Lunes, Mayo 30, 2011

GAWIN ANG MGA GAWA NI JESUS

S
a malawak na daigdig ng Cristianismo ay karaniwan na lamang ang salitang pananampalataya, at ito’y nakasanayan ng gawing sukatan ng pakikipag-isa kay Jesus na kinikilala nila bilang isang Dios na totoo. Wika ng iba, kung kaya hindi matagalan ng marami ang pagsubok ay nang dahil sa kawalan, o sa kakapusan niya nito. Mayroon namang nagsasabing sila’y tumatanggap ng siksik at liglig na biyaya palibhasa’y husto ang taglay nilang pananampalataya.

Sa kalakarang ito’y tila ba hindi nauunawaan ng marami kung papaano ginaganap ang pananampalataya na may pagsang-ayon ang katotohanan. Kasi nama’y binibigyang diin ng hindi kakaunting mangangaral nitong Cristiano ni Pablo, na ang kautusan ng Dios ay walang anomang kakayanan sa ikasasakdal, o sa ikababanal ng kaluluwa, at gaya ng nasusulat ay sinabi,

Linggo, Mayo 15, 2011

TATLONG KATAWAN SA KABUOAN NG TAO

Ang kabuoan ng tao ay nahahati sa dalawang (2) hanay, at ang mga ito’y dimension ng materiya at ng Espiritu. Gayon ma’y binubuo ng tatlong (3) kalikasan (tripartite nature), na tumutukoy sa katawang laman, katawang kaluluwa, at katawang Espiritu

Ang hustong paliwanag tungkol sa usaping may kinalaman dito ay tila isang palaisipan, na minsan ma'y hindi naging lubos ang linaw sa pangunawa ng higit na nakakarami. Gaya halimbawa ng katawang kaluluwa at ng katawang espiritu na sa lihis na intindi ng mga tao ay magkatulad lamang ang kahulugan. Datapuwa't ito'y lubhang malayo sa katotohanan. Sapagka't sa hindi maikakaila na katiwatiwalang katunayang biblikal na may kinalaman sa usaping ito ay napakalaki ng kaibahan sa isa't isa nitong kaluluwa at espiritu ng tao.

Ano pa't kung bibigyan ng kaukulang katuwiran ang tinataglay na kahulugan ng dalawa'y gaya lamang ng malinaw na mababasa sa mga sumusunod na istansa.