Ang Rayos ng Liwanag (Katuruang Cristo) Bible Ministry ay isang misyon ng paghahanap ng katotohanan na itinatag upang ipahayag ang dalisay at orihinal na mga turo ni Cristo, batay lamang sa patotoo ng mga tunay na saksi at ng mga Kasulatang Hebreo. Tinatanggihan nito ang mga sumunod na pagbaluktot, at layuning ibalik ang mga kaluluwa sa liwanag ng kabanalan ng Dios sa pamamagitan ng pagsunod, pagsisisi, at Espiritu ng Dios na nanahan kay Jesus.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Dios. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Hunyo 7, 2023
Biyernes, Mayo 3, 2013
KAILANGANG PAG-ARALAN ANG BIBLIYA
Mahalagang Paalala:
Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang tunay na banal ng Dios
Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.
Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal
Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.
Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.
Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.
Kailan ma'y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindigan na doktrinang pangrelihiyon ng sinoman.
Gayon din namang nais naming liwanagin lamang na wala kaming anomang laban, ni paghihimagsik man sa mga panulat nitong si Saulo (Pablo) ng Tarsus. Bukod pa doon ay wala na kaming iba pang ninanais na mangyari pa.
Kung siya man ang tila sentro ng usapin sa artikulong ito ay tanda lamang iyon, na ang itinuturo niyang aral ay may hayagang pagsalungat at pagpapawalang kabuluhan sa katuwiran ng Dios na ipinangangaral ni Jesus at ng iba pang tunay na banal
Ang akdang ito ay napakaliwanag na hindi kailan man dumako sa mapanirang panghuhusga ng kapuwa, kundi sa layong tanglawan lamang sa isipan at pang-unawa ng lahat ang hindi kakaunting bagay ng Dios na malaon ng pinipilipit at niwawalang kabuluhan ng marami.
Dahil diyan ay lubha ngang mahalaga sa sinoman na masusing siyasatin at pag-aralan ang nilalaman ng bibliya.
Batid nyo ba na sa Biblia ay nasusulat ang pinaghalong salita ng Dios at sariling pakiwari ng tao? Sa paglalahok ng dalawang iyan ay lubhang marami ang nailigaw sa katotohanan. Sapagka't nauuwi sa wala ang salita ng Dios, nang dahil sa minamatuwid na hidwang paniniwala ng ilang nagsulat ng Bagong Tipan. Dahil sa anomalyang iyan ay dapat mag-aral ng Biblia (Tanakh), upang matutunan natin kung papaano mapapaghiwalay ang sariling palapalagay ng tao na nagpapawalang kabuluhan sa mga salita ng Dios.
Pangalawa'y dapat maliwanagan ng lahat, na sa bagong tipan ay masusumpungan ang mga daya ng kasinungalingan na idinagdag at ibinawas sa mga teksto ng Lumang Tipan.
Ang mga iyan ay napatunayang ginawang patibayang aral ni Pablo sa lahat niyang mga sulat. Gayon din ang walang pakundangang pagsasalarawan ng gayong karumaldumal sa sulat na pinamagatang, "SA MGA HEBREO."
Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit kailangan natin ang tumpak at batay sa katibayan biblikal na pag-aaral ng bibliya (precise and evidence-based bible study).
Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan.
Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya.
Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa.
Nang sa gayo'y makatiyak tayo na ang mga ginagamit nating patibayang aral ay walang halong mapanlinlang na kasinungalingan ng ilang karakter ng Bagong Tipan.
Kaugnay nito ay hindi katotohanan na ang lahat ng nagsulat sa Bibliya ay inspirado ng Espiritu Santo, kundi ang ilan sa kanila'y inspirado ng diyablo. Sapagka't taglay ng kanilang salita ang kasuklamsuklam na kasinungalingan na lumalayon sa karumaldumal na pandaraya.
Akala tuloy ng marami ay katotohanan ang mga katunayang biblikal na kanilang ipinakikipaglaban - yun pala'y pinaglubidlubid lamang na kasinungalingan, na ang layunin ay pilipitin ang katotohanan at kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng kanilang kapuwa.
Linggo, Pebrero 17, 2013
MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIOS
Mula sa lubhang malayong kapanahunan hanggang sa kasalukuyang henerasyon na ating kinabibilangan, ay laganap ang mga tao na
nagsasabing sila’y kasama sa munting kalipunan ng mga tunay na lingkod ng Dios. Gayon ma’y malabis ang pag-aangkin
ng bawa’t isa sa banal na kalagayang iyon. Dahil diyan ay hindi nila maiwasang maging gaya ng mga mababangis na hayop sa ilang, na sa araw at gabi ay nagsasakmalan sa isa’t
isa. Yan ay tanda na tila hindi nila nauunawaan ang totoong kahulugan ng kalagayang malabis nilang inaangkin, pinag-aagawan, at pinag-aawayan sa lahat ng
oras.
