Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

EMMANUEL (Isa 9:6)

Mula sa nauna at nakaraang artikulo (Emmanuel [Isa 7:14]) ay naging isang nakakagulat na katotohanan ang tanawin na iniluwal ng bukang liwayway. Na sa pagsikat ng haring araw ay nahayag sa ganap na liwanag ang mahahalagang dako na kay laon ng nakukubli sa sukdulan ng kadiliman.

Gayon din naman sa akdang ito ay kasamang malalahad sa pagkaayon sa matuwid ng Dios ang isa pang usapin, na umano'y naging eksaktong kaganapan ng propesiya, o hula ni Propeta Isaias hinggil sa batang ipinanganak sa katawagang Immanuel.

Ngayon nga'y nalalaman na natin, ayon sa tiyempo ng hula ng Propeta Isaias ay hindi lumayo ni lumagpas man sa nasasakupang kaarawan ng mga hari ng Juda at Israel. Bagay na nagbibigay diin sa katotohanan na hindi kailan man maaaring tumukoy, ni tumugon man sa panahon ng kapanganakan nitong si Yehoshua (Jesus) ng Nazaret.

Martes, Nobyembre 1, 2016

EMMANUEL Isa 7:10-16

Mula sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay masusumpungan ang ilang talata ng hula ni propeta Isaias hinggil umano sa pagsilang ng isang sanggol na lalake bilang tanda ng buong sambahayan ni David. Pinaniniwalaan ng marami na iyon ay naganap halos pitong daang (700) taon matapos na masiglang ipahayag ng nabanggit na propeta.

Kaugnay niyan ay matuwid siyasatin na may masusing pag-aanalisa ang pahayag sa aklat ni Propeta Isaias, na umano ay mga hula na tanging kay Yehoshua (Jesus) ng Nazaret lamang tumutukoy. Siya nga kaya ang katotohanan na kinatuparan ng nabanggit na hula?