Hindi namin layunin na dungisan ang karangalan, ni
ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad
lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng katotohanan (biblical facts). Dahil dito ay
wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang iba ay magalit sa amin,
at kami’y paratangan ng paninirang puri, o panghuhusga, ni pag-atake man sa aming kapuwa. Inaasahan namin ang lawak ng inyong unawa sa mga may kalabuang usapin na ngayo'y lalapatan namin ng kaukulang tanglaw.
Ang salitang “Orasyon”
ay hanay ng mga salita na pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihang mahika.
Ito umano’y isang uri ng kapangyarihan na nilikha gamit ang mga salita sa wikang Latin, Sanskrit, Hebrew, Aramaic,
at iba pang semitic na lengguwahe sa gitnang
silangan (middle east), at mula sa iba’t ibang wika ng kalakhang
Europa, America, at Asia.
Ang Orasyon (incantation) ay karaniwang
inere-recite na padasal o paawit bilang pangtawag ng pansin, o pagbibigay puri
sa pinaniniwalaang dios ng mga pagano. Sa ocultismo (magic, witchcraft/Sorcery) ay
ginagamit ito sa layuning ituon (ipukol) sa isang bagay o sa tao. Karaniwan ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng proteksiyon at magandang kapalaran (suwerte)
sa sinomang may taglay nito, at sinasabing nakakakontrol at nakapangyayari ang kakaibang lakas nito sa kalikasan, sa tao, at sa mga hayop.
Sa Italya na bansang sinilangan nitong Emperiong Roma ay gamit ang salitang Latin bilang pambansang wika ng mga katutubo (mamamayan) doon. Mula sa kanilang wika, noong una pa ay nilikha ng mga relihiyoso at ng mga espiritistang Romano ang iba’t ibang orasyon patungkol sa kinikilala nilang napakaraming dios, gaya ni Sol Invictus (sun god), Jupiter, Mars, Quirinus at lubhang marami pang iba. Na kalaunan ay pinaniwalaang mga makapangyarihang salita na umano’y magagamit na pananggalang at tagapaghatid ng mabuting kapalaran sa sinomang nag-iingat ng mga iyon. Dahilan kung bakit ginamit na mga kasangkapan sa pagsasagawa ng rituwal nitong ocultismo (mahika, panggagaway etc).
Rome |
Gayon din naman sa India na may wikang Sanskrit, sa Israel na ang gamit na lengguwahe ay Hebreo at iba pang diyalekto, at mga wika sa iba pang panig ng kalakhang Europa, America, at Asia. Mula sa kani-kanilang wika ay inaawit at idinadasal ang mga likhang orasyon at gaya ng isang panalangin ay nagiging taimtim sa kalooban ng gumagawa ng gayon. Palibhasa’y lubos ang pagka-unawa sa bawa’t salita ng dasal ay may mababanaag na tila kasagraduhan sa gawaing nabanggit.
Anoman sa makatuwid na uri ng pagpupuri sa Dios ay natutunang iugnay ng mga tao sa pangsariling pananggalang, kapangyarihan, at mabuting kapalaran. Halimbawa ay ang sumusunod na orasyon sa ating wika,
“OH AMA NG LAHAT NG
KALULUWA, GANAP NA MAKAPANGYARIHAN, MAY LALANG NG LANGIT AT LUPA, TAGAPAGLIGTAS
AT MANUNUBOS NG LAHAT.”
Ito’y isang pagpupuri sa kaisaisang Dios na nasa langit. Na ng lumaon ay iniuugnay ng tao
sa pangsariling kaligtasan, at dahil dito ay ginawang orasyon ng kaligtasan sa
paglalakbay. Ang masama nito’y ginamit ding orasyon ng mga magnanakaw at mga tulisan, upang maligtasan ang masugid na pagtugis ng mga may kapangyarihan.
Ang halimbawa sa
itaas ay orasyon na likha ng tao, at
hindi dasal (Mat 6:9-13) na ibinaba
ng Dios upang maging isang mabisang panalangin. Kaya sa kalipunan ng mga minor na kautusan ng Ama nating nasa langit ay may kahigpitan niyang sinalita at iniutos mula sa bibig ng mga totoong banal ang mga sumusunod.
DEUT 18 :
9
When you come into the land which the LORD your God is giving you, you
shall not learn to follow the abominations of those nations.
10 "There shall not be found among
you [anyone] who MAKES HIS SON OR HIS DAUGHTER PASS THROUGH THE FIRE, [or one]
who practices WITCHCRAFT, [or] a SOOTHSAYER, or one who interprets OMENS, or a
SORCERER,
Book of the Occult |
12 "For all who do these things [are]
an ABOMINATION to the LORD, and because of these abominations the LORD your God
drives them out from before you.
Bawa't isa sa mga nabanggit na personalidad, o karakter na tinutukoy sa Deut 18:9-12 ay iba’t ibang orasyon (enkantasyon) ang ginagamit na
patibayang lakas. Dahil dito ay itinuring sila
(anak ng pagsuway) ng Dios na mga
kasuklamsuklam at itinaboy palayo sa dako, na kung saan ay pinagkakatipunan ng mga anak ng pagsunod (tupa).
Sukat, upang ang
gayong gawain ay samantalahin ng mga higit pang tampalasan sa paningin ng Ama. Sapagka’t sila’y
nagsigawa ng mga aklat ng mali-maling
orasyon, at yao'y ibinilang sa mga pinagkakakitaan nilang paninda. Ang
lahat ng iyon sa makatuwid ay mabibili sa kaukulang halaga. Ang matuwid na nalalaman namin ay ipamamahagi na walang bayad ang anomang bagay pangkabanalan, at hindi nararapat ipagbili, ni palimusan man, gaya ng karaniwang kalakal (Mat 10:7-10).
Ang mga gayong bagay
ay nakarating sa ibayong dagat at napasa-kamay ng mga banyagang tao. Ang
problema nito ay hindi sila marunong magsalita ng Latin,
Hebreo, Sanskrit, at iba pa. Kaya wala silang anomang nalaman sa mga kahulugan ng mga salita ng aklat. Ang sumunod nito ay pawang haka-haka na
lamang ang ginawang kaayunan at kabawalan ng mga salita. Palibhasa nga'y ginawang malaking pagkakakitan ng mga masasamang tao ang pagbebenta ng mga bagay na may ganap na kinalaman dito.
Tila nga nasisiraan
ng bait ang mga tao sa pag-usal ng mga orasyon na hindi kailan man nila
naunawaan ang kahulugan ng bawa't salita. Kaya sila’y kay daling nadaya ng masasamang espiritu, at
sa huli ay kinasangkapan sa karumaldumal na adhikain ng kasamaan.
Sapagka’t nahumaling ang marami sa mga gawaing may hayagang paghihimagsik sa
kalooban ng Ama nating nasa langit.
Gaya ng mababasa sa
ibaba,
1. Nangatuto
sila na sumamba at maglingkod sa larawan ng lalake at babae bilang mga dios.
