Mula sa
banal na Tanakh (Jewish Bible) ay may
mahigpit na habilin ang kaisaisang Dios
tungkol sa mga lalaki na nagsisipagbukas ng bahay bata, o ng sinapupunan. Sila
ang tinatawag na mga unang anak, o panganay. Kung lilinawin pa ay ang unang supling (lalaki) na kinikilalang pinakamatanda sa magkakapatid.
Sa mga
sagradong katuruan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay
may kakaibang pagtingin, at pagkilala sa mga panganay (elect)
ang kaisaisa nating Panginoon Dios na
nasa langit. Sila ay Kaniyang
hinirang sa kalagayang ganap na lumalapat sa tunay na kabanalan. Sa mga hayop
man ay gayon din Niyang sinasabi, na
ang mga unang lalaking supling nila, bilang panganay ay lubos Niyang inaari at lubhang pinabanal ng
kaniyang pagkahirang.
Gaya
nga ng aral na natatala sa kasulatan ng mga totoong banal ay winika,