JUAN 20 :
17 Sinabi sa
kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.
Sa patibayang aral na nalalahad sa itaas
ay hindi maitatanggi ninoman, na mula sa bibig ni Jesus ay lumabas ang mga salita, na ang kaniyang kinikilalang Ama ay siya rin nating Ama. Gayon din ang sinasamaba niyang Dios ay siya rin nating Dios. Kung gayo’y napakaliwanag na Ama nating lahat ang kaisaisang Dios na nasa langit.
Dahil dito, ang Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kabuoan ni Jesus sa natatangi niyang kapanahunan ay
tinuruan tayong manalangin sa Ama
nating nasa langit, na sinasabi,
9 Magsidalangin
nga kayo ng ganito: AMA NAMIN
na nasa
langit ka, SAMBAHIN NAWA ANG PANGALAN
MO.
10 DUMATING NAWA ANG KAHARIAN MO, GAWIN NAWA ANG IYONG KALOOBAN, kung paano sa langit, gayon din naman sa
lupa.
11 IBIGAY MO SA AMIN NGAYON ANG AMING KAKANIN SA ARAW-ARAW.
12 At IPATAWAD MO SA AMIN ANG AMING MGA UTANG, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may
utang sa amin.
13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi ILIGTAS MO KAMI SA MASAMA. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,
at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Na sinabing sila’y magsidalangin at sambahin ang Ama
nating nasa langit. Nang sa gayo’y maganap nila ang kaniyang kalooban, na
kung lilinawin ay yaong kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan.
Kasunod nito’y ang paghingi ng pang araw-araw na makakain, at kapatawaran sa
mga nangagawa nilang kasalanan. At sa pagtatapos ng panalangin ay nagsihingi
sila ng kaligtasan sa masama.
Narito, at ito na mismong si Jesus ang
nagwika, na ang lahat ay sa Ama lamang na nasa langit mag-aalay ng
kani-kanilang panalangin. Sa madaling salita’y walang sinoman na kailangang
mamagitan sa pakikipag-ugnayan sa Ama. Palibhasa, ang pinaka-wastong
panalangin sa Kaniya na nararapat sambitin ng sinoman sa kaniyang mga anak
ay malaon ng suma atin sa pamamagitan ng bibig ni Jesus (Mateo 6:9-13).
Nakakalungkot nga lamang na ang payak na panalanging
ito patungkol sa Ama ay tila hindi napag-unawa ng marami. Sapagka’t ang
isinabuhay nilang katuruan pangkabanalan ay ayon sa iba’t ibang haka at likhang
doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli) ng mga hindi
nakakaunawa ng salita. Dahil
dito ay hindi kakaunting kaluluwa ang
napahamak at patuloy na nabubulid ang marami pa sa kaawa-awang kalagayang yaon
hanggang sa ating panahon.
Kaya naman sa mga araw na ito’y
minarapat naming sariwain ang ala-ala ng marami hinggil sa katuwiran na inilahad
ng panalanging nabanggit. Alinsunod nga sa mga hindi maitatangging katiwatiwalang katunayang biblikal ay lalapatan namin
ng kaukulang tanglaw ang tungkol sa lubos na kahalagahan ng bagay na ito ng Dios.
Ang dakilang
panalangin (Ama Namin) ngang ito patungkol sa Ama ay madiing sinalita ng bibig ni Jesus, na sinasabi,
MATEO 6 :
9 Magsidalangin
nga kayo ng ganito: AMA
NAMIN na nasa langit ka,
Sa simula nga nito’y binigyan ng diin, na ang
panalangin lamang na ito ang kaisaisang dasal sa Ama na nararapat
bumukal sa bibig ng sinoman. Sapagka’t ang kasaysayan ay walang nabanggit na
ano pa man hinggil sa ibang panalangin na nararapat sambitin ng sinoman sa
kalupaan.
Dito ay makikitang ang sinoma’y tumatanggap, at ang
pinatutungkulan ng kaniyang dasal ay ang sarili niyang Ama na nasa
langit. Ama, na ang nilalapatan ay ang kaniyang kaisahan, na kalagayang
masiglang umiiral sa kaniyang kaluwalhatian. Ano pa’t kung may isang Ama
na nasa langit ay nararapat tanggapin ng lahat na tayong mga tao sa daigdig na
ito’y kaniyang mga anak. Sapagka’t sa simula ng panalangin ay
ipinakilala na ang Dios na pinatutukulan nito ay ang sariling Ama ng
sinoman sa kalupaang ito.