2. Nangatuto
sila na maging manghuhula, espiritista, at luklukan ng masasamang espiritu.
3. Nangatuto
sila na maging manggagaway (mangkukulam).
4. Nangatuto
sila na maging astrologio, at umugnay sa mga patay.
5. Nangatuto
sila na sampalatayanan ang hindi kakaunting orasyon (incantations).
6. Nangatuto
sila na sampalatayanan ang anting-anting (talisman) at iba pang katulad nito.
7. Nangatuto
sila na sumambit ng paulit-ulit na dasal at orasyon.
Dulo nito’y naging
isang napakalaking banta sa kaluluwa ng mga tao ang gayong kalakaran, sapagka’t ang umano’y
nagbibigay sigla at buhay sa pitong (7) nabanggit na karumaldumal sa itaas ay mga banyagang orasyon, na habang paulit-ulit
na sinasambit ay patuloy na niwawalang kabuluhan ang mga salita ng Dios na iniluwal ng sariling bibig ni Jesus, na sinasabi,
7 At SA
PANANALANGIN NINYO AY HUWAG NINYONG GAMITIN ANG WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT,
na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang
maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila:
sapagka’t TALASTAS NG INYONG AMA ANG MGA
BAGAY NA INYONG KINAKAILANGAN, BAGO NINYO HINGIN SA KANIYA.
Hindi nga lamang sa rosario (rosary) ng paganong Romano ipinatutungkol ang
nilalaman ng sitas (Mat 6:7-8) sa
itaas, kundi sa mga orasyon din naman
na inuusal ng paulit-ulit. Ano pa’t kung ang lahat ng ito ay totoong sumasa Dios ay hindi na kailangan pang sambitin
ng gayong kadalas, at ang minsan ay sapat na nga. Dahil sa ang ating kailangan ay
iniisip pa nga lang natin at hindi pa sinasalita ng ating bibig ay talos na ng Ama nating nasa langit. Kaya tila mga
nahihibang sa kanilang sarili ang mga taong bumibigkas ng paulit-ulit na dasal
at orasyon.
Kaugnay nito ay maliwanag pa sa
sikat ng araw na lalong higit na marami ang masasama kay sa mabubuti, at dahil
doo’y lalong higit ding marami ang gawang masama kay sa gawang mabuti. Ang orasyon (spell) o pag-usal ng orasyon (conjuration of spells)
ay katotohanang likha ng masama at yao’y tahasan naming sinasabi sa inyo,
palibhasa’y kabilang sa mga gawang mahigpit na ipinagbabawal ng Dios sa Deut18:9-12. Kailan man nga'y hindi naging katanggap-tanggap sa mga karumaldumal na Gentil ang "AMA NAMIN," na kaisaisang panalangin na itinuro ng tinig ni Jesus upang dasalin ng lahat sa kalupaan.
Sa paniwalaan nyo man o hindi, 99 % sa mga nag-iingat ng mga banyagang orasyon sa buong kapuluan ay
hindi kailan man naunawaan ang bawa’t salita na nilalaman nito. Sa gayo’y paano
makatitiyak na ang gayong bagay ay umaayon sa layunin, kung ni isa mang salita
sa orasyon ay hindi mo nauunwaan?
Sa karamihan ng dios na kinikilala ng mga Romanong pagano ay nagsigawa ang marami sa kanila ng mga orasyon patungkol sa iba't ibang dios na kinikilala nila. Kaya isa ring napakalaking banta sa kaluluwa ninoman na umuusal ng orasyon, na sa hindi niya pagkabatid ay patungkol sa maraming diosdiosan ng sinaunang Italya. Ang akala'y ukol kay Jesus o sa Ama, yun pala kung isasalin sa sariling wika ang orasyon ay patungkol iyon sa mga diosdiosan na kinikilala ng mga pagano. Kaya nadadaya ang marami at sila'y pinapaging hangal sa kanilang kawalang kaalaman sa pagsasalin ng banyagang mga lengguwahe sa sariling wika. Ang katotohanan na hindi maitatanggi ng lahat ay marami sa kasapi ng simbahang katoliko sa buong kapuluan ay nahuhumaling sa mga orasyon, anting-anting, mutya at iba pang karumaldumal na katulad nito.
Sa karamihan ng dios na kinikilala ng mga Romanong pagano ay nagsigawa ang marami sa kanila ng mga orasyon patungkol sa iba't ibang dios na kinikilala nila. Kaya isa ring napakalaking banta sa kaluluwa ninoman na umuusal ng orasyon, na sa hindi niya pagkabatid ay patungkol sa maraming diosdiosan ng sinaunang Italya. Ang akala'y ukol kay Jesus o sa Ama, yun pala kung isasalin sa sariling wika ang orasyon ay patungkol iyon sa mga diosdiosan na kinikilala ng mga pagano. Kaya nadadaya ang marami at sila'y pinapaging hangal sa kanilang kawalang kaalaman sa pagsasalin ng banyagang mga lengguwahe sa sariling wika. Ang katotohanan na hindi maitatanggi ng lahat ay marami sa kasapi ng simbahang katoliko sa buong kapuluan ay nahuhumaling sa mga orasyon, anting-anting, mutya at iba pang karumaldumal na katulad nito.
Halos lahat
nga sa mga nahihilig sa ganitong larangan ay ibinatay lamang ang kanilang
nalalaman sa mga sukat di mapaniwalaang banyagang orasyon na nilalaman
ng mga local na limbag ng libreto at libro secreto. Latin, Hebreo, o kaya
nama’y Sanskrit ang karaniwang wika na mababasa sa libro, at ang kadudadudang paliwanag
lamang sa gamit nito ang nasa ating wika, gaya ng mababasa sa ibaba,
Ito ay galing sa libreto ng 27
kapangyarihan ng Verdacabala:
Makapangyarihang Orasyon upang
mapatigil mo ang isang tao sa pagsugod sa iyo na may masamang tangka sa iyong
buhay. Kung pasugod sa iyo ang isang tao at ikaw ay sasaktan banggitin po
lamang ninyo ang oraciong ito sa kanyang harapan at siguradong hindi na
maitutuloy ang pagsugod saiyo:
EIGSAC
EIGMA E. E. PROCULTIS B.
TE
IJITUR C. PATER PER JESUM CHRISTUM FILIUM TUUM D. N. SUPLICES R. AC PETIMUS UTI ACCEPTA HABEAS
ES B. DOMINE DEUS MEUS INTE S. CONFITETOR TIBI DOMINE INTOTO CORDE MEO Q. DAMAHI LUMECH GADAL PANCIA VEFOAS MEOROD L.
BALDACH ANERETHON M.
