name in vain (Exd 20:7).”

Ang pangalang nabanggit ay minabuti nilang palitan ng salitang “LORD,” na may malalaking letra. “KURIOS” ang itinapat na salita ng mga Griego sa salitang ito. “Panginoon” na may malaking letrang “P” sa unahan ang naging katumbas na salita sa ating wika.
Ang kinalabasang anyo sa makatuwid nitong יְהֹוָה (YHVH) sa saling ingles ng Masoretic Texts sa KJV ay walang iba, kundi ang salitang, “LORD.” Ito nama”y mababasa sa Hebrew concordance sa hindi kakaunting bilang na nalalahad sa itaas.

Miyerkules, Oktubre 1, 2014

SIYA ANG INYONG PAKINGGAN (inyong Ama at aking Ama)

Sa mga kapatid.

Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain o atakihin, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga patotoong biblikal 

Alingawngaw nga lamang kami ng mga salita ng Dios na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling katha, kundi katotohanang nanatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan. 

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maunawaan ang katuwiran ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito. Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, pang-aatake, o panghuhusga man ng aming kapuwa.

Ang Likas na kalagayan ng Cristo

Tungkol sa likas na kalagayan ng panginoong Jesucristo ay pinatotohanan ng ilan na kinikilala ng marami sa larangan ng kabanalan. Sila nga ay sila Lucas at Pablo, na ang madiin nilang patotoo hinggil sa usaping ito ay gaya ng nasusulat, na sinasabi,

GAWA 2 :
22  Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, LALAKING PINATUNAYAN NG DIOS SA INYO SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWANG MAKAPANGYARIHAN AT MGA KABABALAGHAN AT MGA TANDA NA GINAWA NG DIOS SA PAMAMAGITAN NIYA SA GITNA NINYO, gaya rin ng nalalaman ninyo;

GAWA 3 :
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang LINGKOD NA SI JESUS, na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.

GAWA 4 :
27  Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong BANAL NA LINGKOD NA SI JESUS, na siya mong PINAHIRAN,...

Sa patotoo nitong si Lucas ay maliwanag niyang ipina-uunawa sa lahat, na ang panginoong Jesucristo ay lumalapat sa kalagayan ng isang BANAL NA LINGKOD NG DIOS, at ganap na dumadako sa sagradong gawaing tumutukoy ng lubos sa katayuan ng isang pinahiran (annointed with oil). Kung lilinawin iyan ay Mashiach sa wikang Hebreo, Khristos sa wikang Griego, Messias sa wikang Latino, Messiah o Christ sa wikang Ingles, at Cristo, o Kristo sa wika natin. Siya ay ipinakilala ng napakaliwanag sa Aklat ng mga Gawa sa likas na kalagayang TAO at bilang isang matapat na lingkod ng Dios.