Ano nga ba ang malinaw na kahulugan ng
mga salitang, “Lingkod ng Dios?”
Ang ibig sabihin ng katagang, “Lingkod” ay utusan, o maninilbihan,
at sa higit na malinaw na pananaw ay “tagasunod.”
Kung lalapatan ng husto at angkop na paliwanag ay isang indibiduwal o kalipunan iyan na nakatalagang
tumanggap at tumupad ng utos. Yan lamang ang kaisaisang layunin at tungkulin
ng isang "lingkod."
Sa mundong ito ay isang nilalang, tao
man o hayop na tagapaglingkod sa kaniyang panginoon ang tinutumbok na kahulugan
niyan. Kung umiiral ang tagapaglingkod ay maliwanag din namang
kaagapay niya ang kaniyang amo o panginoon na isang taga-utos. Sa mundo kung
gayon ay dalawa ang kategoriya ng tao – ang una ay ang nag-uutos, at ang
pangalawa ay ang inuutusan. Dahil nga diyan ay masiglang umiinog ang mundo ng
bawa’t tao sa kalupaang ito, at sapat upang maunawaan ng bawa’t isa ang
ginagampanang layunin sa kani-kaniyang itinataguyod na buhay.
Huwebes, Enero 10, 2013
ANG NAGLILINIS NG KASALANAN
Si Juan ay
nangaral ng mga katuwiran ng Dios sa
ilang. Ang marami sa nangakarinig ng salita
ay napagkilala ang mga nagawa nilang paghihimagsik sa kalooban ng kaisaisang Dios. Sapat upang sila’y taos
pusong magsipagsisi ng kanilang mga kasalanan. Dahil dito ay iginawad ni Juan sa kanila ang simbulo ng pagsisising
iyon, na dili iba kundi ang saglit na paglulubog ng kanilang buong katawan at
ulo sa tubig ng ilog Jordan.
Tubig ang elemento na naglilinis sa dungis ng mga nilalang
sa mumunting bahaging ito ng demensiyong materiya. Ano pa’t ang masigla at may
galak sa pusong pagtalima sa natatanging kalooban
ng Dios (kautusan) ang siyang naglilinis ng mga kasalanan. Ang tubig
pagdating sa kasalanan ay isang simbulo lamang at katotohanan na hindi ito ang
lumilinis sa dungis ninoman, kundi ang pakikipag-isa sa mga salita (kautusan) ng kaisaisa nating Ama na nasa langit.
Tinawag ni Juan
na bautismo sa pagsisisi ng kasalanan
ang gawaing nabanggit sa kapanahunan niyang iyon. Bagaman ang buong katawan at
ulo ang inilubog sa tubig ay hindi nito nilinis ang kasalanan, bagkus ay ang
labas ng katawan lamang. Gayon man, ito’y nagpakita ng isang napakatibay na
tanda, na ang kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi ay nahugasan at nalinis ng
mga salita ng Dios na tumimo sa puso
at tumatak sa kaisipan ninoman. Bakit? Sapagka’t pinatatawad ng ating Ama ang sinoman na taos sa puso ang
pagsisisi sa kaniyang kasalanan.
Mga etiketa:
Aral ng Cristo,
Juan Bautista,
Katuruang Cristo,
Kautusan,
Masyanismo,
paglilinis ng kasalanan,
Salita ng Dios
Miyerkules, Hulyo 25, 2012
JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 1 of 2)

S
|
a tinagaltagal ng panahon ay patuloy pa
rin ang tila yata wala ng katapusang pagtatalo, kung ito nga bang si Jesus ng Nazaret ay lumalapat sa
kalagayang Dios, o isang di
pangkaraniwang tao na nahahanay sa kalipunan ng mga tunay na banal (propeta). Halos lahat ng relihiyon sa mundo ay hindi
kinilala ang panganay ni Maria bilang Dios,
kundi sa kalagayan ng isang tao lamang. Datapuwa’t tanging ang Greco-Roman na Cristianismo ni Pablo (Paulinian Christianity) ang nagsasabi na itong si Jesus ay Dios. Gayon ma’y hati pa rin ang
pinaninindiganan na paniniwala ng marami sa nabanggit na doktrinang pangrelihiyon.
Hindi kakaunti ang nananalig partikular
ang mga kasapi ng simabahang Katoliko sa kaniyang
pagka Dios, palibhasa'y tinatangkilik ng relihiyong ito ang Cristianismo ni Pablo. Marami din naman ang
bumabatay sa mga katunayang biblikal gaya nitong relihiyon na kung tawagin ay Iglesia ni Cristo (INC) at marami pang iba, na siya ay
tao lamang at umano’y kaisaisang pinili ng Dios
na tagapagligtas nitong sala ng sanglibutan.