Paalala:
Sa Hebrew, Greek, English at Latin alphabet ay hindi eksistido ang letrang "J." Nagsimula lamang na mapasama sa alpabeto ng Ingles at Latin ang nabanggit na letra (J) nitong ika-17 siglo. Kaya ang pinakamatandang pangalan at salita na nagsisimula, o kalakip ang letrang ito (J) ay itinatayang umiidad lamang ng humigit kumulang sa tatlong daan at limangpung taon (350) taon. Ang pangalang "JEHOVAH" kung gayon ay imbentong pangalan lamang ng mga Ingles. Isa rin sa mga dahilan kung bakit binibigyang diin ng mga historian, na ang pangalang "JESUS" ay palsipikadong (huwad) pangalan ng panganay na lalakeng anak ni Maria.
Sino sa mga nag-iispirituwal sa panahong ito ang makapag-bibigay ng husto at tamang salin (word by word) nito sa ating wika? Paano matitiyak na yaon nga’y totoong orasyon ukol sa pagsupil nitong masamang hangarin, gayong ito’y hindi naman naiintindihan? Malibang ang sinoma’y maging isang dalubhasa sa wikang Latin ay hindi mapapatunayan, kung ang nabanggit bang orasyon ay tama at walang anomang mali sa bawa’t salita, at akma kaya sa umano’y nabanggit na kaukulang layunin nito. Gayon ma’y lihis ang lahat ng iyan sa katotohanan, palibhasa’y mahigpit na ipinagbabawal ng kautusan (Deut 18:10-13).
Mangmang nga ang tawag ng Dios sa tao na
naniwala kapagdaka sa kaniyang nabasa o sa mga salita na kaniyang narinig.
Kabaligtaran nito ay matalino sa Kaniyang paningin ang sinomang matapos bumasa at makarinig ay nagsiyasat at
nagsaliksik. Sa gayo’y walang pagsalang masusumpungan ng taong iyon ang katotohanan.
Samantalang babaunin ng una ang kaniyang kahangalan at kamangmangan sa kaniyang
kamatayan.
Sa
kawalang malay ng marami sa kahulugan ng mga banyagang orasyon. Lingid sa kanilang kaalaman, ang layon nito’y igapos ang sinoman sa pagka-alipin ng masasamang espiritu, at walang
awang kaladkarin sa apoy ng impierno ang kaniyang kaluluwa. Bakit nga hindi,
dahil sa napakaliwanag na sinasabi ng mga katunayang biblikal sa nauunawaan nating wika, na ang lahat ng yaon ay lalang lamang ng masama.
Ano’t ang pinaniwalaan at isinabuhay ng ilan ay ang mga banyagang engkantasyon na ni isang salita ay hindi nila napapag-unawa. Sa gayo’y maliwanag na sila’y binulag at ginawang bingi sa katotohanan ng mga masasamang espiritu na nagsisidating habang paulit-ulit nilang inuusal ang mga hindi nauunawaan at mapanganib na mga banyagang orasyon.
Ano’t ang pinaniwalaan at isinabuhay ng ilan ay ang mga banyagang engkantasyon na ni isang salita ay hindi nila napapag-unawa. Sa gayo’y maliwanag na sila’y binulag at ginawang bingi sa katotohanan ng mga masasamang espiritu na nagsisidating habang paulit-ulit nilang inuusal ang mga hindi nauunawaan at mapanganib na mga banyagang orasyon.
Anomang bagay o gawa na hindi inaari ng katotohanan ay nilalapatan ng Ama nating nasa langit ng kaukulang kabawalan (Deut18:912).
Samantalang alin mang may kaugnayan sa katotohanan ay iniuutos Niya na sundin at isabuhay ng mga tao sa kalupaan. Ang kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala kung gayon ay ang pagtalima sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Sa makatuwid baga'y ang pagbabalik loob sa katuwiran ng mga salita ng Dios? Iyan nga at wala ng iba pa ang nagtutumibay na katotohanan na karapatdapat tindigan ng lahat.
Sa pagtatapos ng usaping ito ay katotohanan na binibigyang diin ng banal na kasulatan, na ang paulit-ulit na pagbigkas ng mga orasyon ay maliwanag na pakikipag-ugnayan, o pagtawag sa mga di kilala at masasamang espiritu. Sapagka't ang gawaing tumutukoy dito ay mahigpit na ibinabawal ng Dios sa Deut 18:9-12. Ang pakikipagsapalaran sa larangang ito kung gayon ay isang landas na lubhang mapanganib, sapagka't may katiyakan na mapapariwara at mapapahamak ang kaisaisa ninyong kaluluwa.
Mga minamahal na kapatid, tungkulin namin na kayo'y ganap na paalalahanan, kung nakikita namin na may paghihimagsik ang inyong mga gawain sa mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan ng Ama nating nasa langit.
Nalalaman namin na ang marami ay hindi napag-unawa ang mahihigpit na kabawalan ng Dios hinggil sa bagay na ito. Palibhasa'y kinurap ang mura nilang kaisipan ng mga karumaldumal na tradisyong pangrelihiyon ng mga paganong Romano. Gayon ma'y hindi pa huli ang lahat upang iwasto ang pagkakamaling iyan. Gaya ng nasusulat,
EZE 18 :
21 Nguni’t kung ang MASAMA ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang
nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga PALATUNTUNAN, at gumawa ng TAPAT at MATUWID, siya’y hindi
mamamatay.
22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa
niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang KATUWIRAN na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
ISA 43 :
25 Ako, ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga
pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko
aalalahanin ang iyong mga kasalanan.
KAW 7 :
1 Anak ko ingatan mo ang aking mga
salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos,
2 Ingatan mo ang aking mga utos at
mabuhay ka;
At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3 Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso.
Ang sinoman ngang nagsasabing siya'y sumasa Dios, gayon ma'y hindi inaaring katotohanan ang kabawalan at kaayunan ng Dios - ang taong iyan ay isang nuno ng sinungaling, magdaraya, at walang alinlangang matatawag na kampon ng kasamaan. Gayon nga rin siya na sinasadyang pawalang kabuluhan ang nilalamang kautusan ng Deut 18:9-13. Kabilang ang taong iyan sa malaking hukbo na walang kapagurang naglulunsad ng malawakang paghihimagsik at pakikidigma sa katuwiran (kautusan) ng kaisaisang Dios na nasa langit.
Ang taong tunay na sumasa Dios ay masigla at may galak sa puso na tumatalima sa mga kautusan ng Dios. Iyan lamang ang bagay na nalalamang gawin ng sinomang totoong sumasa Dios.
Kalapastangan ngang maituturing sa dakilang lumikha ang pagbaling sa mga librong nabanggit po ninyo Ako po ay nahumaling sa mapang akit na nilalaman nito at siguro hindi lang mahigit 15 piraso ibat ibang klase ng okultismo na libro.ang paglaya sa bitag ng masasamang espirito gaya po ng pag banggit ninyo ang pagtalima sa kautusan,palatuntunan at kahatulan ang susi sa kalooban ng ating kaisaisang AMA na arkitekto ng buhay.
TumugonBurahinAng mga taong naniniwala sa agimat o orasyon ay mga taong naniniwala sa lihim na karunungan.Ngunit ano nga ba ang lihim na karunungan ??? iyan po ang maging tanong natin.
