Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anak ng tao. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Anak ng tao. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Enero 16, 2016

Ang Ama na nasa Langit

 
Courtesy of Google Images
Noon pa mang una ay isa ng malaking usapin ang tungkol sa kaisisang Dios na nasa langit. Ama ang nakaugaliang itawag ng marami sa Kaniya, at pinaniniwalaan nilang nag-iisa lamang ang Kaniyang Anak, at siya ay walang iba, kundi itong si Jesus ng Nazaret. Isa lamang iyan sa hindi kakaunting palapalagay ng mga tao hinggil sa likas niyang kalagayan.

May nagsasabi din na siya ay "hindi anak ng Dios na Dios," kundi "anak lamang ng tao na tao." Ano pa't giit ng iba ay "hindi anak ng Ama itong si Jesus, kundi siya mismo ang Ama," sapagka't nasusulat na siya at ang Ama ay iisa. Ang iba naman ay nagsasabi na siya ay "tao at Dios," dahil sa pahiwatig umano ng kasulatan na siya ay "Dios na nagkatawang tao."

Ang mga argumentong iyan ay walang katapusan na pinagbabangayan ng marami noon pa mang una hanggang sa kasalukuyan nating panahon. Gayon man, kung bibigyan lamang ng pagkakataon ang Katuruang Cristo na liwanagin ang hindi matapostapos na isyung iyan ay hindi magiging mahirap sa atin, na maunawaan ng lubos ang katotohanan tungkol diyan.

Ang Katuruang Cristo, palibhasa'y mga sagradong aral (evangelio ng kaharian) na masigla at may galak sa puso na ipinangaral ng sarili niyang bibig ay taglay ang mga presisyon at eksaktong paglilinaw sa mga magugulong isyu na gaya niyan. 

Huwag nga lamang iyan lalakipan ng ibang evangelio (evangelio ng di pagtutuli) ay may katiyakan, na kasusumpungan ng mga katuwiran na sinasang-ayunang lubos ng katotohanang sumasa Dios ng langit.

Gawin naman natin ngayon na alisin sa eksena ang panggulong ibang evangelio nitong si Pablo, at subukan naman natin na bigyang pagpapahalaga ang Katuruang Cristo, na kay laon ng niwawalang kabuluhan ng marami. Kaya ngayo'y tingnan natin, kung ano ang kalalabasan ng mga salita na mismo ay iniluwal ng sariling bibig ni Jesus hinggil sa usapin na may kinalaman dito.

Miyerkules, Oktubre 1, 2014

SIYA ANG INYONG PAKINGGAN (inyong Ama at aking Ama)

Sa mga kapatid.

Paunang salita
“Hindi namin layunin na sirain o atakihin, ni ibilad man sa kahiyahiyang kalagayan ang aming kapuwa, kundi ang maglahad lamang ng mga bagay na sinasang-ayunang lubos ng mga patotoong biblikal 

Alingawngaw nga lamang kami ng mga salita ng Dios na isinigaw ng mga totoong banal noong una. Ang mga yao’y hindi namin sariling katha, kundi katotohanang nanatili sa simula pa lamang at lumalagi hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iiral sa mga darating pang kapanahunan. 

Dalangin nami’y kasihan nawa ng higit pang malawak na pang-unawa ang sinomang babasa ng lathalaing ito. Nang sa gayo’y hindi maging mahirap sa kaniya na makita at lubos na maunawaan ang katuwiran ng Dios na binibigyang halaga sa artikulong ito. Dahil dito ay wala kaming nakikitang anomang kadahilanan, upang ang ilan ay magalit sa amin, at kami’y paratangan ng paninira, pang-aatake, o panghuhusga man ng aming kapuwa.

Ang Likas na kalagayan ng Cristo

Tungkol sa likas na kalagayan ng panginoong Jesucristo ay pinatotohanan ng ilan na kinikilala ng marami sa larangan ng kabanalan. Sila nga ay sila Lucas at Pablo, na ang madiin nilang patotoo hinggil sa usaping ito ay gaya ng nasusulat, na sinasabi,

GAWA 2 :
22  Kayong mga lalaking taga Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga Nazaret, LALAKING PINATUNAYAN NG DIOS SA INYO SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWANG MAKAPANGYARIHAN AT MGA KABABALAGHAN AT MGA TANDA NA GINAWA NG DIOS SA PAMAMAGITAN NIYA SA GITNA NINYO, gaya rin ng nalalaman ninyo;

GAWA 3 :
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay niluwalhati ang kaniyang LINGKOD NA SI JESUS, na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.

GAWA 4 :
27  Sapagka't sa katotohanan sa bayang ito'y laban sa iyong BANAL NA LINGKOD NA SI JESUS, na siya mong PINAHIRAN,...

Sa patotoo nitong si Lucas ay maliwanag niyang ipina-uunawa sa lahat, na ang panginoong Jesucristo ay lumalapat sa kalagayan ng isang BANAL NA LINGKOD NG DIOS, at ganap na dumadako sa sagradong gawaing tumutukoy ng lubos sa katayuan ng isang pinahiran (annointed with oil). Kung lilinawin iyan ay Mashiach sa wikang Hebreo, Khristos sa wikang Griego, Messias sa wikang Latino, Messiah o Christ sa wikang Ingles, at Cristo, o Kristo sa wika natin. Siya ay ipinakilala ng napakaliwanag sa Aklat ng mga Gawa sa likas na kalagayang TAO at bilang isang matapat na lingkod ng Dios.