Lunes, Hulyo 18, 2011

SI PABLO AY LABAN KAY JESUS

Saul of Tarsus aka Paul
1. TUNGKOL SA KAUTUSAN

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

KATUWIRAN NG DIOS

            
S
a pagkakataong ito’y ikinagagalak namin na ipaglingkod sa inyo ang pagbibigay ng tanglaw sa hindi kakaunting usapin, na noong una ay ibinangon ng mga tampalasan. Yao'y mga katuruang malabis na nagpapawalang saysay sa mga sinalita ng mga propeta na inaring ganap ng Dios sa sangbahayan ni Israel
Bagay na kung uunawaing mabuti ay nagpapahiwatig ng paghihimagsik sa mga salita ng Dios. Ito’y sa layuning bigyang daan ang bagong simulain na umano’y kasusumpungan ng bagong pagasa, tungo sa tunay na kahulugan ng buhay na puspos ng kabanalan sa kalupaan.

Kaugnay nito’y nalalaman natin na ang mga anak ni Israel na hinirang ng Dios na pamahayan at pagharian ng kaniyang Espiritu ay nagsaad sa iba’t ibang panahon (henerasyon) ng mga bagay na tumutukoy sa katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. Dahil dito ay hindi nga nararapat pag-alinlanganan ng sinoman sa atin ang kadalisayan at kabanalan ng mga salita na nangagsilabas mula sa kanilang bibig.