Sabado, Agosto 16, 2014

SIYA ANG INYONG PAKINGGAN (sa Kautusan)

Matapos ngang bautismuhan ng kagalanggalang na San Juan Bautista ang panginoong Jesucristo ay nabuksan sa kaniya ang langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na tulad sa wangis ng isang kalapati na dumapo sa ating panginoon at nagsabi.

Gaya ng nasusulat,

MAT 3 :
17  At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG LUBOS NA KINALULUGDAN.

Ang tinig ng kaisaisang Dios ay tahasang nagwika kay Juan, na nagsasabing  ang panginoong nating si Jesus ay siya Niyang sinisintang Anak na lubos Niyang kinalulugdan. Ibig sabihin nito ay kinikilala Niya siya na isang tunay na Anak, palibhasa’y kinakitaan Niya siya ng masigla at may galak sa puso na pagtalima sa natatangi niyang kalooban. Bagay na nag-udyok sa Ama na pag-ukulan Niya ng wagas na pagsinta, o dakilang pag-ibig ang panginoong Jesucristo.

Sa ibang dako ay dinalang bukod ng panginoong Jesus ang mga alagad na sila Pedro, Santiago, at Juan sa isang mataas na bundok. Doon nga’y may isang maningning na alapaap na lumilim sa kanila: at may tinig na nagwika mula sa kaluwalhatian ng langit, na nagsasabi,

Biyernes, Agosto 1, 2014

HALLELUYAH

Ang  יְהֹ (YAH) sa pangkalahatang unawa ay ang pinahikling anyo ng YHVH. Ang salitang nabanggit ay karaniwang binibigyang diin. Iyan ay makikita sa binuong salitang “hallelu-YAH, na may kahulugang “Purihin ninyo si YAH (Praise ye YAH),”  May 49 na ulit mababasa ang יְהֹ (YAH)  sa 45 talata ng KJV. Karagdagan pa diyan ay 4 na ulit namang natala ang salitang “Halleluyah” sa Apocalipsis ni Juan. Patunay na ang tinatawag na una at huling Dios sa buong sulat niyang iyon ay walang iba, kundi si יְהֹוָה (YHVH [YEHOVAH]) Siya din naman sa palayaw na יְהֹ (YAH) ang una at huling kaisaisang Dios na pinaglingkuran, itinaguyod, ipinagtanggol, at sinamba ni Moses, ni Isaias, at ni David.

Narito, at sa Apocalipsis ni Juan ay makikita ng napakaliwanag, kung paano binabanggit ang salitang “Halleluyah” sa mga talata na mababasa sa ibaba, na sinasabi,