SAMBAHIN NAWA ANG PANGALAN MO.
Ipinauunawa rin ng salita, na ang pangalan lamang
ng Amang ito ang karapatdapat sa lahat ng uri ng pagsamba. Sapagka’t kaniyang
sinabi,
ISA 45 :
22 Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y
mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at
WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
Gayon nga ring sinalita ng bibig ng kaniyang mga banal, na sinasabi,
Deut 32
12 Ang Panginoon na magisa ang
pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.
MAL 2 :
10 Wala baga tayong lahat na ISANG AMA?
Hindi baga ISANG DIOS ang lumalang sa atin? ...
Katunayan lamang na walang pangalan sa
kalawakan ng Dimensiyon ng Materiya
at sa dimensiyon ng Espiritu na
karapatdapat sa anomang uri ng pagsamba, maliban sa pangalan ng ating Ama. Wala rin namang pangalan na sukat
ikaligtas ng sinoman sa silong ng langit, maliban sa pangalan ng ating Ama.
Sa bahaging ito ng panalangin sa Ama ay napakaliwanag na ang tinutukoy na pangalan na matuwid sambahin ng lahat ay KAISAISA lamang. Hindi dalawa, hindi tatlo, hindi apat, hindi pagkadamidami, kundi isa lamang.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Exo 3 :
15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo nI YEHOVAH, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG AKING PANGALAN MAGPAKAILAN MAN, at ito ang AKING PINAKAALAALA SA LAHAT NG MGA LAHI.
Sa panalangin na "AMA NAMIN" ay hindi kailan man winika ng sariling bibig ng Cristo, na MGA PANGALAN NG DIOS ang sasambahin, kundi "PANGALAN" na ang napakaliwanag ng kahulugan ay ISANG PANGALAN LAMANG.
Bilang tuldok ng katotohanan sa bahaging ito ng kaisaisang panalangin ay madiing winika ng sariling bibig ng Cristo sa Ama ang mga sumusunod na pananalita,
DeuT 32 :
3 Sapagka't aking IHAHAYAG ang pangalan ng Paningoon: Dakilain ninyo ang ating Dios.
Sa gayo'y ipinahayag ni Jesus ang PANGALAN ng kaisaisa nating Dios, gaya ng napakaliwanag na nasusulat.
Juan 17 :
6 IPINAHAYAG ko ang iyong PANGALAN sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.
Hindi mahirap unawain ang napakaliwanag na katotohanang iyan, hinggil sa kaisaisang pangalan ng kaisaisang Dios ng langit. At alinsunod sa katuwiran ng mga katunayang biblikal na iyan ay maituturing na isang mapangahas na deklarasyon ang sabihing marami ang pangalan ng Dios.
Exo 9 :
16 Datapuwa't totoong totoo, na dahil dito ay pinatayo kita, upang maipakilala sa iyo ang aking kapangyarihan, at upang ang aking PANGALAN ay mahayag sa buong lupa.
Eze 39 :
7 At ang aking banal na PANGALAN ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel; at hindi ko man titiising malapastangan pa ang aking banal na pangalan: at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, ang banal sa Israel.
Walang lihim na pangalan ang Dios, sa kadahilanang mismo ang Dios sa kaniyang sarili ang nagpakilala ng kaisaisa niyang pangalan. Saan man at kailan man ay hindi niya sinabi, "AKING MGA PANGALAN," kundi, "AKING PANGALAN." lamang.
10 DUMATING NAWA ANG KAHARIAN MO,
Ang kaharian ng Dios ay
katotohanan na nasa langit na kaniyang natatanging kaluwalhatian. Ang
ibig bagang sabihin ay literal na bababa sa lupa ang nabanggit na kaharian?
Hindi nga ang gayon, kundi ang payak na ibig sabihin nito ay gaya nga lamang ng
nasusulat, na sinasabi,
28 Nguni’t kung sa
pamamagitan ng ESPIRITU NG DIOS ay
nagpapalabas ako ng mga demonio, ay DUMATING NGA SA INYO ANG KAHARIAN
NG DIOS.
