Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Puno ng Ubas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Puno ng Ubas. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Hulyo 1, 2017

ANG PUNO NG UBAS

Nahahayag sa mga sumusunod na talata nitong evangelio ng apostol na si Juan ang sinaksihan na mga salita ng malinaw niyang pandinig. Pinatototohanan niya na ang mga iyon ay maliwanag na nangagsilabas mula sa sariling bibig ng Cristong si Jesus.

Gayon man ay hindi maaaring ituring na ang mga salitang iyon na ipinangaral ni Jesus sa buong sangbahayan ni Israel ay mula lamang sa sarili niyang kaisipan. Sapagka't may diin niyang sinalita, na ang aral (Katuruang Cristo) na kaniyang ibinahagi sa mga anak ni Israel ay hindi mula sa sarili niyang opinyon (pagmamatuwid), kundi doon sa kabuoan nitong Espiritu ng Dios, na sa kaniyang buong pagkatao sa panahon niyang iyon ay masigla at makapangyarihang namamahay at naghahari.

Kaniya pang mahigpit na ipinaunawa sa lahat, na anomang patotoo na magmumula lamang sa kaniyang sariling mga salita, o opinyon ay hindi katotohanan.