Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Commandment of God. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Commandment of God. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Pebrero 27, 2014

KAILAN PA NABAGO ANG MGA KAUTUSAN?

Torah (Five books of Moses)
Sa Tanakh na siyang balumbon ng mga banal na kasulatan ay mababasa ang mga kautusan ni Moises, na sa kapanahunan niyang iyon at hanggang sa kasalukuyang panahon ay masigla at may galak sa puso na tinatalima, itinataguyod, tinatangkilik, at ipinagtatanggol ng mga tunay na banal. Iyan ay dahil sa napakaliwanag na katotohanang naglalahad ng mga pangako ng Dios, na sa katuparan ay maluwalhating nakapaghatid ng hindi kakaunting kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Scrolls of Tanakh
Ang salitang TaNaKh ay isang acronym, na kumakatawan sa tatlong unang letrang katinig (consonant) nito – na tumutukoy sa  Torah (Kautusan, na kilala din bilang limang [5] aklat ni Moses), Nevi’im (Mga Propeta), at Ketuvin (Kasulatan). Ang mga iyan ay ang tatlong dibisyon ng Masoretic text, at iyan ay kilala din sa katawagang Miqra.Tanakh, o Miqra ang siyang canon ng bibliyang Hebreo. 

Sa King James na bersiyon ng Tanakh – ang Torah ay isinalin sa tawag na “kautusan (instructions/law),” samantalang ang Nevi’im ay mababasa sa salin na “Propeta (Prophet),” at ang Ketuvin ay tumutukoy ng ganap sa “Kasulatan (scripture).”

Ang tinutukoy sa itaas ay ang pamagat ng mga aklat ng Tanakh na mababasa sa ibaba,

     TANAKH                                                   BOOKS
Torah (Kautusan)          -    Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy.

Nevi’im (Propeta)         -     Major: Isiah, Jeremiah, Ezekeil.
Minor: Hosea, Joel, Amos, Obadiah, Jonah, Micah,   Nahum, Habakuk, Zephaniah, Haggai, Zachariah, Malachi
Former: Joshua, Judges, Samuel, Kings
Ketuvim(Kasulatan)      -   Wisdom : Psalm, Proverbs, Job.
Scrolls : Song of Songs, Ruth, Lamentations, Ecclesiastes, Esther 
Histories: Daniel, Ezra, Nehemiah, Chronicles.

Sa mga bumalangkas at nagsigawa nitong tinatawag na Bagong Tipan (New Testament) ay naging isang kalihiman ang tungkol sa usaping ito, na may kinalaman sa Torah, Nevi’im at Ketuvim. Sapagka’t iyan ay isinalin nila sa katawagang Kautusan, Propeta, at Kasulatan. Dahil diyan ay hindi naging malinaw sa bumabasa ng nabanggit na aklat ang mga mahahalagang usapin na may ganap na kilaman sa mga iyon.

Biyernes, Pebrero 22, 2013

ANG BABALA (Kapahamakan ng kaluluwa)



Sa kasalukuyang panahon ay higit ng naging maingat ang karamihan sa pangsarili nilang kapakanan. Una-una ay sa kalusugan, kabuhayang pang materiyal at Ispirituwal, relasyong pampamilya, pagmamalasakit sa kapuwa at marami pang iba. Sa usaping ito ay tatalakayin natin ang ilang tanawin na may kinalaman sa pagmamalasakit sa kapuwa. Dahil maituturing na kabutihan ang gawaing, pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga tao, hindi nga lamang sa kanila na malalapit sa ating puso at damdamin.

Tungkol sa usapin ng kapakanan at proteksiyon ay likas sa lahat na unahin ang kanikaniyang sarili sa mga gawain na nabanggit sa itaas. Gayon man ay isa pa ring kalugodlugod na gawaing pangkabanalan na paalalahanan ang ating kapuwa, kung sa tingin natin ay nalilihis ang kanilang sarili sa umiiral na batas at palatuntunan tungo sa matuwid na landas ng buhay.

Dahil dito ay hindi naging tamad at makupad ang marami para bigyang katuparan  ang kahalagahan ng bagay na ito. Sa mga pabalat (label) ng pangunahing bilihin ay makikita ang mga paalala at babala na nagsasabing makasasama ang mga produktong iyon sa kalusugan ng mga tao, at nagdudulot ng pagkakasakit at sa dulo ay kamatayan.