Mula sa masusi at malalim na
pagsisiyasat ng mga iskolar ng biblia
(dalubhasa), gayon din naman sa lubhang malawak na pananaliksik ng marami hinggil
sa usaping ito ay wala silang natuklasan, o napatunayan man na anomang kadahilanan, upang itong si
Jesus na siyang panganay ni Maria ay kilalanin bilang isang totoong Dios. Kung paano ngang sila’y dumating
sa gayong tila bias na konklusyon ay siya naming sa inyo ngayon ay lalapatan ng
kaukulang tanglaw.
JESUCRISTO, DIOS BA, O TAO? (Part 2 of 2)
Si Jesus ay tinawag na Cristo
A
|
ng literal na kahulugan ng salitang Hebreo na, “MASHIYACH” (Messiah) ay “pinahiran ng
langis” (anointed), at ito’y tumutukoy sa seremonyang Hebreo ng pagpapabanal
sa sinoman at mga bagay sa pamamagitan ng pagpapahid
ng langis sa mga ito. Ginamit ang rituwal na nabanggit sa kabuoan ng bibliang Hebreo bilang pagkilala sa
ilang tao at bagay. Gaya halimbawa ng sa Judiong
Hari (1kings 1:39), sa mga paring Judio
(Lev 4:3), sa mga propeta (Isa 61:1),
ang sa templo ng mga Judio at mga
kagamitan nito (Ex40:9-11), sa tinapay
na walang lebadura (Num 6:15), at kay Cyrus
na hari ng Persia (Isa 45:1).
Ang lahat ng ito ay ganap na tumutukoy
sa katawagang messias o pinahiran ng langis (anointed), na itinatalaga lamang ng mga Hebreo sa mga piling kalagayan ng tao at
bagay. Sa ibang dako, Cristo ang
popular na kahulugan nito sa wikang
Griego, at ito’y limang daan at
pitongput isang (571) ulit na binanggit sa limang daan at tatlongput dalawang (532) talata ng bagong tipan (NT).
Kaya maliwanag at hindi mahirap maunawaan, na kapag tinawag na Cristo, o Messias ay mariing tumutukoy lamang sa tao, o bagay, datapuwa’t
hindi kailan man maaaring ipagkamali sa kalagayan ng Dios. Tulad nitong si Cyrus
na hari ng Persia na isang messias, o cristo, na tinawag na Cyrucristo.
Gayon din naman itong si Jesus na isa
ring messias, ay tinawag na Jesucristo.
Biyernes, Abril 13, 2012
BAGONG ANYO NG PAGSAMBA KAY JESUS
![]() |
Sister Faustina |
Sa anunsiyo ng Vatican, si Sister Mary Faustina daw ay apostol nitong Sagradong Awa (Divine Mercy), na sa
kasalukuyan ay nabibilang sa kalipunan ng tanyag at kilalang santo ng simbahang
Katoliko. Sa pamamagitan niya ay naihahayag ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang kaawaan ng Dios (God’s mercy), at gayon ding ipakita ang padron
nitong kaganapan ng Cristiano (Christian
perfection) batay sa masiglang pagtitiwala sa Dios, at sa pagpapadama ng biyaya sa kapuwa.
Diin ng Vatican, ang Panginoong
Jesus ay hinirang si Sister Mary
Faustina bilang apostol at kalihim ng kaniyang biyaya, nang sa
gayo’y mailahad niya sa sangkatauhan ang tungkol sa dakila Niyang mensahe.
Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.
Ang wika umano ng Panginoong Jesus sa kaniya, gaya ng mababasa sa ibaba.
“In
the old covenant I sent prophets wielding thunderbolts to My people. Today I am
sending you with My mercy to the people of the whole world. I do not want to
punish aching mankind, but I desire to heal it, pressing it to My Merciful
Heart….(Diary 1588)
Mga etiketa:
Anti Chirst,
Aral ni Jesus,
Idolatriya,
Idolatry,
Katotohanan,
Katuwiran ng Dios,
Masyak,
Masyanismo,
Masyano,
Religion,
Salita ng Dios
Sabado, Disyembre 24, 2011
ORASYON (spell, incantation)
Hindi namin layunin na dungisan ang karangalan, ni
ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad
lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay
wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang iba ay magalit sa amin,
at kami’y paratangan ng paninirang puri, o panghuhusga, ni pag-atake man sa aming kapuwa. Inaasahan namin ang lawak ng inyong unawa sa mga may kalabuang usapin na ngayo'y lalapatan namin ng kaukulang tanglaw.
Ang salitang “Orasyon”
ay hanay ng mga salita na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang mahika.
