Proclaim His Holy Name Bible |
Mula sa mga balumbon ng hindi kakaunting
banal na kasulatan (Tanakh) ay
napakaraming ulit (6,519) na mababasa ang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit. Ano
pa’t upang ang pangalang iyon ay hindi mabanggit sa walang kapararakang
kadahilanan ay hinalinhan ng kataastaasang
pamimitagang panawag (adonay [Lord]).
Gayon ma’y minsang nabanggit sa aklat ng
propeta Isaias ang salitang Ama, na
tumutukoy sa Dios, na Siya’y tinawag niyang
manunubos.
Gaya ng nasusulat,
ISA
63 :
16 Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami
kilala ng Israel: ikaw, Oh Yehovah, ay aming
Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
(Doubtless
thou art our father, though Abraham
be ignorant of us, and Israel acknowledge us not: thou, O Yehovah, art our father,
our redeemer; thy name is from everlasting.)
Gayon din mula sa bibig ni propeta Malakias ay namutawi ang mga sumusunod na katuwiran ng Dios. Na sinasabi,
MAL 2 :
10 Wala baga tayong lahat na isang AMA? hindi baga isang DIOS ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang?
(Have we not all one father? hath not one God created us? why do we deal treacherously every man against his brother, by profaning the covenant of our fathers?)

Ang salitang Ama ay maituturing na isang
pangkalahatang pamimitagang panawag.
Ito’y dahil sa ginagamit ng sinoman patungkol sa biyolohikal niyang tatay. Ang
ibig sabihin ay maaaring ipatungkol sa amang makalupa at sa Amang makalangit.
Alinsunod sa kadahilanang nasa itaas ay hindi katanggaptanggap na sabihing iyan (Ama) ang karapatdapat na panawag sa kaisaisang Dios (YHVH) ng langit. Hindi gaya ng “adonay” na kataastaasang pamimitagang panawag, na kapag binanggit ninoman ay direktang tumutukoy sa kaisaisang pangalan lamang na pag-aari ng kaisaisang Dios ng langit.