Lunes, Agosto 14, 2017

AKO NGA SIYA (I am he)

Hindi kakaunti sa panahon nating ito ang may lubos na paniniwala sa salita na tumutukoy sa "ako nga," na kung sisiyasatin sa bersiyong ingles ay "I am he" ang ganap na mababasa. Sa gayo'y maipasisiyang higit na malapit sa ating wika ang translasyon na, "ako nga siya" sa halip na "ako nga".

Samantala ay pinaniniwalaan ng marami, na ang mga salitang iyan ay isa anila sa iba't ibang pangalan ng Dios na ipinahayag Niya sa buong kalupaan. Gayon man, sa pagpapatuloy ng akdang ito ay lalapatan namin ng kaukulang tanglaw ng ilaw ang usaping ito, na kay laon ng nakukubli sa kaduluhan ng karimlan. Bagay na nagbunga ng napakalaking pagkakamali sa panig ng nakakarami. Iyan ay dahil sa kakulangan nila ng husto at wastong pagka-unawa sa tunay na anyo ng madilim na tanawing tumutukoy dito.

Ngayon nga'y itututok namin ang ganap na pansin ng madla sa presisyong sukatan ng katotohanan, na magsisilbing panutok na spatlait (spotlight), upang mahayag sa maliwanag ang tunay na pangkabuoang larawan nito. Kasabay na matalastas ng lubos ang bawa't kaliitliitang mga detalye ng usapin na may ganap na kinalaman dito.

Martes, Agosto 1, 2017

ANG PANGALAWANG PAGPARITO (The Second Coming)

Katotohanan nga kaya na itong si Jesus ng Nazaret ay nangako sa kaniyang mga alagad, na siya ay muling magbabalik, gaya ng maliwanag na nasasaad sa sumusunod na talata,

JUAN 14 :
2  Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.

3  At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay MULING PARIRITO AKO. at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon. 

Tila nga yata may matibay na katunayang biblikal ang marami, na madiing nagsasabi hinggil sa huling mga araw, na kung saan ay pinaniniwalaan ang naka-akmang pagparito nitong si Jesucristo sa pangalawang pagkakataon.