Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang misyon ng paghahanap ng katotohanan na itinatag upang ipahayag ang dalisay at orihinal na mga turo ni Cristo, batay lamang sa patotoo ng mga tunay na saksi at ng mga Kasulatang Hebreo. Tinatanggihan nito ang mga sumunod na pagbaluktot, at layuning ibalik ang mga kaluluwa sa liwanag ng kabanalan ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at Espiritu ng Dios na nanahan kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaligtasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Martes, Hunyo 28, 2022
TATLONG SUSI SA BUHAY NA WALANG HANGGAN Part 1 of 2
May tatlong susi sa pagkakamit ng buhay na walang hanggan. Alamin sa Videong ito ang matuwid hinggil sa katotohanan na may ganap na kinalaman sa paksang ito.
Mga etiketa:
Kalangitan,
Kaligtasan,
Mga Susi ng Langit,
Susi ng Langit,
Tatlong Susi ng Langit
Sabado, Setyembre 9, 2017
KAWANGGAWA (agape) Sin caridad no hay salvacion posible
PAALALA:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang kaalaman ng sinoman. Nawa, sana, bago nyo kami husgahan ay paka-unawain nyo munang mabuti ang buong nilalaman ng artikulong ito.
Hinggil sa larangan ng espiritismo sa buong kapuluan at sa ibayong dagat ay may nakabandera na salawikain, o doktrina na siyang tumatayong matibay na pamantayan ng kaligtasan. Marahil ay may ilan ng nagtanong, kung ito baga ay may awtentikasyon ng katotohanan na masusumpungan sa banal na kasulatan. Kaugnay niyan ay hindi naging mahirap sa mga nakaka-alam na ipaliwanag at ipagtanggol alinsunod sa Katuruang Pablo ang doktrina nila na gaya ng mababasa sa ibaba.
"SIN CARIDAD NO HAY SALVACION POSIBLE (without charity[Agape G26]) there is no salvation possible)."
Ang ibig sabihin sa wika natin,
“Sa kawalan ng kawanggawa ay walang posibleng kaligtasan.”
Batay sa kinikilala at isinasabuhay na samo’t saring aral. Iyan ang eksistidong doktrina, o salawikain ng mga pinagbuklod (unyon) na kapatirang espiritista ng buong kapuluan at ng ibayong dagat.
Ang salitang CharityG26 ay dalawampung (20) ulit na binanggit ni Pablo sa kaniyang mga sulat at iyan ay sa mga sulat lamang niya mababasa. Tanda na ang salitang iyan ay nabibilang sa samo’t saring aral na masusumpungan sa Katuruang Pablo. Paulinian origin sa makatuwid ang salitang iyan, na hindi dapat ipagkamali na nabibilang sa mga sagrado at dakilang aral ng Katuruang Cristo. Ang salitang iyan saan man at kailan man ay HINDI inari, ni napabilang man sa kalipunan ng mga sagradong aral ng Katuruang Cristo.
Mga etiketa:
Charity,
Kaligtasan,
Katuruang Cristo,
Katuruang Kardec,
Kawanggawa,
Love,
Pag-ibig,
Salvation
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)