Virgo 'The Virgin' |
Ang mga Meteorologio hindi kalayuan sa Betlehem (31.7031N 35.1956E) ay nagtala ng eksaktong temperatura sa lugarin ng Hebron (timog bulubundukin ng Juda). Ang talaang iyon ay naglahad, na sa loob ng tatlong (3) buwan - ang kaganapan ng pagyeyelo (frost) ay ayon sa sumusunod: Disyembre 2.8 degrees; Enero - 1.6 degrees; at sa Pebrero - 0.1 degrees centigrade. Naghahatid din ang panahong iyan ng madalas at malalakas na buhos ng ulan, humigit-kumulang 6 inches sa buwan ng Disyemnbre, at kung Enero ay halos aabot sa 8 inches.
Ayon pa rin sa kasalukuyang kaalaman – ang klima (climate) sa kalakhang Palestino ay hindi kailan man kinakitaan ng dramatikong pagbabago-bago sa loob ng lumipas na 2,000 taon. Bilang batayan nito ay maaaring konsultahin ang alin mang makabagong obserbasyong meteorologio ng nabanggit na rehiyon.
Ang katotohanang iyan ay nagpapakita, na
ang Betlehem tuwing darating sa kapanahunang nabanggit ay nasa kalagayan ng
mahigpit na panahon ng taglamig. Dahilan upang ang mga kawan ng hayop at mga tagapag-alaga
(pastor) nito ay magsipagkanlong at manatili pansamantala sa kani-kanilang
kuwadra (kulungan) at tahanan.