TumugonBurahinAng karunungang lihim ay mga sinalita ng Cristo mga kapangyarihang kanyang binanggit at winika sa pag-gawa ng mga himala na itinuro din niya sa mga apostol niya na isinulat naman ng mga apostol.At inilihim sa tao ngunit nakita ito ng mga tao at ngayon nga iyan ang mga orasyo... hindi nangangahulugan na masama na ka agad ito kailangan mo lamang na malaman kung kaninong pangungusap ito lihim na pangungusap ng Diyos ??? o lihim na pangungusap ng Demonyo???
Iginagalang namin kung anoman ang iyong pananaw tungkol sa usaping ito kapatid. Gayon ma'y napakaliwanag ang kautusan na lumabas mula sa bibig ng Dios, na sinasabi,
TumugonBurahinDEUT 18 :
10 "There shall not be found among you [anyone] who MAKES HIS SON OR HIS DAUGHTER PASS THROUGH THE FIRE, [or one] who practices WITCHCRAFT, [or] a SOOTHSAYER, or one who interprets OMENS, or a SORCERER,
11 "or one who CONJURES SPELLS, or a MEDIUM, or a SPIRITIST, or one who CALLS UP THE DEAD.
12 "For all who do these things [are] an ABOMINATION to the LORD, and because of these abominations the LORD your God drives them out from before you.
Mat 6:
7 "And when you pray, do not use vain REPETITIONS as the heathen [do]. For they think that they will be heard for their many words.
8 "Therefore do not be like them. FOR YOUR FATHER KNOWS THE THINGS YOU HAVE NEED OF BEFORE YOU ASK HIM.
May lubhang diin ang pananalita ng Dios sa Deut 18:10-12. Gayon din sa mga salita na lumabas mismo mula sa bibig ni Jesus sa Mateo 6:7-8.
Mula sa matuwid ng Dios ay nararapat sundin ng lahat ang kaniyang kautusan. Kung sa palagay ng ilan ay hindi nararapat sundin ang mga kautusang inilahad namin sa itaas ay wala na kaming magagawa. Malaya ang sinoman na gawin ang anoman niyang nais sa kaniyang buhay, kahi man ito'y hindi sinasang-ayunan at ibinabawal ng kautusan.
Gayon ma'y hindi kami nagkulang, na ang marami ay paalalahanan, na malaking kasalanan at kasuklamsuklam (abomination) sa paningin ng Dios ang mahumaling sa gayong karumaldumal na mga bagay.
Ang karunungang lihim (oracion etc.) ay totoong sa kasamaan. Kasi kung hindi ito sa demonio ay bakit naman ito ipagbabawal ng Dios? Kung mabuti ay iuutos pang ngang gawin natin ito. Gamit lang tayo ng konting common sense sa laman ng Deut 18:10-12.
TumugonBurahinGanyan din ang paniwala ko ng una?Ano nga bang masama kung ang intensyon mo nman ay mabuti para makatulong sa mga may sakit sa pamamagitan ng orasyon ngunit ito pala ay wlang kabuluhan ang mateo 22:37 ang dapat isaisip at ipamuhay kupurihan lamang ng dios ang mapangyari hindi ang sariling interes para purihin ka ng mga taong pinagaling o natulungan mo.
TumugonBurahinMay tan0ng lang po ako, mer0n po ak0ng nabasa sa bible na sinabi ni Hesus "hindi laban sa atin ang panig sa atin" yan po ung tym na ngtn0ng ung isa sa mga alagad ni Hesus na "bkt nkkpgpagaling ng mga my sakit ung isang ta0ng hnd nla kilala. Ang tn0ng ko po ay bkt nkakapagpagaling ung mga albolary0ng gumagamit ng orasy0n? Gay0ng sinabi ni Hesus sa knyang mga alagad, " hindi laban sa atin ang panig sa atin"
BurahinLiteral kasi kayo umunawa sa talata ng Bibliya... Ang mahigpit ng bilin ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita ay huwag umakay sa paniniwalang pagano ng kanilang kapit-bahay na mga bansa. Na taliwas sa unang 10 utos ng Diyos na kanilang kasunduan buong salin-lahi.
TumugonBurahinKaya ang Diyos ay nagsugo ng mga qualified propeta hindi lang spokeperson nya bilang tagapamagitan, tagapayo, manghuhula, manggagamot atbp. katungkulang spiritual sa mga israelita maging mga hari o ordinaryong mamayan man. Layunin din ng Diyos na isugo ang mga propeta upang di sila maakay o maligaw ng mga bansang kapit-bahay pagano.
Okey tungkol naman sa okultismo o mga orasyon karamihan ng kapangyarihan dyan ay Kaliwa saka iilan lang mga orasyon nasa Kanan o direkta galing sa Diyos Ama na tanging pili lang ibinabahagi sa taong karapat-dapat sa pamamagitan ng Lineage.
Bago ang lahat ay malugod naming binabati ng manigong bagong taon ang kabuoang bumabalangkas ng blog ni FuerzaDivino. Lubos din naming pinasasalamatan ang pagbibigay ninyo ng comment sa artikulo na pinamagatang "Orasyon" ng RAYOS NG LIWANAG.
TumugonBurahinAng inyong lingkod Yohvsva bar Yusuf ang isa sa pagtungot nitong RAYOS NG LIWANAG na naglalathala ng mga kaukulang artikulo tunkol sa kabanalang sinasang-ayunang lubos ng mga balumbon nitong banal na kalsulatan (Biblia).
Tungkol sa usapin ay pinasasalamatan namin ang pagbibigay ninyo ng diin, na karamihan ng mga orasyon ay maka-kaliwa, na kung lilinawin ay sa panig ng masama, o ng diyablo. Kaya naman nagtumibay sa amin, na kung bakit mahigpit na ipinagbawal ng Dios ang mga gawang may ganap na kaugnayan sa okultismo sa Deut 18:9-12 ay upang huwag malulong ang marami sa gayong mga karumaldumal.
Hindi namin pinalalabas na ang mga hawak ninyong orasyon ay inaari ng masama (kaliwang fuerza), kundi kami ay tagagpapa-alala lamang sa marami na iwasan ang mga gawang hayagang ibinabawal ng Ama nating nasa langit.
Sa kadahilanang yao'y nararapat na, kung ano ang utos ay siyang sunod ng mga tao. Kaya pagdating sa mga kautusan ay higit na makabubuti na ito'y sundin alinsunod sa pagkasabi. Sapagka't walang anomang mababasa sa banal ng kasulatan, tungkol sa mga orasyong di umano'y nararapat sambitin ng mga lingkod ng Dios. Bagkus ang pag-iingat sa mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng Ama nating nasa langit sa lahat ng tao sa kalupaan.
Lumalangkap sa kabuoan ng isang banal ang Espiritu ng Dios at siya ang gumagawa ng kaniyang mga gawa, samantalang ang katawan ay masiglang gumagalaw alinsunod sa kalooban ng Espiritung banal na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban. Kaya saan man at kailan ma'y hindi natin kailangan ang orasyon, kundi ang presensiya ng Espiritu ng Dios sa ating kalooban at kabuoan. Siya ang magsasalita at gagawa ng mga dakila niyang mga gawa.