Ito umano’y isang uri ng kapangyarihan na nilikha gamit ang mga salita sa wikang Latin, Sanskrit, Hebrew, Aramaic,
at iba pang semitic na lengguwahe sa gitnang
silangan (middle east), at mula sa iba’t ibang wika ng kalakhang
Europa, America, at Asia.
Ang Orasyon (incantation) ay karaniwang
inere-recite na padasal o paawit bilang pangtawag ng pansin, o pagbibigay puri
sa pinaniniwalaang dios ng mga pagano. Sa ocultismo (magic, witchcraft/Sorcery) ay
ginagamit ito sa layuning ituon (ipukol) sa isang bagay o sa tao. Karaniwan ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng proteksiyon at magandang kapalaran (suwerte)
sa sinomang may taglay nito, at sinasabing nakakakontrol at nakapangyayari ang kakaibang lakas nito sa kalikasan, sa tao, at sa mga hayop.
Mga etiketa:
Katuwiran ng Dios,
Kautusan,
Masyanismo,
New Testament,
Occult,
Orasyon,
Salita ng Dios
Martes, Disyembre 13, 2011
OCCULT
![]() |
OCCULT SHRINE |
Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain
ang reputasyon, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito
ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa
amin, at kami’y paratangan ng paninira, o panghuhusga sa aming kapuwa.
Alingawngaw lamang
kami ng mga katotohanan na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga
yao’y hindi namin sariling likha, kundi katotohanang nananatili sa simula pa
lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating
pang kapanahunan.
Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.
Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maintindihan ang kalooban ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito.
![]() |
Amulet |
Ang salitang “OCCULT” ay may ganap na kaugnayan
sa lihim na karunungan at ito’y mga
gawa na tumutukoy sa supernatural o psychic phenomena, na kadalasa’y
pinagsisikapang matutunan ng ilan sa layuning magkamit ng pangsariling
kapangyarihan. Karamihan sa ganitong uri ng kaugalian ay mula sa pagtataguyod
ng mga demonio, o masasamang espiritu. Kung bakit namin
nawika ang gayon ay siya namin ngayong ipaglilingkod sa inyo, at ito’y sa
pamamagitan ng masiglang saliw nitong mga katiwatiwalang katunayang biblikal.
Mga etiketa:
Agimat,
Anting-anting,
Astrology,
Charm,
Divination,
Katuwiran ng Dios,
Kautusan,
Masyanismo,
New Testament,
Occult,
Ocultismo,
Orasyon,
Salita ng Dios
Martes, Nobyembre 22, 2011
PADRON NG KATOTOHANAN (2 of 2)
Hinggil
sa pangatlong (3) padron na ito’y
mapapag-unawa ng sinoman, na ang Espiritu
ng Dios ang siyang gumawa at nagsasalita, kapag siya’y namamahay at
naghahari sa kabuoan ng isang totoong banal. Sukat upang mapag-alaman ng lubos,
na ang mga sumusunod na salita ay hindi mula sa sariling pagmamatuwid ni Jesus, kundi ang lahat ng yao’y mga
salita nitong Espiritu ng Dios na
isinatinig lamang ng kaniyang bibig. Na sinasabi,
Mga etiketa:
Biblia,
Katotohanan,
Salita ng Dios
PADRON NG KATOTOHANAN (1 of 2)
Sa
kayarian ng anomang bagay ay hindi maaaring mawalan ng pinagmulang disenyo, at
kung paano ito nabuo ay masiglang sumailalim sa proseso ng bahabahagdan at
sunod-sunod na pamamaraan. Kaya naman ang mga yaon sa anomang uri ng kabuoan ay
maaaring gayahin alinsunod sa maingat at banayad na pagsasalansan ng mga
kagamitan at pagsasakatuparan ng mga pamamaraan na may kinalaman dito. Sa gayong
kasiglang proseso ay nalilikha ang replica ng iba’t ibang bagay.
Ang
tanawing ito ay tinatawag na padron (pattern), na kung saa’y makikita ang lahat
ng detalye, kagamitan, at pamamaraan kung paano gagawin ang partikular na
bagay. Batay sa iba’t ibang hugis ng katawan ay iginuguhit ng sastre (mananahi) sa isang papel ang
disenyo ng anomang kasuotan. Sa pamamagitan nito’y maaaring ulit-ulitin ang
paggawa niyaon na hindi magbabago ang sukat at kayarian. Kahit na sinong Sastre
sa kapuluan ang gumamit ng nabanggit na padron ay hindi magbabago at mananatili ang disenyo ng kasuotan. Kung papaanong paulit-ulit na nakagagawa ng
maraming bagay sa kani-kaniyang magkakatulad na sukat at debuho ay nang dahil
sa eksistensiya ng padron.
Mga etiketa:
Biblia,
Katotohanan,
Salita ng Dios
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)