Narito, at napakaliwanag na
ang presensiya ng Espiritu ng Dios ang siyang kumakatawan sa kaharian
ng Dios. Sa madaling salita, kung sa isang tao ay namamahay at naghahari
ang Espiritu ng Dios gaya ng mga naging tunay na banal, ang
anomang pook na kaniyang paroonan ay katotohanan ngang dinatnan ng kaharian
ng Dios.
Sa kabuoan ng Espiritu
ng Dios ay umiiral ang katotohanan,
ilaw, pag-ibig, kapangyarihan, paglikha, karunungan, at buhay na walang hanggan. Kaya
ang sinomang makinig sa mga salita na nangagsilabas mula sa bibig ng mga tunay
na banal ay walang alinlangang binabaan na nitong kaharian ng Dios.
Sa makatuwid ay iisa na sila
sa katotohanan, iisa na sila sa ilaw, iisa na sila sa pagibig, iisa na sila sa
lakas, iisa na sila sa paggawa, iisa na sila sa karunungan, at iisa na sila sa
buhay na walang hanggan. Sa madaling salita kung gayo'y iisa ang Ama at ang anak sa
larangan ng tunay na kabanalan.
Ang sinoman ngang makipag-isa
sa gayong mga bagay ay tunay na ngang bahagi ng kaharian ng Dios. Sa
gayo’y maipasisiyang nakabalik na ang partikular na bahaging yaon sa kabuoan na
siya niyang kaisaisang pinagmulan.
GAWIN NAWA ANG IYONG KALOOBAN, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan sa makatuwid ang natatanging kalooban ng Ama nating
nasa langit. Bukod sa mga ito’y wala na ngang anomang maaaring idagdag na
masasabing kalooban niya. Sapagka’t nasa tatlong (3) yaon na ang lahat na
nilalaman ng kaniyang kalooban patungkol sa lahat ng kaniyang mga anak sa
kalupaan.
Kung paano nga nagaganap ang perpektong
kaayusan at dakilang balanse sa kalangitan; sa pamamagitan ng
pagtalima sa kaniyang mga kautusan,
palatuntunan, at kahatulan
ay magiging gayon nga rin na iiral ang perpektong kaayusan at dakilang balance
sa kalupaan. Ang tanawing ito kung gayon ang natatanging daan, upang
kung paano nagaganap ang kalooban ng Ama sa langit ay gayon din namang
maganap sa kalupaan.
11 IBIGAY MO SA AMIN NGAYON ANG AMING KAKANIN SA ARAW-ARAW.
Kung kailangan ng kaluluwa
ang pagsunod sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan bilang
pagkaing ikabubuhay niya. Kailangan din naman ng katawang pisikal na
ito’y tustusan ng husto nitong mga masusustansiyang makakain. Kaya sa panalangin ay
mahalagang-mahalaga na hingin ang gayong bagay sa Dios.
12 At IPATAWAD MO SA AMIN ANG AMING MGA UTANG, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
Sinasabing ipatawad ng Ama
sa sinomang dumadalangin ang mga nagawa niyang kasalanan. Ano pa’t ang isang
matuwid na tao sa paningin ng Dios ay mabilis na nakapagpapatawad sa
kaniyang kapuwa, kaya naman kapag siya’y dumalangin ay sa gayon ding paraan
niya nakakamit ang kapatawaran.
Maliwanag kung gayon na ang
pagpapatawad sa lahat ng kasalanan ng mga tao ay ang Ama lamang pala ang
may ganap na kapamahalaan. Palibhasa’y iisa lamang siya sa natatangi niyang
kalagayan, at bukod sa kaniya ay katotohanan na wala ng iba pa.
13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi ILIGTAS MO KAMI SA MASAMA.
Ang sinoman nga’y sa Ama lamang nating nasa
langit nararapat na hingin ang kaniyang kaligtasan sa masama. Ito’y katunayan
na Siya lamang ang kaisaisang maaaring magligtas ng sinoman, sapagka’t ang mga
salitang ito’y hindi lumabas mula sa bibig ng sinomang tao, kundi mga salita
ng Dios na sinalita ng sariling bibig ni Jesus. Hindi na sana iniutos sa sangkatauhan ng sariling bibig ng Cristo ang paghingi ng kaligtasan sa Ama, kung siya na mismo ang tagapagligtas ng sanglibutan. Disin sana'y iniutos na lamang sana niya na ang sangkatauhan ay sa kaniya manalangin, maghingi ng kaligtasan, at kapatawaran ng kasalanan.