Bilang mga kapatid sa iisang Ama na nasa langit ay tungkulin at layunin namin na ilahad ang katotohanang sinasang-ayunang lubos ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal sa inyo.
Gayon ma'y malaya pa rin nyong gawin ang anoman ninyong ibigin. Ang mahalaga ay naipaabot na namin sa inyo ang mahihigpit na kautusan hinggil sa kina-aaliwan ninyong gawain.
Bilang karagdagan, itong si Jesus ay inaring hindi mabuti ang pagbigkas ng mga orasyon na paulit-ulit. Na sinasabi,
MAT 6 :
7 At SA PANANALANGIN NINYO AY HUWAG NINYONG GAMITIN ANG WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka’t iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka’t TALASTAS NG INYONG AMA ANG MGA BAGAY NA INYONG KINAKAILANGAN, BAGO NINYO HINGIN SA KANIYA.
May mga pangungusap sa Biblia na literal na pag-uukulan ng pansin at gayon din namang mayroong mga salita na naglalaman ng higit na malalim na kahulugan. Pagdating sa kautusan ay nararapat na ang mga ito ay sundin alinsunod sa payak na paraan ng pagkasabi.
Kahi man sabihin ng marami na ang nabanggit na kautusan ay utos lamang sa mga anak ni Israel, ay hindi ito dahilan upang kumawala sa bigkis nito. Sapagka't katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na tayo ay mga anak ng Dios, at ang utos ay katotohanan na ukol sa lahat ng mga anak ng Dios.
Patuloy nawang dumalo'y sa atin ang masaganang biyayang tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pag-ibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay.
Hanggang sa muli, paalam.
Ilathala din po ninyo ang mga talatang nasusulat sa mark 16:16-18: "Whoever believes and is baptized will be saved; whoever does not believe will be condemned. 17 Believers will be given the power to perform miracles: they will drive out demons in my name; THEY WILL SPEAK IN "STRANGE TONGUES"; if they pick up snakes or drink any poison, they will not be harmed; they will place their hands on sick people, and these will get well". Si Jesus mismo ang nagsabi nito. Salamat. Mananatili po ako sa oracion kahit STRANGE TONGUES, because this a sign that I am, not you, (because you had condemned this..) the true believer of JESUS CHRIST.
TumugonBurahinNaalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
BurahinKapatid na Rex Ferrum,
TumugonBurahinFyi, si Mark at si Luke ay none-eyewitness ni Jesus, samantalang si Matthew at John ay magkatulad na eyewitness ni Jesus. Tungkol sa eyewitness account ay narito ang sinasabi,
Mat 20:
19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
Walang anomang sinabi si Jesus sa book of Matthew chapter 20, na gaya ng mababasa sa Mark 6:7-8. Paumanhin, kung ang paniniwalaa namin ay sa eyewitness account (Mat 20:19-20). Ang dapat na i-analize dito ay kung paano nangyari na nagkaroon ng revision ang book of Matthew sa kagagawan ni Mark at Luke.
Isa ang bagay na ito na nararapat maunawaan ng marami, nang sa gayo'y lumabas ang katotohanang binibigyan diin ng mga tunay na eyewitness, na gaya ni Matthew at John.
Ngayon kapatid na Rex Ferrum, eyewitness account (Mat 20:19-20) na ba ang iyong paniniwalaan, o yung tradition (sali't saling sabi ng mga tao) pa rin ba ni Mark sa 6:7-8 ang igigiit mong paniniwala?
Kulang pa ang nalalaman natin pagdating sa kaunawaan ng mga nilalaman nitong biblia. Kaya maimumungkahi namin sa lahat na pag-ibayuhin pa ang pagsasaliksik sa mga aral na nilalaman nito.
Nang sa gayo'y mapanatili na sinasang-ayunan ng katotohanan ang anomang aral na bibigyang diin sa aklat na ito.
Sa pananatili mo kapatid sa orasyon ay hindi mo kinilala at itinuring mong basura ang utos ng Dios sa Deut 18:10-12. At sa paulit-ulit na pag-usal mo ng iyong mga orasyon ay ibinasura mo na rin ang mga salita ng bibig ni Jesus na mababasa sa Mat 6:7-8.
Kung tunay na believer ka ni Jesus Christ, higit sa lahat ay paniniwalaan mo ang eyewitness account ni Matthew at John. Dagdag pa, ang GOSPEL OF THE KINGDOM (evangelio ng kaharian) ang katuruan na isinasabuhay ng mga tunay na believer ni Jesus Christ. Nasa book of Matthew and John ang Gospel of the Kingdom. Kaya papano mong nasabi na believer ka ni Jesus, gayong basura sa iyo ang Deut 18:10-12 at Mat 6:7-8.
Harapin natin ang katotohanan kapatid, at kapag katotohanan ay asahan mong sinasang-ayunan ng Dios. Kapag kasinungalingan ay asahan mong ito'y karumaldumal at kasamaan sa paningin ng Dios at mahigpit niyang ibinabawal gaya ng sa Deut 18:10-12).
Hindi ba nakakahiyang sabihin na believer ka ni Jesus Chirst, pero basura naman sa iyo ang salita at utos ng kinikilala niyang Ama na nasa langit. Nalalaman mo ba ang sinasabi mo kapatid?
Lastly, tila may pangamba kang ihayag ang iyong pangalan sa blog na ito kapatid. Mangyaring ito'y gamitin dito, nang sa gayo'y patuloy naming ilathala sa uulitin ang iyong comment matapos na ito'y aming paraanin sa moderation process.
Hanggang sa muli, paalam.
Kung ito ngang si Marcos at Lucas ay totoong mga eye witness nitong si Jesus ay mangyaring bigyang linaw ang bagay na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng KATUNAYANG BIBLIKAL, o HISTORICAL PROOF na ang dalawa ay gayon nga. Ang mga ANONYMOUS comment ay hindi na namin binibigyan ng kaukulang katugunan. Huwag sanang ikubli ang pangalan ninoman kung maglalahad ng comment sa blog na ito. Gayon ma'y daraan pa rin sa moderation process ang lahat ng comment.
