Noon pa mang una, at hanggang sa panahon nating ito'y lubhang napakarami sa kalipunan ng mga denominasyong Cristiano ang nagpipilit na umangkin sa sagradong kalagayan ng mga tunay na iglesia. Sila anila'y naaayon sa pagkatawag na mababasa sa Mateo 16:18.
Gaya ng napakaliwanag na nasusulat,
Mat 16 :
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking IGLESIA (MGA TINAWAG); at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Sa talata (Mat 16:18) ngang iyan sa itaas ay napakaliwanag na madiing winika nitong Espiritu ng Dios, na nasa kalooban ni Jesus, na itatayo Niya ang kaniyang mga "tinawag", o ang "iglesia" (ecclesia). Ano pa't sa halip na ang salitang iyan ay lapatan ng mga paganong Romano ng husto at wastong salin, ay sinadya nilang ito'y bigyan ng maling kahulugan.