Ang pagpalaot sa larangan ng
tunay na kabanalan ay may mahigpit na pangangailangan ng matapat at masiglang pagtalima sa
mga natatanging kalooban ng Ama
nating nasa langit. Layon nito na ilagay sa kahustuhan ang kamalayang
pangkabanalan ng sinoman sa kalupaan. Bagay na sa kanino man ay nagpapaging ganap sa banal na
kalagayan at nagpapatibay sa pagkilala bilang isang totoong kopa ng kabanalan (Holy grail).
Sa usapin na may
kinalaman sa mga bagay na ikinalulugod ng Dios ay napakahalaga ang pagsunod na
walang labis at walang kulang sa Kaniyang mga kautusan. Sapagka’t nais Niya’y kung ano ang utos ay gayon
din ang nararapat na gawing pagsunod ng kaniyang mga anak. Halimbawa’y nang
iutos niyang ang kaniyang mga salita ay huwag dagdagan, ni bawasan man. Ibig sabihin nito'y nais ng ating Ama na manatili sa orihinal na kalagayan ang Kaniyang mga salita, at sa gayo'y napakaliwanag na paglabag sa kaniyang kalooban na magdagdag at magbawas ni kudlit man sa mga iyon.
Dahil diyan ay lalabas na isang napakalaking kasiraan sa sinoman, kung ang mga salita ng Ama
niyang nasa langit ay lalakipan niya ng mga pangsariling pilipit na dagdag na pagmamatuwid, at
babawasan niya upang ang kahustuhan ng katuwiran nito ay magkulang.
Gaya nga ng
katuwirang nagtutumibay hinggil sa usaping ito ay mariing sinabi,
KAW 30 :
6 HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.
6 HUWAG KANG MAGDADAGDAG SA KANIYANG MGA SALITA, Baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang SINUNGALING.
DEUT 12 :
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
32 Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong ISASAGAWA: HUWAG MONG DADAGDAGAN, NI BABAWASAN.
JER 26 :
2 ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.
2 ... ang lahat na SALITA na inutos ko sa iyo upang SALITAIN SA KANILA; HUWAG KANG MAGBABAWAS NG KAHIT ISANG SALITA.
Gayon ngang
napakahigpit ang tagubilin o kautusan hinggil sa salita ng kaisaisang Dios, na ang mga iyon ay huwag na huwag dadagdagan, ni babawasan man. Sapagka’t may
ganap na kahustuhan ang katuwiran ng Dios na nararapat mapag-unawa ng lahat.
Ano pa’t kung ang salita Niya’y
madadagdagan, o mabawasan man ay hindi na nga magiging husto, o sapat ang makakarating
na kaalamang pangkabanalan sa mga kinauukulan. Hindi kakaunti sa ating mga kapatid ang
nakakaladkad ng ganitong uri ng katampalasanan sa tiyak na kapahamakan ng
kanilang kaluluwa.