Burahinmwalang galang n kpatid n Yoshvhsva, kng pinipili nyo lng ang paniniwalaan nyo s bibliya ibig sbihin nyan ay pinaniniwalaan nyo lng ung gsto nyo paniwalaan at naniniwala kyo n my roong mga mali s bibliya, tama po ba? kng ganon ang bibliya po pla ay kaduda duda dahil mraming mali at ito ay hndi mrapat n pg-aralan. pro ako po ay naniniwala n ang bibliya ay perpekto bgaman nlalaman ntin n npkaraming kasulatan ng mga propeta at apostol ang hindi npasama s bibliya ntin sapagkat pinili lng ang mga aklat n pgsasamasamahin n naging bibliya ntin. sapat n ang bibliya upang maligtas ang tao s panganib s pghuhukom, pro hndi nangangahulugan n lhat ng karunungan ng diyos ay nkasulat s bibliya spagkat naniniwala ako n higit p sa kalawakan ang librong kakailanganin pra maisulat ang mga karunugan ng diyos. at iba iba ang kaloob ng diyos s tao, halimbwa ang apostol, propeta , manggagamot, manghuhula, guro at iba p n sinasabi sa aklat ni apostol Pablo n mga kaloob ng banal na espirito yan po ay mgkakaiba at sila ay ngtataglay ng iba ibang antas ng karunugan kya nga mgkaka-iba rin sila ng kakayahan. tungkol dun s paulit ulit n dasal tanong ko lng, bkt kya inulit ulit ng ating panginoong Jesus ang kanyang panalangin sa halamanan nung dadakpin n sya? at bkit si san Pablo s kanyang pangitain ay nkarinig ng mga salita s langit n hndi nya maintindihan at hndi mrapat salitain ng bibig ng tao, pro ibig sbihin nito ay kya itong salitain ng tao hndi nga lng mrapat. yan po ay pawang nsa bibliya kng ngbabasa kyo ng bibliya dpat ay nbsa nyo iyan. at s akin pong palagay gya ng sinasbi nung unang matatanda na ang espirito noong una ay ngbaba ng mga orasyon(dictation) at isinusulat nmn ng mga pinagbbaan nila kya hindi nila ito tlagang nauunawaan dhil espiritu lng ang nkkaunawa dito, kng papansinin ninyo kalimitan s mga orasyon ay my mga salita n walang katumbas n lengwahe ng tao khit mga dalubhasa s mga lengwahe ay hindi ito maiintindihan. ktunayan ng panahon ni propeta Daniel ay sumulat ang daliri ng dios s isang dingding at walng sinuman ang my kakayahng bumasa nito malibn ke propeta Daniel kht ang mga engkantador ng hari, at sya nga pla si propeta Daniel ay pangulo ng mga engkantador ng hari mbabasa nyo yan s bibliya. s ngayon yan lng po.
Burahinsalamat,
Orlan benita
share lang po sa sagot dyan nasa juan 14: 12-17 juan 16: 8-15 na tungkol sa pagdating ng espiritu ng katotohanan at ang mga lahat ng bagay na lihim ay sa mga taong tapat lamang ipinagkakaloob ng Diyos at sa mga pinagtapan kagaya ng mga apostol ng panginoong Jesukristo at ng mga propeta noon at sa magpasa hanggang ngayon sila lang ang mas makakaunawa tungkol sa mga kalihiman na karunungan ng Diyos... at nasususat din at binulag ng diyos ng sanlibutan ang tao upang ndi na sila maliwanagan pa... kaya marami ang mga hindi nakakakunawa tungkol sa bagay na kalihiman (lihim nga kaya di nalalaman ng lahat) dun na lang sa mga bagay na nasusulat na ginawa ng tao at nilimbag
BurahinAKO SA AKIN LANG , MANANATILI PARIN AKO, KASI ANG MGA GINAGAMIT NAMAN SA MGA ORA AY PANGALAN NG DIYOS KAYA KA NAKAKAGAWA NG HIMALA DAHIL RIN SA PANANAMPALATAYA, MAY NAKITA KABANG IBANG RELIHIYON NA MAY STIGMATA? KATOLIKO LANG.
TumugonBurahinKapatid na Salamangkero,
TumugonBurahinIginagalang namin ang pasiya mong ito sa sa iyong buhay. Gayon man, sa karagdagang kaalaman hinggil sa usaping ito ay bisitahin mo na rin ang mga sumusunod na link :
http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2011/07/ang-paglapastangan-sa-pangalan-1-of-5.html
http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2011/08/bagong-pangalan-ng-dios.html
http://kamalayangyohvshva.blogspot.com/2011/12/occult.html
Baka sakaling magbago pa ang iyong isip sa kasalukuyan mong paninindigan. Hanggang sa muli, Paalam.
TANDAAN NYO NA TAYU AY HUHUSHAGAN SA ATING GINAWA HINDI KUNG ANO MERON TAYU,
TumugonBurahinSa oracion naman,
Deut 18:10..... huwag makakasumpog sa iyo ng sinumang nagpaparaan sa apoy ng kanyang anak na lalake or babae,
o nang huhula o nagmamasid ng mga pamahiin,o engkantador or manggagaway,
o engkantador ng mga ahas o nakikipagsanggunina sa masamang espirito, o mahiko o sumasangguni sa mga patay
TALAKAYIN PO NATIN ITO
1)"huwag makakasumpog sa iyo ng sinumang nagpaparaan sa apoy ng kanyang anak na lalake or babae"...
MAGAGALIT PO ANG DIYOS KUNG ISASACRIFICE NATIN ANG MGA KAMAGANAK NATIN
2)"o nang huhula o nagmamasid ng mga pamahiin,o engkantador or manggagaway,o engkantador ng mga ahas o nakikipagsanggunina sa masamang espirito, o mahiko"
ANG TINUTUKOY DITO AY MGA BABAYLAN.SHAMAN NA TUNMATAWAG NG MGA ENGKANTO AT GUMAGAMIT NG MGA MUTYA
3)"sumasangguni sa mga patay"
YAN PO ANG MGA TAONG PUMUPUNTA PA NG SEMENTERYO PARA SUMANGGUNI SA PATAY,
O KAYA NAMAN AY NANGAALIPIN NG ESPIRITO NG MGA PATAY
ANG MGA NABANGGIT SA TAAS AY PWDENG GUMAMIT NG ORACION OR HINDI
KAYA SA MADALING SABI, GALIT ANG DIYOS DITO,,
PERO HINDI LAHAT...
MAY MGA ORACION NA OR PANAWAG OR TESTAMENTO NA ANGELIC ANG BABAE, MGA TGA LANGIT TLGA,
MAS NATUTUWA ANG DYOS SA GANUN LALO NA KUNG NABNNGIT MO NG TAMA ANG PANGALAN NYA AT GINAMIT MO SA KABUTIHAN.
Kapatid na LAKAN,
TumugonBurahinIginagalang namin ang pangangatuwiran mo hinggil sa usaping ito, kahi man ang mga yaon ay walang saliw ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Kahi man ito'y lumalabas na sariling opinyon mo lamang.
Ang kautusan ay kautusan kapatid, na nararapat sundin ng mga tao sa kalupaang ito. Sinabi mong hindi lahat ng oracion ay kinasusuklaman ng Dios. Ang ibig nitong sabihin ay mayroong ikinalulugod niya. Iyon ang problema, kaya niya ipinagbawal ang gayon. Upang wala ng sinoman pang matisod at gamitin pa sa masama. Kung walang gagawa nito ay walang matitisod at magkakasala sa Dios hinggil dito. Kung ang lahat ng kautusan ay lalapatan natin ng ganyang uri ng pangangatuwiran ay wala na nga isa man sa mga tao na susunod sa mga utos ng Dios. Ilan sa palagay mo sa mundo ang nagkakasala sa Dios bilang mga babaylan (spell conjurer),mangkukulam etc. Sasabihin mo marahil na marami sila, samantalang kayo na sa mabuting layunin ay iilan lang. Hindi ba matuwid ang pagbabawal ng Dios sa mga ito, sapagka't lubhang maraming kaluluwa ang maililigtas. Kay sa payagan na iilan lamang ang gumagawa ng mabuti, at marami ang gumagawa ng masama?
