Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sumasampalataya Ako. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sumasampalataya Ako. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Setyembre 16, 2018

THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 3 of 3


PANGATLO (3rd) NA MAHALAGANG PAKSA

He descended into hell; on the third day He rose again from the dead;
(Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.)

Ang kalakarang umiiral sa kaluluwa ng tao ay pumapaloob lamang sa dalawang (2) masigla at estriktong hanay. Iyan ay ang buhay at ang kamatayan.

Ano pa't kung gayong mayroong Dako ng kamatayan, ay maliwanag din naman na mayroon itong mahigpit na karibal sa kaniyang sarili, na kung tawagin ay ang Dako ng buhay.

Ang salitang Hebreo na, SHAMAYIM, sa saling Griego ay "OURANOS," Ang maliwanag na kahulugan nito sa wikang Ingles ay "HEAVEN." Na kung saan ay kumakatawan sa "BUHAY NA WALANG HANGGAN" o "DAKO NG WALANG HANGGANG BUHAY. 

Sabado, Setyembre 1, 2018

THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 2 of 3

THE APOSTLE'S CREED
(Sumasampalataya)

PART 2 OF 3



PANGALAWA (2ND) NA MAHALAGANG PAKSA
Who was conceived by the Holy Spirit, born of the Virgin Mary, 
(Nagkatawang tao Siya LALANG ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.)

Ito ngang si Jesus ayon sa bahaging iyan ng kredo ng simbahang katolika ay ipinanukala at NILALANG ng Dios mula sa sinapupunan ni Maria.

Ano pa't mula sa kawalan ng kaalaman at unawa ng marami sa natatanging kaparaanan ng Dios sa paglikha. Ang mga nilalang na gaya natin ay pinagkamaliang sumamba sa kapuwa nila nilalang. 

Subali't ang karaniwang kadahilanan bang iyan kung gayon ay sapat na, upang si Jesus na NILALANG lamang ng Dios sa bahay bata ng isang ina na gaya natin, ay kikilalanin na ngang Dios.  Sa gayo'y sasambahin na ba siya, na gaya ng pagsamba sa kaisaisang Dios ng langit. 

Hinggil sa usapin na tumutukoy sa paglalang ng Dios sa sinapupunan ng isang ina, ay napakaliwanag ang hustong katotohanan sa bahaging ito ng artikulo na dapat at matuwid na maunawaan ng lahat.

Huwebes, Agosto 16, 2018

THE APOSTLE'S CREED (Sumasampalataya) Part 1 of 3


Layunin namin na maglahad lamang ng mga aral pangkabanalan na masaganang dumaloy mula sa bibig ng panginoong Jesucristo at ng mga tulad niyang banal ng Dios. Kailan ma’y hindi namin hinangad na atakihin, siraan, ni gibain man ang pinaninindiganang paniniwala at kaalaman ng sinoman. Nawa, sana, bago nyo kami husgahan ay paka-unawain nyo munang mabuti ang buong nilalaman ng artikulong ito.

PART 1 OF 3

Ayon sa malawakang kaalaman na tinitindigang matibay ng marami, na nagmula sa mga nakaraang yugto ng mga kapanahunan. Itinuturing na isang katotohanan, na ang Dios ay taglay ang likas nitong kalagayang Espiritu. Ayon pa, Siya ay may walang hanggang eksistensiya na hindi kailan man maaaring mapansin ni maunawaan man ng limang (5) pangdama ng tao (panglasa, pang-amoy, pandinig, paningin, pakiramdam).

Iyan ay dahil sa ang kabanalbanalang pag-iral nito'y hindi gaya ng sa atin na may taglay na katawang pisikal (physical body)Sa madaling salita ay walang anomang kakayanan ang mga nabanggit na mga pangdamang pisikal na makita, madinig, malasahan, maamoy, at maramdaman ang Espiritu, mabuti man o masama.

Dahil sa hindi mapapasinungalingang realidad na may ganap na kinalaman sa materiya at Espiritu. Gayon ngang hindi kailan man papasok sa anomang eksistensiya ng katotohanan, na ang materiya ay gaganap, o aakto na gaya ng likas na kalagayang Espiritu. Na kung lilinawin ay hindi kailan man mangyayari, na ang tao sa likas na estadong materiya ay maging Dios, upang siya'y kilalanin sa kalagayang tao na ay Dios pa rin.

Ang langis sa madaling salita ay hindi kailan man maaaring maging tubig, at gaya din naman na ang tubig ay hindi maaaring maging langis, kahi man sila'y magkatulad sa  partikular na kondisyong likido. Ang tao sa makatuwid ay hindi kailan man maaaring maging Dios, at ang Dios ay hinding hindi kailan man lalapat sa likas na kalagayan ng NILALANG, sapagka't Siya sa Kaniyang kabuoan ay isang MANLALALANG.

Bago matapos ang ika-anim (6th) na siglo, o sa simula ng ika-pitong (7) siglo, ang Apostles Creed (Sumasampalataya Ako) ay dumating sa finalidad ng pagtanggap, hanggang sa ganap na kilalanin ng pamunuan ng Simbahang Katolika, na opisyal at matibay nilang "Pahayag ng Pananampalataya". 

Narito, at sa akdang ito ay masusi nating sisiyasatin, at isa-isang hihimayin ang buong nilalaman ng nabanggit na Kredo.