Sa natatanging
kapanahunan ni Jesus bilang isang saro ng kabanalan (sisidlang hirang
ng Espiritu ng Dios) ay isinatinig niya ang salita nitong Espiritu ng Dios
na namamahay at naghahari sa kaniyang kabuoan.
Na sinabi,
Na sinabi,
Mateo 24 :
5 Sapagka’t marami ang magsisiparito sa aking
pangalan, na mangagsasabi, ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
Mateo 7 :
21 Hindi ang bawa’t nagsasabi sa
akin.
Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit:
kundi ang gumaganap ng
kalooban (kautusan) ng aking Ama na nasa langit.
22 Marami ang mangagsasabi sa akin
sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan
mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan
mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan?
23 At kung magkagayo’y ipahahayag ko
sa kanila, Kailan
ma’y hindi ko kayo nakikilala: magsilayo kayo sa akin,
kayong manggagawa ng katampalasanan.
Napakaliwanag
na ang Espiritu ng Dios na nasa kalooban ni Jesus ay binigyang
diin na tanging mga tao lamang na gumagawa ng kalooban (kautusan) ng Ama
ang siya lamang papasok sa kaharian ng langit (Mat 23:23).
Ito’y isang napakatibay na katunayan, na nagsasabing ang pagtalima lamang sa mga mayor at minor na kautusan ang tanging makapagliligtas ng kaluluwa, at makapagbibigay ng karapatan sa sinoman na makapasok sa kaharian ng langit (Juan 12:50).
Ito’y isang napakatibay na katunayan, na nagsasabing ang pagtalima lamang sa mga mayor at minor na kautusan ang tanging makapagliligtas ng kaluluwa, at makapagbibigay ng karapatan sa sinoman na makapasok sa kaharian ng langit (Juan 12:50).