Wala kailan man sinabi ang Dios sa kasulatan, na kung gagamitin sa mabuti ay maaari na tayong magrecite ng mga oracion.
Gayon man kapatid ay bukas ang aming isipan at puso sa anomang aral na sinasang-ayunan ng mga katotohanang masusumpungan sa balumbon ng mga banal na kasulatan (Bibliya). Maglahad ka lang ng kahit isang talata bilang katunayang biblikal na magsasabing hindi kinasusuklaman ng Dios, o hindi masama ang gayon. Ito'y aming tatanggapin na maluwag sa aming kalooban, at iaaral namin bilang katiwatiwalang katotohanang biblikal. Suma iyo ang kapayapaan kapatid.
Sa lahat ng nagsisibasa nitong RAYOS NG LIWANAG,
TumugonBurahinMangyaring huwag katakutang ilahad sa blog na ito ang pangalan ng sinomang nagko-comment sa alin mang artikulo na naka-publish dito. Nang sa gayo'y malapatan namin ng kaukulang kasagutan ang inyong mga tanong. Iwasan sana ang anomang paksa na walang anomang kinalaman sa mga usaping tinatalakay sa page na ito.
Maraming salamat po sa inyo,
Yohvshva bar Yusuf
Patnugot ng RAYOS NG LIWANAG
yan na nga dumadating na pinag aawayan nyo na ang mga bagay2x na patungkol sa diyos, dumadami narin ang mga relihiyon, ganyan ang sinasabi sa bibliya
TumugonBurahinKapatid na Dave
TumugonBurahinLubos kaming nagpapasalamat sa pagbibigay mo ng comment sa artikulong ito. Nais lamang naming liwanagin sa iyo, na hindi layunin nitong RAYOS NG LIWANAG na pag-kagalitin ang mga tao, o makipag-alitan man sa kanila. Inilalahad lamang namin ang mga salita (utos) ng Dios na mahigpit Niyang ipinatutupad sa mga tao. Sa kabila nito,kung ang MARAMI man ay hindi ikinatutuwa na malamang lihis sa katotohanan ang kanilang mga gawa, ay mayroon din namang ILAN na nagkakaisip na ilagay ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga gawa.
Maraming salamat,
Yohvshva bar Yusuf
Patnugot ng RAYOS NG LIWANAG
Tao + Orasyon(tagong salita) = Kakaiba
TumugonBurahinComputer + Programming(hidden script code) = Kakaiba
Ang orasyon ay isang software ng tao. at kung ikaw ay isang kompyuter na may mataas na kakayahan maari mo itong i-install. hindi lahat ng orasyon o software ay nakakagwa ng mabuti kaya mag-ingat sa pag-install nito.
-Luis Miguel
Kapatid na Luis,
TumugonBurahinGayon ma'y mahigpit na ipinagbabawal bilang batas (Law) nitong gumawa (Yohvah) ng sinasabi mong Computer (man) ang paggamit sa nabanggit na software(Orasyon).
Ang batas (Deut 18:9-12) ay batas na kailangang sundin ng lahat - sinomang lumabag sa batas ay itinuturing na Criminal, at kadalasa'y kamatayan ang hatol sa tao na gumagawa ng gayong karumaldumal na bagay. Sa ikabubuti ay mga batas nitong gumawa ng Computer ang dapat masunod at umiral, hindi ang Computer na gawa lamang niya. Lubhang makasasama ang software na iyon, kaya ipinagbabawal na i-install sa Computer.
Maraming salamat,
Yohvshva bar Yusuf
Patnugot ng RAYOS NG LIWANG
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinMGA KAIBIGAN ANG TAO AY NILIKHA NA MAY SARILING DESISYON NASA SA KANYA KUNG ANO ANG LANDAS NA PIPILIIN NYA BINIGYAN NG DIOS ANG TAO NG KARUNUNGAN NGUNIT ANG ISANG KAMALIAN LANG GINAGAMIT SA KASAMAAN
TumugonBurahinsa pananaw ko lang po, hindi lahat ng orasyon ay masama, iba-iba lang siguro ang kaloob ng panginoon dios, may pinagkalooban na mangaral ng mabuting balita [tulad po nyo], may pinagkalooban na manggamot at pinagkalooban na mapagpalayas ng masama'ng espirito na sumasapi sa katawan ng tao,. kasi po mababasa natin sa bibble "na ang mga sumasampalataya ay magkakaroon ng tanda -na mangagpapalayas sila ng dimonio sa pamamagitan ng pangalan ko [jesus]," at yun 72 na tao na mababasa din natin sa bibble -na sila ay tuwang-tuwa dahil suko sa kanila ang kapangyarihan ng diyablo dahil sa pangalan ni jesus, at yun isa"ng tao na nanggagamot na sinabi ng mga apostol kay jesus na hindi nila kasamahan bakit nanggagamot, Ang sagot po ni jesus dun ay "HUWAG NYO SIYA'NG PAGBAWALAN, SAPAGKAT ANG HINDI LABAN SA ATIN AY KAPANIG NATIN," kaya hindi po lahat ng orasyon ay masama,, salamat po, god bless!!!
TumugonBurahinSabi ng bibliya (OT) bawal ang orasyon. Sabi sa NT sa pangalan lang ni Jesus, at walang itinuro doon na gumamit ng orasyon ang mga tao. Yung gumagamit ng orasyon ay laban kay Jesus dahil wala siyang itinuro na gumamit ng orasyon. Dasal na AMA NAMIN ang turo niya. Kaya yun lang ang nararapat. Kung sari-sariling pananaw lang ang susundin maliligaw ang marami. Pero kung susundin ang kautusan ng bibliya ay sure ang kaligtasan natin. Ang bawal ay bawal, kaya huwag ng hanapan pa ng exemption, dahil sa utos ng Dios ay wala exemption. Lahat ay kailangan susunod sa utos ng Dios. Bro ronald, nothing personal, biblical view lang ang hawak ko at wala ng iba. Peace tayo, love you...