Kung gayong ang panalangin sa Ama ay matuwid
na ibinigay sa lahat ng tao sa pamamagitan ng bibig ni Jesus;
katotohanan ngang maituturing ang mga salitang nilalaman ng nabanggit na
panalangin. Sapat upang mapag-unawa ng lahat ang mga sumusunod na katuwirang
pangkabanalan.
Ano pa’t sa natatangi Niyang kalagayan
bilang kaisaisa sa Kaniyang kaluwalhatian ay nararapat na isa-isip, at isapuso,
at isagawa ng sinoman ang nagtutumibay na katuwirang mababasa sa ibaba.
1. Sa Amang nasa
langit lamang iuukol ang anomang panalangin. Sapagka’t walang ibang Dios na maaaring tumugon sa panalangin
ng sinoman mula sa kalupaan. Bukod nga sa kaniya na Ama nating nasa langit ay wala ng iba pa.
2. Sinasamba ng anak ang
pangalan ng sarili niyang Ama na nasa langit, nang dahil sa ito’y gawa
ng isang anak na lubos ang pag-ibig sa kaniyang Ama.
3. Sa isang anak na kinakikitaan ng masugid na
pagtalima sa kalooban ng sarili niyang Ama; sa lupa pa nga lamang ay
nararanasan na niya ang kabanal-banalang kalagayang gaya ng sa langit.
Katunayang ito’y ibinaba sa kaniya, upang sa lupa pa lamang ay maranasan na
niya ang buhay na naghihintay sa kaniya sa kaluwalhatian ng langit.
4. Sinoman nga sa kalupaang ito’y
hindi kailan man nakalas sa bigkis ng mga kautusan,
palatuntunan, at kahatulan ng Dios. Kaya ang
lahat, sa ayaw at sa ibig man nila’y kailangang tumupad sa mga yaon. Sapagka’t
yaon ang utos na ang lahat ay gumanap sa kautusan, at sa palatuntunan, at sa
kahatulan.
5. Sa panalangin sa Ama
nating nasa langit ay nararapat na hingin ang mga bagay na magpapanatili nitong
buhay ng katawang pisikal. Yaon ang matuwid, at matapos na ikaw ay humingi
ay isunod na nga ang masiglang paggawa.
6. Nararapat tanggapin ng lahat
na ang sarili nating Ama ang siyang kaisaisang may kapamahalaan sa pagpapatawad ng kasalanan, at
bukod sa kaniya ay wala ng iba.
7. Mahalaga ring mapag-unawa ng
lahat na siya na ating Ama, sa kaisahan
niya’y nagliligtas ng
kaniyang mga anak sa masama. Kaugnay nito ay maituturing na isang
napakalaking kamangmangan at kahangalan na umasa ng kaligtasan sa iba.
Ang Ama ngang ito’y may mga anak sa
kalupaan, at sila na mga anak ay ganap na tumutukoy sa sangkatauhan, at ito ang katotohanan
na nararapat tindigan ng lahat. Ang wasto at hustong panalangin sa ating Ama sa makatuwid, ay ang dasal na, "AMA NAMIN." Wala ngang panalangin na hihigit pa dito, kaya ang sinomang tinatanggap ang pagiging anak niya ay walang ibang pag-uukulan ng dasal na ito, kundi ang sarili niyang Ama, na siyang kaisaisang Dios na nasa langit.
Kamangmangan na ngang maituturing pa, kung ang sinoma'y mag-aalay ng dasal kay Jesus, sa Espiritu Santo, o sa kanino pa man. Sapagka't saliksikin mo man ang buong kasulatan, bukod sa Ama ay walang sinomang binanggit si Jesus na iba pang pagtutuunan ng dasal. Ang panalangin sa makatuwid ay ukol lamang sa kaisaisang Dios na nasa langit, at hindi kay Jesus, hindi rin kay Maria, at lalo ng hindi sa mga Santo ng mga paganong Romano.
