Ang “ANTI,” at "VICAR" ay mga katagang Griego na ang pangunahing kahulugan ay “sa halip na” (instead of), o, “kahalili
ng” (in place of). Kadalasan, ang ANTI ay ikinakabit sa titulo (Anticristo) nitong si Jesus. Karaniwan tawag sa sinoman na kinakikitaan ng mga huwad na katuruang pangkabanalan, VICAR naman ang gamit na salita ng mga tao na nagsasabing sila'y kahalili ni Jesus (vicar of Christ) dito sa lupa. Gayon ma'y maaari din naman silang lumapat sa ilang sumusunod na pagkakakilanlan.
1. Maaaring siya yaong nagtataglay ng pangalang “Anticristo.” (666)
2. Maaaring siya yaong tao na inaari ang pagiging Cristo (false Christ).
3. Maaaring huwad na Cristo, na itinatanyag ng marami, bilang kapalit, o kahalili ng tunay na Jesus (vicar of Christ).
4. Maaaring siya yaong nagsasabing angkin niya ang kapangyarihan (awtoridad) na mangaral at isagawa ang gawain ng tunay na Cristo.
5. Maaaring siya yaong pinasisinungalingan at pinipilipit ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus.
6. Maaari ding tumukoy sa isang relihiyon na may pilipit na anyo ng katuruang pangkabanalan. Gumagamit ng Biblia at pangalan ni Jesus sa layuning ipakilala ang mga aral na laban sa mga salita (evangelio ng kaharian) na mismo ay nangagsilabas mula sa sariling bibig ni Jesus.