TumugonBurahinang bawal po siguro na orasyon ay ang orasyon na ginagamit sa pangkukulam, orasyon na ginagamit sa pambabarang or mga orasyon na ginagamit sa kasamaan, pero ang orasyon na lumalaban sa mga engkanto or sa masasama'ng espirito na sumasapi sa katawan ng tao, at orasyon na lumalaban sa gawa ng diyablo [ispiritual],-ay 'di naman po siguro masama, Mababasa po natin sa NT na mayroon isa'ng binata dun na sinapian ng diyablo na hindi nagamot ng mga apostol ang sabi po dun ni jesus "lahing wala'ng pananampalatya hanggang kailan ko kayo pagtitiisan," nililinaw po dito yun pananampalataya, yun po ay may-salita or orasyon na hindi po nakatala sa bibliya, pero ang taglay na bisa ay sa panginoon, kapangyarihan lang po ng panginoon dios ang pamuksa sa diablo [orasyon], binigay na wala'ng bayad ginagamit lang din po na wala'ng bayad,. Peace po tayo, at pinupuri ko po kayo sa mga banal na salita na mula sa bibliya na inihahayag nyo sa mga tao,. Mabuhay po kayo, GOD BLESS!!!
TumugonBurahinHello jehova witness,,,
TumugonBurahinIto lang masabi ko...
Beleave Nothing,No Matter where you read it or who has said it, not even if ihave said it unless it agress with your own reason and your own common sense.......
Have you the GOD in your Eyes? yes your answer is no''' But you see his creatures.. your answer is yes.. we have only one GOD.. we call him Father who art in heaven and not Jehova... At para sa inyong kaalam ang ORASYON ay ginamit ng dios mula noon hangang ngayon... gamit ang orasyon napapasunod nya lahat ng bagay may buhay man o wala.. yan ang kapangyarihan ng panginoon ... ORASYON or SPELL.. kaya nya ipinag bawal ang orasyon sa tao kasi ayaw nyang may hihigit pa sa kanya.. ganun yon.. hindi naman ang ibig sabihin na tayong gumagaya ng orasyon nya ay gustong pumantay o humigit pa,, hindi natin kaya yon.. may limitasyon ang pag-gawa nya sa karunungan natin, at alam rin nya yon. ang gusto lang natin protectsyonan ang sarili natin at mga mahal sa buhay.. habang hindi pa nya tayo kukunin. binigyan nya tayo nga kalayaang mabuhay at matutunan ang lahat ayon sa kakayahan ng bawat isa...
Mga may buhay na likha ng panginoon
TAO- nilalang ng panginoon na pweding matutunan ang lahat..
ASWANG- nilalang ng panginoon na may limitasyon ang galaw at lugar na paruruunan maging ang oras ng kanilang pag-labas.
INGKANTO- nilalang na unang nilikha ng panginoon upang taga pangalaga ng kalikasan
HAYOP- nilalang ng panginoon para sa lahat ng nabangit..
INSECTO- nilalang ng panginoon para sa lahat ng halaman.
Bro Leonard, Tama ka na iisa lang ang Diyos. sa pagka alam ko hindi Jehovah witness ang Rayos ng Liwanag. The rest sa comment ay hearsay para sa akin. Saan mo pinagdadampot ang mga sinabi mo? Wala sa bible yan. Sa totoo lang bro ay mahigpit na ibinabawal ng Dios sa lahat ng tao ang paggamit ng Orasyon. Ulitin mong basahin ang article(Orasyon)tila hindi mo naintindihan ang sinasabi ng Dios sa Deut 18:10-13. Plain biblical view lang bro ang sa akin. Hindi kita pinepersonal, love naman kita eh. mwahhh !!!
Burahinano ba talaga meaning Y H V H ?
TumugonBurahinang meaning niyan ay yahweh
BurahinJohn 21:25 But Jesus did many other things; if all were written down, the world itself would not hold the books recording them.
TumugonBurahinI'm new to this site
TumugonBurahinbiktima po ako ng masamang lihim na karunungan na ginamit sa aming pamilya na siyang sumira sa buhay naming lahat.
TumugonBurahinhanggang ngayun balot ako ng hatred...sa susunod na araw ay mahal na araw na, gusto ko sanang magpaturo ng karunungan kasi bata palang ako nakita ko na si God sa dreams ko...maari nyu ba akung turuan? alam ko mabuti ang hangarin ko dito. salamat po
yang mga jehova fairytail ang pagkakaunawa nila sa bibliya, andami nilang alam andami nilang sinasabi, pero tingnan mo ang nangyayari sa paligid nya, puro patayan droga sa lahat ng dako, kaguluhan at kung anu ano pa, asan yung sinasabi nilang gawa ng bibliya at karunungan at kagalingan ng kanilang sinasabi at pinakikipaglaban pa ng halos suntukan na????????? alam mo bro ang laht ng bagay o anu man naisin ng tao ay ibinibigay ng dios resposibilidad mo na ito kung saan mo dadalin, tingnan mo nalang si solomon na nalathala pa sa bibliya samantalang hinakot nya o pinag interesan nya ang kayamanan ng daigdig pati karunungan at katanyagan hinakot nya, ang tanong dun sa mga ginawa nya bakit nalathala pa sya dyan sa bibliya mo...eto ang sagot para di ka maging kamote sa dito sa blog mo.. ginamit sya ng iyong dios para ipaunawa sa kakarampot mong utak ang kanyang mga gawa at pagmamahal sa tao.....
TumugonBurahinBragbriggs tanong ko lang po kapatid me pananagutan ba si san miguel sa ating panginoong hesu kristo? At kelan pa nagkaroon ng agimat sa panahon ba mg mga antipope?
TumugonBurahinTanong ko lang mga kapatid.. Sa panahon ba ng mga antipope lumabas o nagawa ang mga banyagang orasyon? Pangalawa me judas scroll na nadiscover at hindi sinama sa bibliya, di ba para malaman ang katotohanan kailangan ay walang itatanggi? Di sa hindi ako naniniwala sa bibliya, alam ko at alam nyo na itoy salita ng diyos pero ang pagpili lamang sa mga nakalagay sa bibliya ay malinaw na limitado? Sa inyo na rin nanggaling na hindi isinama ng nagsamasama ng mga salita ng diyos? Kung sinabi ng diyos sa taong iyon na yung pili lang ang ilagay, at sa ngayoy ating pinaniniwalaan, kumokontra ito aa freewill na kanyang ibinigay satin na nakasulat sa kasulatan, limitado ba ang bibliya o hindi? Sabi nyo nga me hindi naisama tama po ba? Malinaw na ito ay isang pagtanggi ng sumulat, ngunit ang diyos ay walang itinatanggi. Maraming salamat kapatid.. Salamat maluwalhating diyos ama nating lahat kasama ng panginoong hesukristo at espirito santo.. Panatilihin nyo po kaming lahat na ligtas... At sana gabayan nyo ang talakayang ito.. Salamat po.
TumugonBurahinAng hahabang paliwanag kaya mahirap maintindihan.Totoo na ang banyagang salita na hindi maintindihan at walang kwenta dahil di mo alam ang ibig sabihin kaya huwag ng gayahin.Ang "oracion" na sinasabi niyo ay salitang banyaga din,ang ibig sabihin ay dasal..paraan ng pakikiusap o pakikipagusap sa Dios..at hindi sa mga inanyuan at ito'y totoo..Ang oracion o dasal galing sa puso at damdamin hindi galing sa bibig na ikinabesa lang hindi galing sa puso.
TumugonBurahin