S
|
a malawak na daigdig ng Cristianismo ay karaniwan na lamang ang salitang pananampalataya, at ito’y nakasanayan ng gawing sukatan ng pakikipag-isa kay Jesus na kinikilala nila bilang isang Dios na totoo. Wika ng iba, kung kaya hindi matagalan ng marami ang pagsubok ay nang dahil sa kawalan, o sa kakapusan niya nito. Mayroon namang nagsasabing sila’y tumatanggap ng siksik at liglig na biyaya palibhasa’y husto ang taglay nilang pananampalataya.
Sa kalakarang ito’y tila ba hindi nauunawaan ng marami kung papaano ginaganap ang pananampalataya na may pagsang-ayon ang katotohanan. Kasi nama’y binibigyang diin ng hindi kakaunting mangangaral nitong Cristiano ni Pablo, na ang kautusan ng Dios ay walang anomang kakayanan sa ikasasakdal, o sa ikababanal ng kaluluwa, at gaya ng nasusulat ay sinabi,
18 Sapagka’t NAPAPAWI ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
ROMA 3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.
EFE 2 :
15 Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.
ROMA 3 :
28 Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
Kung ang kautusan nga’y gayong kahina, at walang silbi sa kaniyang layunin ay tama lamang na ito’y mangailangan na ng bagong kahalili bilang pangalawa, at yaon ayon sa taong ito ay ang “pananampalataya kay Jesucristo na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.” Sa gayo’y napakaliwanag na sa evangelio ng di pagtutuli nitong si Pablo ay may malabis na paghihimagsik, o hayagang pagtatakuwil sa mga kautusan ng kaisaisang Dios.
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos,
2 Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3 Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso.
EXO 20 :
6 At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.
ECL 12 :
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
ISA 40 :
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta: nguni’t ANG SALITA NG ATING DIOS AY MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN.
AWIT 111:
8 NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN at KATUWIRAN.
Datapuwa’t sa katuwiran ng kaisaisang Dios ay hindi kailan man lilipas ang kaniyang binitiwang mga salita na ipinakipagtipan sa mga kinilala niyang banal sa kalupaan. Gayon ma’y iginigiit ng mga Cristiano ni Pablo, na ang nabanggit na kautusan ay binago na ng isa pang Dios sa ngalang Jesus at yao’y hinalinhan na niya ng pananampalataya ng mga tao sa kaniyang sarili, na kung lilinawin ay ang “pananampalataya kay Jesucristo na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.”
Kaugnay nito’y siyasatin nga nating mabuti ang mga salitang nangagsilabas mula sa bibig nitong si Jesus, upang mapag-alaman kung ang giit baga nitong si Pablo hinggil sa usaping ito ay may katotohanan, o wala.
Gaya nga ng maliwanag na nasusulat ay winika ng bibig ni Jesus ang mga sumusunod,
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
JUAN 14 :
31 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito. (Roma 3:28)
JUAN 12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Taliwas sa minamatuwid nitong si Pablo ay mariing isinatinig ng bibig ni Jesus na siya ay gumaganap sa kautusan, at ayon sa kautusang yao’y gayon aniya ang kaniyang ginagawa. At alinsunod sa sinabi sa kaniya ng Ama, o nitong Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kaniyang kabuoan ay walang hanggang buhay ang ibubunga ng pagtalima sa nabanggit na kautusan.
Dahil dito ay katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na ang kautusan ay hindi totoong inutil sa kaniyang layunin, kundi ito’y may sapat na lakas upang ang sinoman ay maihatid nito sa buhay na walang hanggan. Sa makatuwid ay napakaliwanag na sinasabi ni Jesus na ang pagtalima sa kautusan ng kaisaisang Dios ang siyang nag-iisang susi sa ikaliligtas ng kaluluwa, at ikatutubos ng sala nitong sanglibutan.
Maliwanag din na ang naunang pahayag ng Dios sa nakaraang malayong kapanahunan hinggil sa kaniyang kautusan ay patuloy na umiiral at hanggang sa natatanging kaarawan nitong si Jesus ay kaniyang sinang-ayunan, na ang nabanggit na kautusan ay walang ipinagkaiba noon una at hanggang sa mga darating pang mga kapanahunan, palibhasa ang mga yao’y nangatatatag magpakailankailan man.
Sa makatuwid ay hindi binago, ni pinawalang kabuluhan man nitong si Jesus ang kautusan, kundi yao’y kaniyang ipinagtanggol at pinagtibay sa puso’t isipan ng mga anak ni Israel sa panahong yaon.
