Martes, Nobyembre 22, 2011

PADRON NG KATOTOHANAN (1 of 2)


Sa kayarian ng anomang bagay ay hindi maaaring mawalan ng pinagmulang disenyo, at kung paano ito nabuo ay masiglang sumailalim sa proseso ng bahabahagdan at sunod-sunod na pamamaraan. Kaya naman ang mga yaon sa anomang uri ng kabuoan ay maaaring gayahin alinsunod sa maingat at banayad na pagsasalansan ng mga kagamitan at pagsasakatuparan ng mga pamamaraan na may kinalaman dito. Sa gayong kasiglang proseso ay nalilikha ang replica ng iba’t ibang bagay.

Ang tanawing ito ay tinatawag na padron (pattern), na kung saa’y makikita ang lahat ng detalye, kagamitan, at pamamaraan kung paano gagawin ang partikular na bagay. Batay sa iba’t ibang hugis ng katawan ay iginuguhit ng sastre (mananahi) sa isang papel ang disenyo ng anomang kasuotan. Sa pamamagitan nito’y maaaring ulit-ulitin ang paggawa niyaon na hindi magbabago ang sukat at kayarian. Kahit na sinong Sastre sa kapuluan ang gumamit ng nabanggit na padron ay hindi magbabago at mananatili ang disenyo ng kasuotan. Kung papaanong paulit-ulit na nakagagawa ng maraming bagay sa kani-kaniyang magkakatulad na sukat at debuho ay nang dahil sa eksistensiya ng padron.
Sa larangan ng tunay na kabanalan ay gayon din naman na kailangang ang lahat ay gumamit ng padron, nang sa gayo’y magkaroon ng eksaktong kaganapan ang anomang gawa sa mga nauna. Ano pa’t maging sa tinatawag na katotohanan ay mangangailangan din ang lahat nito, nang sa gayo’y hindi magkaiba-iba ang kahihinatnan ng pagpupunyagi ng sinomang sa nabanggit na larangan.

Sa pagpapatuloy ay ating simulan ang paglalahad ng ilang payak na bagay na may tuwirang kinalaman sa usapin ng katotohanan.

Tungkol sa eksaktong bilang ng Dios ay maliwanag na makikita sa ating padron ang katotohanan hinggil sa bagay na ito, na sinasabi,

ISA 44 :
.... AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Deut 32
12 Ang Panginoon na magisa ang pumapatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.

Ano pa nga ba ang ipangangatuwiran natin, kung gayong mula na mismo sa bibig ng Dios nagmula, na bukod sa kaisahan niya ay wala ng iba pa. Sa makatuwid ay kaisaisa nga lamang Siya at walang iba pa na umiiral maliban sa Kaniya. Katotohanan na ang Dios ay IISA lamang, sa gayo’y ito ang matuwid at higit sa lahat ay katuwiran na nararapat tindigan ng lahat.

Dumako naman tayo sa salita ng Dios, at hinggil dito ay binabago ba Niya ang Kaniyang mga salita na ipinakipagtipan sa mga kinilala Niya na totoong banal sa kalupaan? Gaya ng maliwanag na nasusulat ay mariing winika ang mga sumusunod,

BILANG 23 :
19  Ang dios ay hindi tao na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?

ISA 40 :
Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta: nguni’t ANG SALITA NG ATING DIOS AY MAMAMALAGI MAGPAKAILAN MAN.

Sant 1 :
17  Ang bawa’t mabuting kaloob at  ang bawa’t sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas,  na bumababa mula  sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.

MAL 3 :
Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob (Israel), ay hindi nangauubos.

AWIT 89:
34  ANG TIPAN KO’Y HINDI KO SISIRAIN. NI AKIN MANG BABAGUHIN ANG BAGAY NA LUMABAS SA AKING MGA LABI.

AWIT 105 :
7  Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa boong lupa.

Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali’t saling lahi.