Gaya ng isang tuldok, ang katatapos na pitong (7) katuwirang pangkabanalan ay ganap na sinasang-ayunan ng katotohanan, at bilang pagtatapos sa panalanging ito'y winika ng bibig ni Jesus,
Kamangmangan na ngang maituturing pa, kung ang sinoma'y mag-aalay ng dasal kay Jesus, sa Espiritu Santo, o sa kanino pa man. Sapagka't saliksikin mo man ang buong kasulatan, bukod sa Ama ay walang sinomang binanggit si Jesus na iba pang pagtutuunan ng dasal. Ang panalangin sa makatuwid ay ukol lamang sa kaisaisang Dios na nasa langit, at hindi kay Jesus, hindi rin kay Maria, at lalo ng hindi sa mga Santo ng mga paganong Romano.
Gaya ng isang tuldok, ang katatapos na pitong (7) katuwirang pangkabanalan ay ganap na sinasang-ayunan ng katotohanan, at bilang pagtatapos sa panalanging ito'y winika ng bibig ni Jesus,
Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang
kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
Gayon ngang napakaliwanag, na ang Ama nating nasa langit ang nag-iisang nagmamay-ari ng kaharian,
at siya lamang ang kaisaisang makapangyarihan, na taglay ang magpasawalang hanggang kaluwalhatian sa Kaniyang kabuoan. Bukod nga sa kaisaisang Dios (Ama) ng langit ay wala ng iba pa na maaaring makapagligtas sa kaluluwa ng sinoman, Sa gayo'y isang katotohanan na matuwid tindigan ng sinoman, na ang kaisaisang Dios (Ama) lamang na nasa langit ang kaisaisang PERSONAL niyang,
1. Dios na nasa langit.
2. Dios na sasambahin.
3. Dios na dalanginan.
4. Dios na tagapagkaloob ng kaharian.
5. Dios na tagapagkaloob ng biyaya.
6. Dios na tagapagpatawad ng mga kasalanan.
7. Dios na tagapagligtas.
Sapagka't ang kaisaisang Dios na iyan ay Siyang nagmamay-ari ng kahariang nasa langit, ang kaisaisang nagtataglay ng kapangyarihan, at kaluwalhatian magpakailan man.
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang pagsapit ng mga biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunugang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.
Hangang sa muli, paalam.
1. Dios na nasa langit.
2. Dios na sasambahin.
3. Dios na dalanginan.
4. Dios na tagapagkaloob ng kaharian.
5. Dios na tagapagkaloob ng biyaya.
6. Dios na tagapagpatawad ng mga kasalanan.
7. Dios na tagapagligtas.
Sapagka't ang kaisaisang Dios na iyan ay Siyang nagmamay-ari ng kahariang nasa langit, ang kaisaisang nagtataglay ng kapangyarihan, at kaluwalhatian magpakailan man.
Kamtin ng bawa't isa ang masaganang pagsapit ng mga biyaya ng langit, na tumutukoy ng ganap sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunugang may unawa, at sagad na buhay sa kalupaan.
Hangang sa muli, paalam.
right! god is good. :)
TumugonBurahinAng galing ng paliwanag, convincing.
TumugonBurahinNr 1 talaga ang ama namin at belive ako na ito lang ang dapat dasalin natin. hindi tayo magdadasal sa iba pa, kasi iisa lang ang dios, kaya sa isa lang tayo magdadasal.
Sa iisang Dios ay kailangan dasalin sa kaniya ang turong dasal ni Jesus. Mali talaga na dasalan si Jesus, at si Maria, at ang mga santo ng katoliko. Kasi hindi naman sila dios. Kasi hindi naman itinuro ni jesus na pati siya at yung iba ay dasalan din.
TumugonBurahinLubos kaming nagpapasalamat sa ilan na nagbibigay ng comment sa content ng aming blog, kahi man sila'y hindi nagpapakilala. Gayon ma'y hindi namin tinutugon, o ipinapublish ang ANONYMOUS comments. Kung ang mga ito'y mga negatibong pahayag na walang kaakibat na katiwatiwalang katunayang biblikal. Makabubuting bago maglahad ng comment ay unawain munang mabuti ang content ng blog.
TumugonBurahinVery much agee ako sa paliwanag ng sulat mo nato Yohvshva. Si Jesus na ang nagsabi, kaya dapat sundin para hindi tayo matawag na anticristo.
TumugonBurahinAmen, Amen and Amen !!!!
TumugonBurahin