Sa kabilang dako ay kailangan nga rin ng sinoman ang pananampalataya sa Dios. Itong si Jesus bilang sisidlang hirang ng Dios (holy grail) ay pananampalatayanan nga lamang na siya ay sumasa Dios at ang Dios ay sumasa kaniya, gaya ng nasusulat,
JUAN 14 :
10 HINDI KA BAGA NANANAMPALATAYA NA AKO’Y NASA AMA, AT ANG AMA AY NASA AKIN? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).
JUAN 12 :
44 At si Jesus ay sumigaw at nagsabi ANG SUMASAMPALATAYA SA AKIN, AY HINDI SA AKIN SUMASAMPALATAYA, KUNDI DOON SA NAGSUGO SA AKIN.
Alinsunod sa dalawang talata na katatapos lamang naming ilahad ay maliwanag na ang Espiitu ng Dios ay na kay Jesus, at si Jesus ay nasa Dios. Dahil dito kung siya ay inyong sasampalatayanan sa mga bagay na ginawa ng kaniyang mga kamay at sa mga salita na isinatinig ng kaniyang bibig ay hindi nga Siya ang sinampalatayanan ninyo, kundi ang Espiritu ng Dios na nasa kaniya. Palibhasa’y ang nabanggit na Espiritu ang gumagawa ng dakila niyang mga gawa sa pamamagitan lamang nitong katawang pisikal nitong si Jesus.
Ano pa’t ang sumasampalataya sa Kaniya (Jesus) ay matuwid ngang isabuhay ang mga sumusunod na gawain,
JUAN 14 :
12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, ANG SA AKIN AY SUMAMPALATAYA, AY GAGAWIN DIN NAMAN NIYA ANG MGA GAWANG AKING GINAGAWA; at LALONG DAKILANG MGA GAWA KAY SA RITO ANG GAGAWIN NIYA, sapagka’t ako’y paroroon sa Ama.
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
JUAN 14 :
31 Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito. (Roma 3:28)
Sa gayong kalakaran ay maliwanag na ang sinomang sumasampalataya kay Jesus ay may tungkuling tumalima sa kautusan ng Dios (sampung utos). Kung hindi ay matuturingan siyang isang sinungaling at palalo, nang dahil sa ang pagsasabuhay ng kautusan ang siyang larawan ng kabanalang ginawa ni Jesus sa kalupaan. Sukat upang ang sinoma’y mapatotohanan ang tinitindigan niyang pananampalataya kay Jesus at sa kaisaisang Dios na nasa langit.
Nguni’t sa kaniya na nagsasabing sumasampalataya kay Jesus at pinawawalang kabuluhan ang nabanggit na kautusan ay hindi dumadako sa katotohanan, bagkus ay naghihimagsik sa mga salita ng kabanalan (evangelio ng kaharian) na nangagsilabas mula sa kaniyang bibig. Ang tao ngang ito’y hindi sumasa Dios, kundi siya’y kaaway ni Jesus, at ng Dios. Anti-Cristo na totoo sa makatuwid ang pinakamalapit na salitang maaaring itawag sa gayong uri ng mga tao.
Sa pagtatapos ng usaping ito’y tumimo nawa sa matalino ninyong kaisipan ang mga salita (evangelio ng kaharian) ng bibig ni Jesus na aming inilahad sa inyo. Kung tunay nga kayong sumasampalataya kay Jesus ay matuwid na ganapin ninyo ang masiglang pagsasabuhay nitong mga kautusan (sampung utos) ng kaisaisang Dios. Sapagka’t sa tanggapin man ninyo o hindi ay katotohanan na yaon ang buong tungkulin nating lahat dito sa lupa. Katotohanan nga ring nagtutumibay sa mga sandaling ito, na ang pagtalima ng sinoman sa mga kautusan ay pagpapahayag ng masigla niyang pag-ibig sa Dios.
Sa pananaw ko ay natumbok mo ang dapat gawin ng mga tao sa mundo. 5 star ang rating mo sa akin Yohvshva.
TumugonBurahinAnong nga bang tawag sa pananampalatayang hiwalay sa kautusan eh di huwad .Bulag na taga akay ang doktrinang hatid nitong si Pablo..... oh ikaw saan ka nakapuwesto? nasiyasat mo na ba ang sektang kinabibilangan mo?
TumugonBurahin