Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sisidlan ng Kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sisidlan ng Kabanalan. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Enero 16, 2017

Pamumusesyon ng Espiritu (Spirit Possession)


Mula pa sa lubhang malayong nakaraan na tumutukoy sa panahon ng mga antigong kasaysayan, na masusumpungan sa balumbon ng banal na Tanakh ng Dios. Isang hayag na kaalaman ang pamumusesyon ng Espiritu ng Dios at ng espiritu ng diyablo sa mga tao.

Kung paano ginagawa ng Espiritung banal ang gayon ay iyon din naman ang kaparaanan na ginagamit ng diyablo. Iyan ay dahil sa siya'y tanyag sa pagiging manggagaya at sikat sa walang tigil na paglulubidlubid ng mga kasinungalingan, na siyang dumadaya sa marami tungo sa kanikanilang pagkatisod at pagkapahamak.

Ang Espiritu ng Dios na bantog sa katawagang "Espiritu Santo" ay may mga hinihirang na kasangkapan (sisidlang hirang ng kabanalan [medium]) sa kalupaan. Iyan ay sa layuning maghatid ng mga salita ng kabanalan sa mga tao na pinagsisikapang maging karapatdapat sa mabuting pagtingin ng kaisaisang Dios ng langit. Gayon din sa kanila na itinuturing Niyang nabibilang sa mabubuting binhi na nangalihis lamang sa matuwid na landas ng sagradong buhay sa kalupaan.

Huwebes, Agosto 15, 2013

ANG PANGANAY AY HALAL NG DIOS SA KABANALAN


Mula sa banal na Tanakh (Jewish Bible) ay may mahigpit na habilin ang kaisaisang Dios tungkol sa mga lalaki na nagsisipagbukas ng bahay bata, o ng sinapupunan. Sila ang tinatawag na mga unang anak, o panganay. Kung lilinawin pa ay ang unang supling (lalaki) na kinikilalang pinakamatanda sa magkakapatid.

Sa mga sagradong katuruan na masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Tanakh) ay may kakaibang pagtingin, at pagkilala sa mga panganay (elect) ang kaisaisa nating Panginoon Dios na nasa langit. Sila ay Kaniyang hinirang sa kalagayang ganap na lumalapat sa tunay na kabanalan. Sa mga hayop man ay gayon din Niyang sinasabi, na ang mga unang lalaking supling nila, bilang panganay ay lubos Niyang inaari at lubhang pinabanal ng kaniyang pagkahirang.

Gaya nga ng aral na natatala sa kasulatan ng mga totoong banal ay winika,