KAW 8 :
Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa KATUWIRAN; Walang bagay na liko o suwail sa kanila.

Pawang MALINAW sa kaniya na nakakaunawa, At MATUWID sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.

AWIT 111:
7    Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay KATOTOHANAN  at KAHATULAN. Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.

8    NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN  at KATUWIRAN.

Sa madaling salita ay hindi kailan man nabago ang mga kataga na iniluwal ng sariling bibig ng Ama (kaisaisang Dios) nating nasa langit. Gaya ng mga kautusan (10 utos), mga palatuntunan, at mga kahatulan ay hindi kailan man nabago, ni hinalinhan man Niya ng higit na magaling. Palibhasa’y katotohanan na ang mga yao’y nangatatatag magpakailan-kailan man, na gaya ng kaisaisang Dios ay maliwanag na umiiral na magpasa walang hanggan.

Katotohanan din naman na panghahawakang mahigpit ng sinoman ang padrong ito. Na, “HINDI NABABAGO ANG ANOMANG SINALITA NG AMA (KAISAISANG DIOS) NATING NASA LANGIT.” Ang kautusan (10 utos), palatuntunan, kahatulan ay iniutos ng Dios na sundin ng lahat noon pa mang una sa lubhang malayong nakaraan. Gayon nga ring patuloy na pinaiiral sa kasalukuyan, at sa lahat ng darating pang mga kapanahunan.

Narito, at ang nangungunang dalawang (2) magkasunod na padron ay nagbabadya sa sinoman ng matibay at matatag na paninindigan sa totoong likas na kalagayan ng Dios. Sinoman nga sa simula ng pagpalaot sa larangan ng tunay na kabanalan ay nararapat mapag-unawa at tindigang matibay ang kaisahan Niya sa kalagayan at kaisahan ng Kaniyang salita.

Bigyan naman natin ng kaukulang pansin ang tungkol sa umano’y paglangkap nitong Espiritu ng Dios sa mga kinikilala Niyang mga banal na nagsibangon sa iba’t ibang kapanahunan. Kaugnay nito ay narito ang ilang katiwatiwalang katunayang biblikal na nalalahad ng awtentisidad sa bagay na ito.

EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

2 SAM 23 :
2 Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.

Eze 2 :
2 At ang Espiritu ay suma akin nang siya’y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.


DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang PROPETA sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)

EXO 4 :
12  Ngayon nga’y yumaon ka, at AKO’Y SASAIYONG BIBIG, AT ITUTURO KO SA IYO KUNG ANO ANG IYONG SASALITAIN.

JER 1 :
Nang magkagayo’y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, INILALAGAY KO ANG AKING MGA SALITA SA IYONG BIBIG.


Nalalaman natin na kinakaawaan ng Ama nating nasa langit ang sinomang may galak sa puso na gumaganap ng kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Kaugnay nito, sa itaas ay binibigyang diin, na inilalagay ng Dios ang kaniyang Espiritu sa kanila, at Siya’y nagsasalita sa pamamagitan ng kanilang bibig, at ang Kaniyang salita ay sumasa kanilang dila. Na kung lilinawin ay maliwanag na isinasatinig ng mga banal ang salita nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kani-kanilang kalooban.

Ang gayong banal na kalakaran sa natatanging kapanahunan nitong si Jesus ay mariin niyang pinatotohanan, at ang tungkol dito ay kaniyang sinalita.

JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin. 

31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.

JUAN 8 :
28  Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako  ang Cristo, at WALA AKONG GINAGAWA SA AKING SARILI; KUNDI SINASALITA KO ANG MGA BAGAY NA ITO, AYON SA ITINURO SA AKIN NG AMA.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. (Juan 10:30).

JUAN 8 :
26  Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya’y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglubitan. (Juan 15:15, 17:8))

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Juan 15:15, 17:8)

JUAN 7 :
16  Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. (Juan 15:15)   May kasunod (2 of 2)


SUNDAN SA PART 2 OF 2 (Click here)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento