MAT 17 :
5 .... ITO
ANG SINISINTA KONG ANAK, NA SIYA KONG KINALULUGDAN; SIYA
ANG INYONG PAKINGGAN.
Sa talatang nasa itaas ay ipinakilala nitong Espiritu ng
Ama sa lahat, na ang panginoong Jesucristo
ang sinisinta niyang Anak, at tayo ay
inuutusan niyang makinig sa mga salita
(evangelio ng kaharian) na ipinapangaral niya sa mga tao.
Ano pa’t sa katapusan ng kaniyang
layunin sa sangbahayan ni Israel ay madiin niyang inihabilin sa mga orihinal at
lihitimong mga apostoles ang ganito,
20 NA ITURO NINYO SA KANILA NA KANILANG GANAPIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY NA INIUTOS KO SA
INYO: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan (ages).
Kung gayo'y mayroong mga utos (Kautusang Cristo) na sinalita ng sariling bibig ng Cristo Jesus, na nararapat nating pakinggan at isabuhay. Kung hindi ay mangangahulugan iyan ng paglabag sa partikular na utos na iyan ng Ama. Maituturing ngang iyan ay isang lubhang malaking kasalanan sa kaisaisang Dios ng langit. Sapagka’t nasasalalay sa evangelio ng
kaharian (katuruang Cristo) na masiglang ipinangaral ng sariling bibig ng panginoong Jesucristo ang kaligtasan
ng kaluluwa at kapatawaran ng mga
kasalanan. Kaya nga, kung ang sinoma’y hindi magsasabuhay ng katuruang Cristo, ay maipasisiya na ang taong iyon ay ganap na dumadako sa kahabaghabag na kalagyan ng mga anak ng pagsuway.
Hinggil
sa usapin ng bautismo ay ano naman kaya ayon sa Katuruang Cristo ang mga aral, o mga utos na nararapat ganapin ng lahat? Unahin nga muna nating sulyapan ang katuwiran na ipinangaral ng kagalanggalang na San Juan Bautista, at gaya ng nasusulat ay kaniyang winika,